Wednesday , December 19 2018
Breaking News
You are here: Home / Sports / Lady Archers sampa sa finals
Lady Archers sampa sa finals

Lady Archers sampa sa finals

Tinuhog ng De La Salle Lady Archers ang Ateneo Lady Eagles, 3-1 para ibulsa ang unang Finals slot sa UAAP Season 78 women’s football sa McKinley Hill Stadium.

Binira ni Sara Castañeda ang league-best sixth goal ng season sa 33rd minute, 10 minuto pagkatapos umiskor ni Irish Navaja para sa Lady Archers.

READ MORE:  NLEx reresbak sa Governors Cup

Naglagak ng puntos si Maria Teresa Bernardo para sa Lady Eagles sa 70th minute bago sinelyuhan ni Kyla Inquig ang laban matapos isalpak ang kanyang fifth goal sa 81st minute.

Naka-ipon ng 15 points ang De La Salle na tatlong taong sumubok bago sumampa sa Finals, may tatlong matches na lang ang natitira sa elimination round assignments.

READ MORE:  Seigle ‘di muna lalaro sa TNT

Ang one-game championship ay naka iskedyul sa Mayo 1.

Tabla sa 2-2 ang laban ng defending champion Far Eastern University at University of the Philippines.

Umiskor ng dalawang puntos si Jovelle Sudaria para itabla ang Lady Tamaraws at ilista ang seven points, tatlong puntos sa likuran ng second-running Lady Maroons.

READ MORE:  Pacman vs Marquez part 5

Sina Christina Delos Reyes at Mary Rose Obra ang sinasandalan ng UP.

Nanahimik sa fourth place ang Ateneo na may six points. ( ARABELA PRINCESS DAWA )

COMMENTS

About Arabela Princess Dawa

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved