Saturday , April 20 2024

Ogie Alcasid, nagpaparamdam sa GMA?

GUEST si Ogie Alcasid sa programa nina Arnold Clavio at asawang si Regine Velasquez-Alcasid kamakailan sa GMA 7.

Nagpaparamdam ba si Ogie sa GMA 7 na gusto na niyang bumalik pagkatapos ng kontrata niya sa TV5 sa Agosto 2016?

Wala kasing balitang may bagong show si Ogie ngayong nag-last taping day na ang Happinas gag show na itinapat sa Bubble Gang nitong weekend lang kaya tinanong namin ang manager ni Ogie na si Leo Dominguez tungkol dito.

“Wala pa kaming concrete plans, malayo pa ang August at saka hindi naman siya nawawalan ng shows sa TV5,” sabi ni Leo.

Hmm, hindi naman siguro pababayaan ng TV5 si Ogie ng TV5 dahil pinirata siya noon sa GMA 7 kaya kailangan nilang pangalagaan ang TV host/actor.

Samantala, base naman sa ABS-CBN insider ay hindi naman daw nila inalok si Ogie na lumipat pero inoperan nilang mag-guest sa ilang programa ng Kapamilya Network.

( Reggee Bonoan )

About Reggee Bonoan

Check Also

Gary Valenciano Star Magic ABS-CBN

Gary V handang umarteng muli sa harap ng kamera, bahagi na ng Star Magic family 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio PANIBAGONG career milestone ang naitala ng pambansang Mr. Pure Energy …

Beaver Magtalas Rico Yan

Beaver Magtalas mala Rico Yan ang dating

MATABILni John Fontanilla KAMUKHA ng yumaong aktor na si  Rico Yan ang baguhang aktor na si Beaver Magtalas na …

Ivana Alawi

Ivana Alawi gumastos ng milyones para sa lalaki

MATABILni John Fontanilla NABIGLA ang publiko nang aminin ni Ivana Alawi sa kanyang pamilya at sa publiko …

Dennis Padilla Aster Amoyo

Dennis ibinilin sa mga anak: magtulungan

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ng komedyanteng si Dennis Padilla sa vlog ni Aster Amoyo na TicTALK with …

Janno Gibbs Manilyn Reynes Keempee de Leon

Manilyn pinaka-memorable na ka-loveteam si Janno

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ni Manilyn Reynes sa Updated with Nelson Canlas, tinanong siya kung …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *