Monday , September 23 2019
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / ALAM national chairman Jerry Yap at pahayagang Hataw kinilala ng Komisyon sa Wikang Pilipino

ALAM national chairman Jerry Yap at pahayagang Hataw kinilala ng Komisyon sa Wikang Pilipino

040416 hataw KWF

Ang “Darling of the Press” ng PMPC Star Awards for Television ang isa sa mahalagang parangal na tinanggap, few years ago ng aming mabait at philanthropist na boss at kaibigang si Sir Jerry Yap.

Super deserving si Sir Jerry sa nasabing parangal, na mula noon hanggang ngayon ay hindi pinagbago ng panahon at nananatiling down to earth at humble sa kapwa.

Ngayong taon, ilang beses inihalimbawa ang pahayagang Hataw sa ilalim ng JSY Publishing ganoon na rin ang isa pang leading tabloid na Bulgar ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) dahil sa estandardisadong baybay ng piyansa (banner story sa Hataw) at eleksiyon (front page sa Bulgar).

Sa kanyang kolum na Bulabugin noong Pebrero 9 na, pinuna ni JSY ang matulain at napakatatas managalog na si Sen. Chiz Escudero ay hindi alam kung sino ang Ama ng Wikang Filipino.

Para sa kanya, malaking insulto ito kay Manuel Luis Quezon at Lope K. Santos.

Dahil dito, personal na lumiham si National Artist at KWF Chairman Virgilio Almario kay JSY para pasalamatan sa ipinakita niyang malasakit sa pagkilala sa mga bayani ng Wikang Filipino.

Ipinahayag din ng National Artist na nalungkot siya dahil bilang lingkod bayan, dapat ay maraming alam si Escudero sa Wikang Filipino.

‘Yan si Sir Jerry Yap, makabuluhan ang mga paksang tinatalakay sa kanyang kolum na Bulabugin, gyud!
VONGGANG CHIKA! – Peter Ledesma

About Peter Ledesma

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top