Friday , April 26 2024

Kiray hanggang pantasya na lang sa boys (Pandak kasi at hindi kagandahan)

PARANG younger version ni Eugene Domingo si Kiray Celis na ipinapareha ngayon ng Regal Films sa mga guwapong leading man.

Kung noong ratsada sa paggawa ng movies si Eugene na mga hunk ang kapareha, naging very vocal noon ang sikat na komedyana sa pagsabing wala man siyang lovelife ay masaya siya kasi mga pogi ang nakakasama niya sa project.

Ang isa pang ikinatutuwa ni Uge, kapag may lovescene siya sa kapartner na alam niyang hanggang doon lang ang mamagitan sa kanila ng co-actors. Kaya ewan lang natin dito kay Kiray kung hanggang  pantasya lang din ba siya sa boys gaya ng kasama niya ngayon sa kaniyang latest movie na si Enchong Dee.

Kasi kung higit pa riyan, kami na mismo ang magsasabing wala siyang mahihita dahil bukod sa pandak siya, hindi pa kagandahan ang face. Puwera na lang siguro kung gamitan niya ng gayuma, baka may pumatol kahit one night stand lang.

I’m honest, lang gyud!

Shows ng ABS-CBN Dreamscape Entertainment At Star Creatives pasok sa Top 10 sa buwan ng Mayo
DOLCE AMORE MOST VIEWED TELESERYE SA IWANT TV

Patuloy ang pamamayagpag sa ratings sa buwan ng Mayo ng mga show ng ABS-CBN, Dreamscape Entertainment, Star Creatives atbp.

Nakapagtala ng 44% na audience share ang Kapamilya kompara sa 32% ng Kapuso network ayon sa survey data ng Kantar Media.

Halos 20 milyon page views din ang nakuha ng mga programa nito sa video streaming website ng ABS-CBN na iWant TV. Ang primetime block ay nananatiling baluwarte ng mga Kapamilya dahil naitala ng ABS-CBN ang average audience share na 49% kompara sa 31% ng GMA.

Hari pa rin ang FPJ’s Ang Probinsyano (41.1) na pinagbibidahan ng idol ng masa na si Coco Martin. Nangunguna ang action-drama series sa buong bansa mula nang umere, at nangunguna sa siyam na palabas ng ABS-CBN na pasok sa Top 10.

Kabilang rin sa Top 10 shows ang Dolce Amor nina Enrique Gil at Liza Soberano sa rating na 32.9% at Doble Kara (18.0%) na mga nagniningning na shows sa Kapamilya Gold mula sa Dreamscape Entertainment.

Ratsada sa ra-tings ang bagong handog na istorya sa WANSAPANATAYM Presents na “Just Got Laki” topbilled by JC de Vera and Jessy Mendiola na nagtala ng 33.5% na rating last May 29.

Sa iWant TV naman humakot ang ABS-CBN ng 19.91 million views nitong Mayo na nagpapakitang patuloy na nanonood ang mga Filipino sa pamamagitan ng Internet gamit ang kanilang mga gadget, laptop, smart phone habang umeere ang mga programa sa telebisyon.

Ang mga paborito sa primetime na Dolce Amore ay humamig ng 4.5 million page views, ganoon rin ang FPJ’s Ang Probinsyano na nagkamit ng 2.25 million page views worldwide.

Sa husay at bilis humakot ng Lucky Coins
ROSE ANNE NG DAGUPA NAKAPAG-UWI NG P52,490 SA “HAKOT PA MORE” NG EAT  BULAGA

Si Rose Anne ng Dagupan City, ang may hawak ngayon ng record sa “Hakot Pa More” ng Eat Bulaga na may pinakamaraming nahakot na lucky coins at nakapag-uwi ng tumataginting na P52,490.

Bukod sa husay at bilis humakot ay malaking tulong rin si Bae Kim kay Rose Anne para makamit ang malaking halaga na malaking tulong sa pangangailangan niya at ng kaniyang pamilya.

Apat na Dabarkads na naman ang binalatuhan ng Bulaga sa studio audience noong araw na ‘yun sa Hakot Pa More na nanalo ng 5K each at sila ay sina Tina, Fina, Karen at Jess.

Abangan ang ating mga Dabarkads araw-araw sa Hakot Pa More at Lucky Hakot Truck Nationwide.

VONGGANG CHIKA – Peter Ledesma

About Peter Ledesma

Check Also

Ice Ganda Vic Sotto Ice Seguerra

Ice sobra-sobra ang pagmamahal kay Bossing Vic kaya nagbihis babae 

I-FLEXni Jun Nardo WALANG guests si Ice Seguerra sa concert niyang Videoke Hits na gagawin sa Music Museum sa …

Bunny maganda na ang buhay, anak na may kapansanan nakakuha ng trabaho

HATAWANni Ed de Leon INAMIN ng dating aktres na si Bunny Paras na hanggang ngayon ay hindi …

Richard Gomez

Goma pwedeng maging presidente ng Pilipinas

HATAWANni Ed de Leon SABI nga huli man at magaling naihahabol din. Hindi namin halos …

Maine Mendoza new hair cut Short hair

Maine nadesmaya sa maiksing buhok

MA at PAni Rommel Placente MAIKSI na ang buhok ni Maine Mendoza. Pero nagdesisyon siya na …

Sofia Pablo 18th bday Allen Ansay

Allen big supporter ni Sofia

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BONGGA ang 18th birthday o debut ni Sofia Pablo. As a Sparkle …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *