Friday , April 19 2024

Leo Martinez, proud sa panalo ni Jaclyn Jose sa Cannes

00 Alam mo na NonieIPINAHAYAG ni Direk Leo Martinez na proud siya sa natamong tagumpay ni Ms. Jaclyn Jose sa Cannes. Nanalong Best Actress si Jaclyn sa katatapos na 69th Cannes Film Festival sa France para sa kanyang mahusay na pagganap sa pelikulang Ma’ Rosa ni Direk Brillante Mendoza.

“Napakaganda niyon para sa ating industriya. At saka itong pelikulang ito, ang kailangan nating isipin, hindi na lang ito ang market natin, eh. South East Asia, dapat iyon ang isipin nating market.

“As an artist siyempre proud ako sa victory niya. Dapat lahat tayo maging proud doon, kasi siya ang unang Filipino na nakapanalo ng Best Actress sa Cannes,” pahayag ni Direk Leo.

Isa si Direk Leo sa tampok sa horror movie na The Smell of Fear ng BG Productions International na pag-aari ng Queen of Indie Films na si Ms. Baby Go.

Ginanap ang story conference nito sa Function Room ng Lee Gardens Condominium.

Ang pelikula ay pamamahalaan ng Italian director na si Paolo Bertola at tatampukan nina Arron Villaflor, Megan Young, at Ruben Maria Soriquez ng TV series na Dolce Amore.

Nagkuwento si Direk Leo nang kaunti sa papel na gagampanan dito.

“Ako iyong gasoline attendant sa movie, ako ang nakaka-alam na may mga nangyayaring kababalaghan sa kapaligiran, pero hindi ko matukoy kung ano. Mayroon akong supetsa, pero hindi ko masabi kung ano talaga dahil hindi ko alam.

“Siyempre suspense movie ito, kaya hindi namin talaga puwedeng sabihin ang mga mangyayari sa movie dahil mawawala ang supense.”

Sa panig naman ni Ms. Baby, sinabi niyang excited siya sa naturang project. “Excited na ako sa pelikulang ito, dahil pangarap kong makagawa ng horror movie talaga. Ito ang first horror movie ng BG Productions, kaya dapat talagang abangan ang project na ito.”

Ayon naman kay Direk Paolo, ang pelikula raw ay may halong fantasy, horror at comedy. Pero mas aabangan siyempre rito ang mga nakakatakot na zombies!

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

About Nonie Nicasio

Check Also

Beaver Magtalas Rico Yan

Beaver Magtalas mala Rico Yan ang dating

MATABILni John Fontanilla KAMUKHA ng yumaong aktor na si  Rico Yan ang baguhang aktor na si Beaver Magtalas na …

Ivana Alawi

Ivana Alawi gumastos ng milyones para sa lalaki

MATABILni John Fontanilla NABIGLA ang publiko nang aminin ni Ivana Alawi sa kanyang pamilya at sa publiko …

Dennis Padilla Aster Amoyo

Dennis ibinilin sa mga anak: magtulungan

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ng komedyanteng si Dennis Padilla sa vlog ni Aster Amoyo na TicTALK with …

Janno Gibbs Manilyn Reynes Keempee de Leon

Manilyn pinaka-memorable na ka-loveteam si Janno

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ni Manilyn Reynes sa Updated with Nelson Canlas, tinanong siya kung …

Glaiza de Castro David Rainey

Glaiza naka-iskedyul pagbuo ng baby

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG busy si Glaiza de Castro, paano ang pagbuo nila ng pamilya ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *