Thursday , April 25 2024

3-child policy ‘order’ ni Duterte

SINABI ni incoming president Rodrigo Duterte, susuwayin niya ang Roman Catholic Church sa isusulong niyang three-child policy, na maaaring muling magresulta sa banggaan nila ng mga obispo.

Ang mayor ay hindi pa naidedeklarang panalo sa May 9 polls, ngunit sa unofficial vote count ng election commission-accredited watchdog, malaki ang lamang niya sa apat niyang mga karibal, tatlo sa kanila ay nag-concede na ng pagkatalo. Mauupo sa puwesto si Duterte sa Hunyo 30.

“I only want three children for every family,” pahayag ni Duterte nitong Linggo sa Davao City. “I’m a Christian, but I’m a realist so we have to do something with our overpopulation. I will defy the opinion or the belief of the Church.”

Tinatayang 80 porsiyento ng 100 milyon populasyon ng Filipinas ay mga Katoliko, pinakamarami sa buong Asya, na tumututol sa aborsiyon at contraception.

Nitong Sabado, binatikos niya ang Simbahan na aniya’y “most hypocritical institution,” nanghihimasok sa mga polisiya ng gobyerno at ilang mga obispo ang yumaman dahil sa mahihirap.

“You sons of whores, aren’t you ashamed? You ask so many favours, even from me,” pahayag ni Duterte sa panayam ng TV station GMA.

Midnight Media briefings asahan sa Duterte admin

NILINAW ni incoming President Rodrigo Duterte, hindi siya dapat katakutan o pag-alangan ng mga mamamahayag dahil sa kanyang matapang na personalidad.

Magugunitang kilala si Duterte sa madalas na pagmumura, pambabara at pagbibiro sa mga mamamahayag na nagtatanong sa kanya kahit sa live press conferences.

Sinabi ni Duterte, hindi dapat ma-intimidate ang mga mamamahayag dahil siya ay madaling lapitan at madali raw aliwin.

Kasabay nito, pinayuhan na rin ng kampo ni Duterte ang mga mamamahayag na nagko-cover sa Malacañang na simulan nang mag-adjust ng ‘body clock’ simula sa Hunyo 30.

Ayon mismo kay Duterte, aasahang hindi magbabago ang ‘working hours’ niya kaya tiyak ang mga presscon sa hatinggabi o madaling araw.

Aalisin na rin daw ang nakasanayang ‘prescreened’ o ‘advance questions’ dahil nakahanda si Duterte sa ano mang tanong huwag lang sa kanyang personal na buhay.

Pres’l yacht gagawing floating hospital ni Duterte

DAVAO CITY – Plano ni President-elect Rodrigo Duterte na gawing isang malaking floating hospital ang Presidential Yacht, kung walang buyer na bibili nito.

Ito ang alternative plan ni Duterte makaraan ihayag ng Philippine Navy na ang pagbebenta ng makasaysayang yate ay isasailalim sa buong proseso ng pagbebenta ng government owned facilities.

Sakaling ma-convert ang nasabing barko bilang ospital, ito raw ang gagamitin sa mga lugar na maaaring wala o kaya’y malayo ang ospital.

Una nang inihayag ni Duterte, gusto niyang ipagbili na ang nasabing yate at gagamitin ang perang malilikom dito sa mordernisasyon ng Veterans Memorial Medical Center.

Daan sa Villar Projects bawal

TINIYAK ni President-elect Rodrigo Duterte, hindi gagamitin ni incoming Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Mark Villar ang posisyon para paboran ang real estate company ng kanyang pamilya.

Ayon kay Duterte, hiniling niya kay Villar ang mapa ng real estate projects ng pamilya.

Mahigpit ang utos ng incoming president na huwag gumawa ng daan o ano mang proyekto ang DPWH sa mga lugar na may proyekto ang pamilya Villar para walang masabi ang mga tao.

Sinabi ni Duterte, kaya niya pinili si Villar para mamuno sa DPWH ay dahil gusto niyang organizational ang mamuno sa naturang ahensiya na isa pa rin aniya sa pinaka-corrupt na ahensiya ng gobyerno.

About Hataw News Team

Check Also

fire dead

Nanay naghanap ng kahoy para panggatong
2 PASLIT NA MAG-UTOL NAABO SA SUMABOG NA TANGKE NG LPG

SILANG, CAVITE — Masusing iniimbestigahan ang pagkamatay sa sunog ng magkapatid na paslit base sa …

Ejay Falcon Alan Peter Pia Cayetano ORIENTAL MINDORO

Mga Cayetano, nagpaabot ng tulong  
1,650 BENEPISARYO, 50 TESDA SCHOLARS PARA SA ORIENTAL MINDORO

UMABOT sa 1,650 benepisaryo mula sa iba’t ibang sektor at distrito sa Oriental Mindoro ang …

PCMC MRI and CT scan Pia Cayetano Bong Go

Cayetano nanguna sa pasinaya  
STATE-OF-THE-ART MRI, CT SCAN EQUIPMENT, ATBP FACILITIES SA PCMC

PINANGUNAHAN ni Senadora Pia Cayetano ang pagbubukas ng Philippine Children’s Medical Center (PCMC) para sa …

Navoteño solo parents cash subsidy

Navoteño solo parents tumanggap ng buwanang cash subsidy

SINIMULAN ng pamahalaang lungsod ng Navotas ang pamamahagi ng buwanang cash subsidy para sa mga …

drugs pot session arrest

4 arestado sa pot-session sa Valenzuela

SWAK sa kulungan ang apat katao matapos mahuli sa akto ng mga pulis na sumisinghot …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *