Friday , August 7 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Lucky charm ko si Bea — Enchong
Lucky charm ko si Bea — Enchong

Lucky charm ko si Bea — Enchong

00 SHOWBIZ ms mALL praises si Enchong Dee kay Bea Alonzo. Hindi lang kasi niya kaibigan ang aktres, kundi ikinokonsidera rin niyang lucky charm.

Paano naman, successful ang lahat ng mga teleseryeng pinagsamahan nila tulad ng Magkaribal, Sa ‘Yo Lamang, at Four Sisters and a Wedding. Nagkasunod-sunod din ang mga project niya ngayon tulad ng bagong TV series na magkasama silang muli ni Bea gayundin nina Iza Calzado at Ian Veneracion.

Nariyan din ang pelikula niya with Kiray, from Regal Films ang I Love You To Death at ang album na EDM gayundin ang bagong TV show mula sa Knowledge Channel, ang AgriCOOLture na sisiyasatin niya ang malaking potential ng agri-preneurship sa pamamagitan ng aquaculture, crop production, at poultry. Magsisimula ito sa Hulyo 19.

Layunin ng AgriCOOLture na maunawaan ng mga mag-aaral na yumayabong ang sector ng agriculture sa bansa na may mahalagang papel sa ekonomiya pati na sa pagpapaunlad ng buhay ng bawat Filipino.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

About Maricris Valdez Nicasio

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top