Monday , August 19 2019
Breaking News
You are here: Home / Opinion / Ismagler Henry Tan namamayagpag pa rin!

Ismagler Henry Tan namamayagpag pa rin!

DAPAT hulihin na ng BOC at NBI ang isang alias HENRY TAN, sinasabing number 1 smuggler ngayon sa bansa.

Kasabwat ang isang alias JUN TEBES na siyang tumtayong broker nito.

Ang mga consignee umano na ginagamit nito ay Classic Act Trading, Bamboolink, Yellow Miners, Tough Sapphire at Green Horse.

Kalat ang smuggling operations nila sa Cebu, Davao, Batangas at sa iba pang pantalan kapag umiinit na sa Maynila.

No. 1 namedropper at walang bukambibig kundi Sen. Lacson at ES Jojo Ochoa.

Sir pahuli na nnyo ‘yan dahil walangtigil na ginagamit ang pangalan nnyo. ‘Di ako naniniwala na sla ay kilala ni Henry Tan.

Again, nananawagan tayo sa Bureau of Customs na bantayan si Tan sa mga kontrabando mula China.

Katakot!

Palusot King ng Cebu

Si alias ARNOLD SAWLONG ang sikat sa palusutan sa Port of Cebu.

Puro mabibigat ang trabaho pati alak at sigarilyo ay kaya niyang palusutin sa Cebu.

May naka-tongpats na isang collector sa kanya kaya largado ang kanyang ismagling.

Ang lakas daw pumusta sa mga sabungan ni Arnold dahil sa lakas ng kanyang parating.

Comm. Bert Lina, ipa-monitor lang ninyo ang smuggling operation ni Sawlong sa Port of Cebu!

40M CCTV Project sa BoC

Grabe naman… masyadog yatang mahal ito, totoo ba ito? Dapat paimbestigahan ng Ombudsman kung may  kumita sa project na ‘to.

Maraming taga-Customs ang gustong ma-audit ang kontratang pinasok ng BOC.

Ang utak daw nito ay ayaw talaga sa maliitang kitaan.

Sabaga’y sanay na siya sa daan-daang milyon na kontrata. Bolero aw at magiling mag-dribble.

Kinakawawa na ang BOC at ginawang punching bag ng mga ganid sa kapangyarihan at matatakaw sa salapi.

Dapat ipakulong talaga ang mga taong nagkukunwaring nagre-reporma sa cusoms.

Bigtime smuggler sa PoM

Sino naman ang smuggler na may-ari ng mga top of the line na sasakyan na puro bago na laging naka-park sa Port of Manila?

Bagong BMW, Subaru, Jaguar, Mazda, Explorer at iba pang luxury car ay meron siya. Ang sabi ng source natin, pagaari ito ng isang smuggler.

Sabi ng mga taga-Customs bukol daw sila at siguradong puro  may palaman ang ipinaparating.

Sikat na sabungero raw ito.

Kilala ba siya ni JR?

***

Si NBI Director Atty. Virgilio Mendez, ang alam natin na  walang alingasngas ang tanggapan.

Puro huli ng mga illegal at hindi gumagawa ng labag sa batas ang mga tao niya at magalang pa sa publiko.

Ito sana ang papurihan dapat ng ating Pangulo.

Katuwang ang lahat ng kanyang deputy director si Atty. Mendez at kanyang Asst. Director at regional directors, pati lahat ng agents hanggang messenger ay nagsama-sama sa pagpapaunlad ng NBI at pagmamahal sa bayan.

Mabuhay ang NBI. God bless us all!

About Jimmy Salgado

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top