Saturday , April 20 2024

Nora, umiiyak na nakiusap kay Ian: dalawin ang tiyuhing si Buboy

A mother’s fate!

Ang pagsalang na muli ng Superstar na si Nora Aunor matapos ang tatlong episodes na nagawa na niya mula 1997 hanggang 2002 sa  MMK (Maalaala Mo Kaya) ang maghuhudyat ng pagbabalik nito sa Kapamilya.

Sa Sabado na (May 7) mapapanood ang mother’s day presentation ng MMK sa naging kalbaryo ng inang si Yolly sa kanyang mga anak na sunud-sunod na namatay ang tatlo at ang ikaapat pa ay severe ang pagkakaroon ng cerebral palsy.

Sa kuwento ng Superstar sa kanyang presscon, nakilala raw niya ang tunay na Yolly at ang sabi nga niya kung sakaling sa kanya nangyari ‘yun eh, baka nagpakamatay na siya at hindi na niya makakayanan at baka makuwestiyon pa niya ang Panginoon.

“Pero maiisip mo rin sa kaso ni Yolly may isa pa siyang normal na anak. Isang musikerong nagkatrabaho sa Korea kaya sisikapin mo pa rin ang mabuhay para sa iba pang minamahal mo.”

Sa mga tanong ko sa Superstar inamin niyang si Matet ang naging pinakamalapit sa puso niya sa mga anak.

“Kahit kasi nagka-pamilya na ito, nagagawa pa rin nila na dalawin ako at kumustahin…sina Kenneth and Kiko ay kasama ni Lotlot though may ka-live in na si Kenneth. May sarili na ring mga buhay…at lahat sila eh, mga anak ko. Wala akong itinuring na iba o ampon sa kanila.”

Malaki ang pasasalamat ng Superstar sa ABS-CBN na humingi na raw siya ng patawad sa mga naging pagkukulang niya sa mga boss ng Kapamilya. At isa sa nakausap niya ng masinsinan ay si Malou Santos.

Nakatihan kong kamustahin ang pakiramdam niya sa pagiging bayani ng anak na si Ian nang makapagligtas ito ng buhay.

At dito hindi ko inaasahan na mag-o-open up ang Superstar sa matagal na palang kinikimkim ng kalooban niya hindi lang kay Ian kundi sa iba pa niyang anak.

“Bilang ina, ipinagmamalaki ko ang nagawa ni Ian na makapagligtas ng buhay. Pero ang hinihiling ko eh sana man lang matapunan nila ng pansin at madalaw (sa FEU Hospital) ang Uncle Buboy nila. Na nag-alaga rin naman sa kanila noong mga bata pa sila…hindi ko inaalis ang magandang nagawa niya para magsalba ng buhay…pero sana maalala rin nila ang Uncle Buboy nila sa panahong ito…pagdating sa kapatid ko, sa bunso namin talagang nagiging emosyonal ako…pasensiya na po…kasi, hindi pa nila dinadalaw man lang ito…sana naiintindihan niyo kung ano ang pinanggagalingan ko…”

A mother’s plea…Na parang naging isang ina na rin sa kanyang kapatid na siBuboy na siyang kumalinga rito maski nasa malayo na siya.

Wala pang plano ang Superstar sa nalalapit niyang kaarawan sa May 21. May mga pelikula raw siyang tinatapos.

“Kung mayroon akong gustong matupad ngayon, ‘yung makakanta muli ako. At totoo na po, aalis uli ako sa July para ipagamot ko na po ang lalamunan ko. Gusto ko na po uling mag-concert!”

Si Aunor din ang nagsabi na na-enjoy niya ang muling pagsalang sa  MMK dahil nagawa niyang huwag maging sakit ng ulo sa produksiyon.

“Talagang hindi po ako na-late. At maganda ang samahan namin ni direk Raz dela Torre. Kasi may mga eksenang kailangan eh, iba-ibang klase ng pag-iyal ang ipakita ko at inalalayan niya ako sa lahat ng ito.”

Mangiyak-ngiyak din ang sumulat at nagbahagi ng istorya ni Yolly na si Akeem Fel Rosario dahil asawa pala ito ng pinsan niya. Kaya ramdam niya ang hirap ng kalooban ng isang inang makailang beses na binawian ng mga biyaya niya.

Biyaya tayo mula sa Diyos ng ating mga magulang lalo na ng ating mga ina. Damhin ang puso ng isang nagbibigay inspirasyon na pagmamahal na puno ng pag-asa at pag-asam.

HARDTALK – Pilar Mateo

About Pilar Mateo

Check Also

Gary Valenciano Star Magic ABS-CBN

Gary V handang umarteng muli sa harap ng kamera, bahagi na ng Star Magic family 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio PANIBAGONG career milestone ang naitala ng pambansang Mr. Pure Energy …

Beaver Magtalas Rico Yan

Beaver Magtalas mala Rico Yan ang dating

MATABILni John Fontanilla KAMUKHA ng yumaong aktor na si  Rico Yan ang baguhang aktor na si Beaver Magtalas na …

Ivana Alawi

Ivana Alawi gumastos ng milyones para sa lalaki

MATABILni John Fontanilla NABIGLA ang publiko nang aminin ni Ivana Alawi sa kanyang pamilya at sa publiko …

Dennis Padilla Aster Amoyo

Dennis ibinilin sa mga anak: magtulungan

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ng komedyanteng si Dennis Padilla sa vlog ni Aster Amoyo na TicTALK with …

Janno Gibbs Manilyn Reynes Keempee de Leon

Manilyn pinaka-memorable na ka-loveteam si Janno

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ni Manilyn Reynes sa Updated with Nelson Canlas, tinanong siya kung …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *