Thursday , June 20 2019
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Coco Martin hataw uli sa paggawa ng TV commercials (Ratings ng FPJ’s Ang Probinsyano namamayagpag)
Coco Martin hataw uli sa paggawa ng TV commercials (Ratings ng FPJ’s Ang Probinsyano namamayagpag)

Coco Martin hataw uli sa paggawa ng TV commercials (Ratings ng FPJ’s Ang Probinsyano namamayagpag)

TUWING may ipinapasok na bagong artista sa “FPJ’s Ang Probinsyano” asahan na bagong kuwento ito at bagong misyon ng malinis at tapat sa serbisyong pulis na si Cardo (Coco Martin).

Kaya naman ang TV viewers ng nasabing number one action-drama series sa ABS-CBN Primetime Bida ayaw bumitaw sa panonood kasi bukod sa mabilis ang facing ay susubaybayan talaga ang iba’t ibang istorya na hindi lang magbibigay aral o leksiyon sa lahat kundi magsisilbi rin babala sa mga nagkalat na masasamang elemento sa bansa.

Sa ngayon sa rami ng mga sumusubaybay sa Ang Probinsyano, consistent ito sa mataas na ratings. Sa bagong datos ng Kantar Media, sa National TV Ratings ay lampas 44% na ang Ang Probinsyano.

Humahataw rin ngayon si Coco sa paggawa ng TV commercials kabilang na rito ang bago niyang TVC ng Argentina Corned Beef.

Mapapanood ang FPJ’s Ang Probinsyano gabi-gabi sa Kapamilya network pagkatapos ng TV Patrol.

Number one actor gyud!

Bb. Joyce Bernal, Iza, JC atbp., puring-puri
LOVE ME TOMORROW NINA DAWN, PAPA P. AT COLEEN TUMATABO SA TAKILYA

Bukod sa positive reviews, tumatabo sa takilya ang latest movie offering ng Star Cinema na “Love Me Tomorrow” topbilled by Dawn Zulueta, Piolo Pascual and young Sex Goddess of Philippine Cinema na si Coleen Garcia.

Sa unang araw pa lang ng pelikula sa 200 sinehan sa buong bansa ay kumita na ito ng P13 million at patuloy pang pinipilahan ng moviegoers.

Samantala dalawa sa famous Kapamilya celebrities na pumuri sa obra ni Direk Gino M. Santos at performance ng mga artista ng Love Me Tomorrow ay sina Iza Calzado at JC de Vera.

“I love the film, kilig na kilig ako. Nakatutuwa din kasi it’s a very bold theme for Star Cinema to tackle because it’s something that happens in real life,” say ni Iza.

Narito naman ang napakagandang komento

ni JC na sobrang nag-enjoy sa movie, “I was laughing the whole time. Makare-relate lahat sa movie because it’s about maturity, kahit anong mangyari sa buhay natin kailangan natin maging mature sa mga bagay-bagay, so magandang lesson ang ibinibigay nila sa nasabing movie,” pahayag ng guwapo at mahusay na aktor.

Si Bb. Joyce Bernal ay napahanga rin sa magandang pagkakagawa ng Love Me Tomorrow na nakasentro ang istorya sa May-December love affair nina Dawn at Piolo at bidang-bida rito ang mga Tita.

“PINOY HENYO” NG EAT BULAGA KINAAALIWAN NG MGA BETERANO AT BAGUHANG ARTISTA

Tatlong pares ng mga artista at singers ang sumalang noong Sabado sa “Pinoy Henyo” ng Eat Bulaga.

Unang partner na naglaro ay kabilang noon sa grupong Triplet na sina Sheyrl Cruz at Tina Paner; sina Jenine Desiderio at Jamie Rivera; at ang huling kalahok na sina Renz Verano at Sweet Plantado.

At dahil sina Jenine at Jamie ang may pinakaraming nahulaan, sila ang naglaro sa jackpot round, at kahit hindi na-perfect ng dalawa na masagot ang limang bagay na pinahuhulaan sa kanila ay wagi pa rin sila ng 10k plus sa first round, so umabot ang kanilang premyo hanggang 20k.

Tuwing naglalaro ang mga artista mapa-beterano man o baguhan sa Pinoy Henyo ay kitang-kitang nag-e-enjoy sila. Tinagurian itong Pambansang Laro ng Bayan dahil popular kahit saan.

VONGGANG CHIKA! – Peter Ledesma

About Peter Ledesma

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top