Thursday , April 18 2024

Puwersa ng PDP-Laban, lalong pinalakas sa NCR

Pinagtibay ng Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan National Capital Region Council (PDP-Laban NCR) ang prinsipyo at estado ng kanilang kinabibila-ngang ruling party sa ginanap na pulong sa Club Filipino, San Juan City kamaka-ilan.

Ayon kay Jose Antonio Goitia, chairman ng Membership Committee ng PDP-Laban NCR at national head ng PDP Laban Policy Studies Group,  mainit ang naging pagtanggap nila sa mga dumating na datihang kasapi gayondin sa mga gustong maging miyembro ng kanilang partido

“Maganda ang turnout ng mga nais na sumama sa aming NCR Council. Sa pagtitipong ito, ipinaliwanag muna ni Ka Anthony del Rosario ang tungkol sa five principles  ng PDP-Laban  at Ka Ed Almazan na nagbigay tanaw sa history ng PDP-Laban,” diin ni Goitia na nanunungkulan din bilang pangulo ng PDP-Laban San Juan City Council.   “Ipinaliwanag sa kanila  ang kahulugan ng limang prinsipyo ng partido. Sa pamamagitan nito, malalaman nila kung ano ang ipinaglalaban at paninindigan ng PDP-Laban.”

“Mainam kasi na mauna-waan muna ng mga bagong miyembro ang five basic party principles ng PDP-Laban,” paliwanag naman ni PDP-Laban National Capital Region Council President Abbin Dalhani. “Nararapat lamang na matuklasan nila ang aming pangunahing mga prinsipyo na Theism, Authentic Humanism, Enlightened Nationalism, Democratic Centrist Socialism at Consultative and Participatory Democracy.”

“Ang PDP-Laban ang tunay na nanindigan para sa ating kalayaan. At sa pangu-nguna ni PDP-Laban President Senator Aquilino “Ko-ko” Pimentel III na tatang-haling bagong Senate President sa 17thCongress, makaaasa ang aming kapartido na si incoming President Rodrigo Duterte sa kahandaang tumulong ang PDP-Laban para sa mga ipinangako ni-yang pagbabago patungo sa kaunlaran ng ating bayan,” dagdag ni Dalhani.

About Hataw News Team

Check Also

Bong Revilla Jr Maynilad sinkhole

Maynilad panagutin sa sinkhole — Revilla

“DAPAT managot ang Maynilad at kanilang mga kontraktor.”                Ito ang ipinahayag ni Sen. Ramon …

BUCAA Bulacan Daniel Fernando

Sa Liga ng Palarong Basketball ng BUCAA  
MAGLARO NANG MAY PUSO — GOV. DANIEL FERNANDO

“MAGLARO kayo nang may puso. Ipakita ninyo ang pagmamahal ninyo sa sports. Tandaan ninyo, ang …

shabu drug arrest

Sa Caloocan
PINTOR HULI SA P.1-M SHABU

IMBES pagpipinta ng bahay, pumasok sa ‘drug trade’ ang isang house painter pero ‘minalas’ na …

Department of Agriculture

Para sa seguridad sa pagkain
PH GOV’T DAPAT MAGPONDO SA MODERNISASYON NG AGRI

HINIMOK ni Senador Win Gatchalian ang gobyerno na mamuhunan sa modernisasyon ng agrikultura at pagpapaunlad …

marijuana

P.6-M tsongki nasamsam sa Bulacan

TINATAYANG aabot sa P602,400 halaga ng high-grade marijuana o tsongki at cannabis oil ang nasamsam …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *