Friday , April 19 2024

Kathryn, Asia’s Emerging Movie Queen na ang bagong titulo

NOONG March 26 pa ang kaarawan ng Teen Queen na si Kathryn Bernardopero tuloy-tuloy pa rin ang selebrasyon dahil sa rami ng mga nagmamahal sa kanya. Isang post birthday party-presscon ang inihanda ng KB Buddies (solid fans club niya) sa pangunguna ng founder na si Ate Long Gumatay sa La Reeve Events Place sa Sgt. Esguerra. Ang dami talagang nag-effort para sa kanya.

“Nakatutuwa siyempre dahil hindi naman biro ang ganitong party at mag-gather ng tao, ayusin ang ganitong event, maraming makakain na oras, maraming gastos. Pinag-ipunan nila, eh. Nakatutuwa na grabe ang effort ng lahat para patunayan na nariyan sila para sa akin,” deklara ni Kath.

Ano ang pakiramdam niya na may bagong title na ikinakabit sa kanya, ang Asia’s Emerging Movie Queen?

“Oo nga, sinong nagsabi niyon?,” natutuwang pakli ng dalaga.

“Kanino nga ba galing ‘yun? Wow! Napakabigat na, Asia. Hindi ko alam kasi noong tinatawag akong Teen Queen, pressure agad, sobrang bigat para sa akin pero heto doble ‘yung pressure. Pero grabe ang pasasalamat natin na pati sa ibang bansa ay nare-recognize tayo,” sambit pa niya.

Mami-miss ba niya ang title na Teen Queen dahil 20 na siya?

“Feeling ko, hindi ‘yan mawawala. Sabi nga nila, paano ‘yan, 20 ka na, hindi ka na teen? Sabi ko, hindi  forever dapat ‘yun kasi ‘yun ang unang ipinangalan sa akin ng mga tao. Parang hindi ko kaya ‘yun na pakawalan. Kaya forever na ‘yun sa akin.

“Kaya ‘yung sa book ko (‘Everyday Kath’),  kahit 20 na ako nakalagay doon ‘365 ways to be a Teen Queen’ kasi kahit ‘di na ako teen, naging parte ‘yan ng buhay nating lahat kaya hindi natin ‘yan bibitawan,” deklara niya.

Naka-welding na pala sa ulo ni Kathryn ang title na Teen Queen at hindi na puwedeng maagaw nina Liza Soberano, Barbie Forteza, Bea Binene, Alexa Ilacad at iba pang young actress.

Samantala, excited na si Kathryn sa gagawin nilang pelikula ni Daniel Padilla sa Barcelona, Spain na si Olive Lamasan ang director. Pero ano ang reaksiyon niya na bina-bash siya dahil bestfriend ang tawag niya kay DJ samantalang more than friends daw sila?

“Parang minu-minuto nariyan sila sa Instagram ko, nag-aabang, panira ng araw. Ha!ha!ha! Pero parte ‘yan, eh..na may mga iba talaga na hinihintay lang na magkamali pero kami ni DJ,  sinasabi namin hindi naman kailangang sabihin o kailangang magkaroon ng ganyang label, basta nakikita ng tao, ‘yun ‘yun. Whatever na gusto nilang itawag, sila na pong bahala. Basta ipinakikita namin ‘yung nararamdaman namin, ‘yung totoo at hindi namin niloloko ‘yung mga tao,”sambit pa niya.

Ano na ang feeling niya na napaka-sweet ni Daniel at lantarang humahalik si DJ sa balikat niya habang ini-interview sila?

“Ano hyper lang si DJ noong araw na ‘yun. He!he!he! hindi. Pero ano nga si DJ, sobrang para siyang ano kung ano maisip niya, gagawin niya. Parang super sweet siyang tao sa lahat, kahit itanong niyo sa mga director namin, co-actors sa amin, ganoon si DJ kaya siguro siya minahal lalo ng mga tao. Sobrang sweet niya. Parang wala siyang paki kung ano ang tingin ng ibang tao, basta siya gagawin niya kung ano naisip niya, ganoon siya.

Pero siya lang daw ang babae na ginagawan niya ng ganoon?

“May babae rin na iba. Sina Direk Cathy (Garcia-Molina). Magugulat tayo ‘pag may ibang babae siyang ginaganoon. Kasi nga through the years siyempre, kilala na namin ang isa’t isa. Malaking parte na ng buhay namin,” aniya.

“Nahahawa nga ako sa ka-sweetan niya kasi hindi ako sweet na tao rati. Pero ngayon dahil sa kanya, mas nagiging ano (sweet) ako sa mga tao. Marami akong natutuhan sa kanya,” sambit pa ni Kathryn.

Talbog!

TALBOG – Roldan Castro

About Roldan Castro

Check Also

Beaver Magtalas Rico Yan

Beaver Magtalas mala Rico Yan ang dating

MATABILni John Fontanilla KAMUKHA ng yumaong aktor na si  Rico Yan ang baguhang aktor na si Beaver Magtalas na …

Ivana Alawi

Ivana Alawi gumastos ng milyones para sa lalaki

MATABILni John Fontanilla NABIGLA ang publiko nang aminin ni Ivana Alawi sa kanyang pamilya at sa publiko …

Dennis Padilla Aster Amoyo

Dennis ibinilin sa mga anak: magtulungan

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ng komedyanteng si Dennis Padilla sa vlog ni Aster Amoyo na TicTALK with …

Janno Gibbs Manilyn Reynes Keempee de Leon

Manilyn pinaka-memorable na ka-loveteam si Janno

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ni Manilyn Reynes sa Updated with Nelson Canlas, tinanong siya kung …

Glaiza de Castro David Rainey

Glaiza naka-iskedyul pagbuo ng baby

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG busy si Glaiza de Castro, paano ang pagbuo nila ng pamilya ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *