Wednesday , December 12 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Shaina, panahog na lang
Shaina, panahog na lang

Shaina, panahog na lang

MARAMI ang nakapuna na nag-improve si Xian Lim sa akting niya sa The Story of Us. Buong ningning na nagpasalamat ang aktor sa mga natutuhan niya kay Direk Cathy Garcia-Molina.

Nag-share siya ng picture sa kanyang IG account na kasama si Direk.

READ MORE:  Bea, secret GF ni Alden

“Sobra akong natakot sa first week nating magkatrabaho pero through out the process, I realized na napakarami kong natutuhan sa ‘yo. Hindi lang sa pag-arte but the way you directed us with so much passion. Hindi lang 100% ang ibinigay mo. From wardrobe, to our looks, to make up and script…ikaw lahat yun,” caption niya.

READ MORE:  Isabel Granada, comatose, 6 na beses inatake (Nasa ICU pa rin)

Nagtapos na ang serye nina Xian at Kim Chiu na nakisawsaw si Shaina Magdayao.

Iniintriga si Shaina na ganyan na lang ba ang takbo ng career niya, panahog?

Talented si Shaina pero parang mailap sa kanya ang suwerte para maging ganap na big star. Wala siya sa kalingkingan ng inabot ng career ng kapatid niyang si Vina Morales.

READ MORE:  Talkshow nina Marian, Ai Ai, at Regine, ‘di na raw matutuloy

Hindi kaya dapat ay magre-invent siya sa kanyang career?

TALBOG – Roldan Castro

COMMENTS

About Roldan Castro

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved