HUWAG palampasin ang pag-uumpisa ng bagong yugto sa buhay ni Maricel (Melai Cantiveros) sa pagluwal niya sa kanyang anak sa Kapamilya primetime serye na We Will Survive.
Bagamat wala sa kanilang tabi ang ama ng bata na si Pocholo (Carlo Aquino), sasalubungin naman ito ni Maricel na kasama ang best friend na si Wilma (Pokwang).
Sabay naman sa panganganak ni Maricel ay ang tuloy-tuloy na pagkakalapit ng mga loob nina Wilma at Edwin at mas kakikiligan naman ang mga manonood kina Jenny (Maris Racal) at Ralph (McCoy De Leon) sa pag-amin ng huli para sa kanyang tunay na nararamdaman sa dalaga.
Paano mababago ng pagdating ng anak ni Maricel ang buhay nila? Ano kaya ang mga pagsubok na kanilang haharapin sa pagpapalaki sa sanggol? Dumating na kaya ang takdang panahon sa pagkikita nina Maricel at Pocholo?
UNCUT – Alex Brosas