Wednesday , April 24 2024

Giyera kontra droga ni Pres. Rody, wa-epek kay Dir. Nana ng MPD?

MARARANASAN na sa wakas ng pangkaraniwang mamamayan ang tunay na malasakit ng pamahalaan sa kanilang kapakanan.

Halos araw-araw nang nagbabanta si incoming President Rodrigo “Rody” Duterte sa mga tiwaling opisyal ng pamahalaan na sangkot sa illegal na droga na magbitiw na bago pa man siya maluklok sa Palasyo sa Hunyo 30.

Partikular na binanggit Pres. Rody ang tatlong heneral sa Philippine National Police (PNP) na aniya’y tutukuyin at hihiyain niya sa publiko kapag dinatnan pa niyang aktibo sa serbisyo.

At nakahanda raw siyang ipatumba kapag hindi tumigil sa illegal na gawain.

Maging ang mga pulis na may mga kasong may kinalaman sa illegal drugs ay kanyang iparerepaso.

Ngayon pa lang ay nakahanda ang taong bayan na suportahan ang giyera kontra droga ni Pres. Rody.

Matagal na kasing inaasam ng ordinaryong Pinoy na magkaroon ng leader na seseryosohin ang pagpuksa sa ipinagbabawal na droga.

Kahit gusto man kasi nilang linisin ang pamayanan sa droga ay nauunahan sila ng takot dahil maraming unipormado, local at barangay officials ang nagkakanlong sa mga pesteng drug pusher sa kanilang lugar.

Lalo na sa Maynila na naging sentro nang kalakalan ng illegal drugs mula nang maupo sa City Hall ang para raw sa mahirap na dayuhan.

Sa administrasyon lang ng “para raw sa mahirap” nagkaroon ng laboratory ng shabu sa Maynila.

Naging pugad din ng Chinese drug traffickers ang siyudad at maging pangkaraniwang pulis ay malayang nakapagbebenta ng shabu at namumuhay nang marangya sa lungsod.

Sa panahon din lang ng “para raw sa mahirap” ay hindi umusad ang kaso ng 14 kagawad ng Manila Police District (MPD) Anti-Illegal Drugs Unit na nahulihan ng limang kilo ng shabu sa kanilang locker sa mismong opisina nila sa MPD headquarters.

Nabibigyan din ng Mayor’s permit ang isang tindahan ng bulaklak sa Binondo pero shabu pala ang ibinebenta.

Nitong tumitindi na ang babala ni Pres. Rody sa mga sangkot sa illegal drugs ay biglang may natagpuang sampung kilo ng shabu sa isang inabandonang kotse sa Sta. Mesa noong nakalipas na linggo.

“Lahat ng pulis na wanted at may kaso ngayon, you have to…either kapag nandiyan ka pa sa droga ipapatay kita. Don’t take it as a joke. ‘Di ako nagpapatawa, P***ng i**, papatayin talaga kita,” sabi ni Pres. Rody sa kanyang Thanksgiving Party sa Davao City kamakalawa ng gabi.

Minamaliit ba nina National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Director Joel Pagdilao at Manila Police District (MPD) chief Sr. Supt. Rolando Nana at hindi nila sineseryoso si Pres. Rody sa kampanyang kontra illegal drugs?

Baka naman bukod sa wa-epek ay tinatawanan pa nila ang matitinding pahayag si Pres. Duterte?

Tsk, tsk, tsk!!!

Go Signal: Itumba ang drug pushers

MAIIBSAN na ang pagkadesmaya ng mamamayan sa kawalan ng aksiyon ng pamahalaan sa illegal drugs.

Hinimok ni Pres. Rody ang mga mamamayan na arestohin ang drug pushers sa kanilang komunidad, at kung may baril sila ay puwede nilang barilin kapag lumaban.

“If he fights and fights to death, you can kill them,” aniya.

Bibigyan raw niya ng medalya ang gagawa nito.

Nauna rito’y inatasan niya ang mga opisyal ng barangay na palakasin ang anti-illegal drugs campaign at kasabay nito’y magtatalaga siya ng armadong anti-drugs operatives na ROTC graduates na tutulong sa ‘pagpurga’ sa mga pamayanan.

Kung lahat nga nama’y magtutulungan, mula barangay hanggang Palasyo ay hindi imposibleng makamit ang target na sa loob ng tatlo hanggang anim na buwan ay malilipol ang kriminalidad, particular ang illegal drugs.

SBMA at Ecozones dapat higpitan din

 YAMAN din lamang na gustong ipa-review ni Pres. Rody ang mga kuwestiyonableng illegal drug cases ay dapat niyang unahin ang kaso ng P5-bilyong halaga ng shabu na ipinuslit sa Subic Bay Freeport Zone noong May 2008.

Aba’y bigla kasing naglaho ang may-ari ng kontrabando na si Anthony “Anton” Ang, kahit nadakip na siya ng SBMA officials at mga tauhan ng Presidential Anti-Smuggling Task Force (PASG).

Balita noo’y isang mataas na opisyal ng PASG ang tumanggap nang milyon-milyong piso para makapuga si Ang.

Ang modus operandi ng ex-PASG official tutulong kunwari sa pag-iimbestiga ng mga nadadakip na kriminal na Intsik bilang interpreter at ipinagyayabang pang malapit daw siya sa mga opisyal ng Chinese Embassy.

Pero ang totoong pakay niya ay makipagkutsabahan sa kriminal kapalit ng malaking halaga.

Noong nakalipas na campaign period ay nakangolekta raw sa mga illegal Chinese traders sa Divisoria at Baclaran para tustusan ang media blitz ni Pres. Rody.

Self-proclaimed media handler ni Pres. Rody ang drama ng damuho at ginawa raw niya ito para sa Davao City mayor nang libre.

Pinagkakitaan na si Pres. Rody, gusto pang humirit ng puwesto sa Bureau of Customs para lalong yumabong ang smuggling business niya.

Kawawa naman ang idolo ng bayan na si Pres Rody kung mapapaikutan lang ng tulad nitong journalist cum smuggler.

Puwedeng itanong ni Pres. Rody kay Peter Laviña kung sino ang tinutukoy nating buwitre na nakapasok sa kanilang bakuran at dumidikitdikit na kay in-coming PNP chief Sr. Supt. Ronald “Bato” Dela Rosa para magmagaling.

Para sa kaalaman ni Gen. Bato, ito rin at ang kanyang pangkat ang PR ng 3 heneral na tinutukoy ni Duterte.

Tama ba, MPD director Sr. Supt. Nana?

Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09174842180. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: [email protected]

About Percy Lapid

Check Also

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Textbook crisis, solusyonan

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PANAHON na bang bitiwan ni Vice President Sara Duterte-Carpio …

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Sinong gustong dumaan sa EDSA Carousel?

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa mga nagdududa sa ‘kasagradohan’ ng EDSA Carousel …

Sipat Mat Vicencio

Mayor Abby Binay pasok sa ‘Magic 12’ ng Pulse Asia, hahaha…

SIPATni Mat Vicencio SINO ba naman ang maniniwala sa ginawang survey ng Pulse Asia kamakailan …

Dragon Lady Amor Virata

Ikot-ikot na para sa 2025 local elections

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata IBA’T IBANG pakulo o propaganda na ang sinisimulan ng …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

QCPD nakapagtala ng 82.61% Crime Solution Efficiency sa nagdaang Semana Santa

AKSYON AGADni Almar Danguilan SADYANG hindi maiwasan na saluduhan ang Philippine National Police (PNP) sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *