Saturday , April 20 2024

After so many years, Sharon Cuneta balik recording na

THIS time, seryoso na talaga ang nag-iisang Megastar ng Philippine local showbiz na si Sharon Cuneta sa kaniyang comeback.

Bukod sa patuloy ang pag-sexy, sino ba naman kasi ang hindi mai-inspired kung pawang magaganda ang review kay Shawie sa The Voice Kids.

Talaga namang pumapalo nang husto sa ratings, as of press time, humamig na ng 39.7 base sa datos ng Kantar Media: National TV Ratings nitong Hunyo 12 posibleng tumaas pa sa mga susunod na araw, dahil marami talaga ang nag-aabang kay Mega sa nasabing Reality Singing Competition.

Mapapanood tuwing Sabado at Linggo sa ABS-CBN-2. Samantala magiging busiest year para kay Sharon ang 2016. Naka-line up na ang comeback movie sa Viva Films at Star Cinema na balita pa namin ay mag-uumpisa nang mag-shooting ang nanay-nanayan namin sa showbiz ngayong Setyembre. Makakasama nila ng mapipiling leading man ang isa sa pinakasikat na loveteam ngayon. May dalawang concert rin na gagawin ang megastar na gaganapin sa dalawang intimate venues.

Good news, sa lahat ng Sharonians dahil nagbalik in sa recording ang idol ninyong sikat, isang singer-actress na recently ay nag-record ng song sa isang recording studio sa Quezon City.

Nakuhaan ng larawan ang recording session ni Mega na aming inilathala sa Back to Back with my Bff Pete Ampoloquio, Jr.

The undisputed Megastar gyud!

FB King Tyrone Oneza namigay ng laptop sa avid fan na taga-Mindoro
SINGER NAHIRANG NA OUTSTANDING INTERNATIONAL SINGER AT SOCIAL MEDIA MOST LOVED  INTERNATIONAL ARTIST

Balik-bansa ang tinaguriang Ballader ng Masa, Crowd Drawer King at ngayo’y binansagang “FB King Of Wheel of Fortune” na si Tyrone Oneza na gumagawa rin ng pangalan sa Barcelona, Spain.

Umuwi si Tyrone para personal na tanggapin ang award sa 35th Seal Of Excellence Dangal ng Bayan matapos siyang hirangin na Outstanding International Singer, Social Media Most Loved International Artist, na gaganapin today, June 19 5:00 pm sa Ground Theater ng AFP sa Camp Aguinaldo, EDSA, Quezon City.

Bukod sa tatanggaping parangal, isa rin si Tyrone sa mga performers sa event. Kakantahin ng nasabing Vehnee Saturno recording artist ang isa sa cuts ng kanyang self-titled album na “Nag-iisa Ako, Naghihintay Sa ‘Yo” ang sariling komposisyon nila ng namayapang ina na si Nanay Bessie.

Honest, ang ganda ng pagkaka-record ni Tyrone ng song at mararamdaman talaga ang pagmamahal sa kaniyang mother. Nagpapasalamat ang singer-businessman sa lahat ng bumubuo ng Dangal ng Bayan kabilang na pinangungunahan ng Committee Officer na si Jeomar Torres.

Samantala, bukod sa karangalang tinanggap sa Dangal ng Bayan, sa kaniyang pag-uwi ng Pinas, ilang masugid niyang fans ang pinasaya ni Tyrone kabilang ang breadwinner ng isang pamilya sa Mindoro na si Chriss Pangilinan. Tinupad ni Tyrone ang wish na magkaroon ng brand new laptop at personal silang nagkita. Ipinagkaloob sa fan ang nabanggit na expensive gadget. Isa pa sa tumanggap ng Laptop ay si Wana Castillo at marami rin sa kanyang supporters ang pinasalubungan ni Tyrone ng regalo from Barcelona, Spain.

BACK TO BACK – Peter Ledesma

About Peter Ledesma

Check Also

Beaver Magtalas Rico Yan

Beaver Magtalas mala Rico Yan ang dating

MATABILni John Fontanilla KAMUKHA ng yumaong aktor na si  Rico Yan ang baguhang aktor na si Beaver Magtalas na …

Ivana Alawi

Ivana Alawi gumastos ng milyones para sa lalaki

MATABILni John Fontanilla NABIGLA ang publiko nang aminin ni Ivana Alawi sa kanyang pamilya at sa publiko …

Dennis Padilla Aster Amoyo

Dennis ibinilin sa mga anak: magtulungan

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ng komedyanteng si Dennis Padilla sa vlog ni Aster Amoyo na TicTALK with …

Janno Gibbs Manilyn Reynes Keempee de Leon

Manilyn pinaka-memorable na ka-loveteam si Janno

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ni Manilyn Reynes sa Updated with Nelson Canlas, tinanong siya kung …

Glaiza de Castro David Rainey

Glaiza naka-iskedyul pagbuo ng baby

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG busy si Glaiza de Castro, paano ang pagbuo nila ng pamilya ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *