Friday , April 26 2024

Mariel, inabuso ng amain

NAGLIPANA pa rin ang mga taong mapang-abuso! At kahit sa mismong loob ng bahay mo, naroon na rin sila!

At sa istoryang ilalahad sa episode ng MMK (Maalaala Mo Kaya) na mapapanood ngayong Sabado, tampok si Mariel Pamintuan sa katauhan ni Sally, sarili niyang ina pa ang nagtakwil sa kanya sa ginawang kalapastanganan ng kanyang amain na ilang beses siyang ginahasa.

Sa edad na anim, naging biktima na ng pangmomolestiya ng kanyang tiyuhin si Sally ngunit pinili itong itago para maprotektahan ang mga kapatid.

Matapos ang ilang taon, muling umibig ang nanay niyang si Lydia (Sunshine Cruz) sa kapatid ng namayapang asawa nito—ang isa pang tiyuhin ni Sally na siya namang muling wawasak sa kanyang pagkatao.

Sa kabila ng pinagdaanan, magkakalakas ng loob si Sally na sabihin sa kanyang ina ang panggagahasa sa kanya ng amain. Ngunit muling guguho ang mundo ng dalaga dahil imbes na kampihan, mismong ang ina pa ni Sally ang tatakwil sa kanya at aakusahang nagsisinungaling.

Ang mga co-star nina Mariel at Sunshine sa nasabing  episode ay sina Ronnie Quizon, Alex Medina, Carla Martinez, Lander Vera Perez, Laiza Comia, Lance Lucido, John Steven de Guzman, Micah Muñoz, Jennifer Mendoza, Noel Colet, Maila Gumila, at Erin Ocampo. Ang episode ay sa ilalim ng direksiyon ni Raz De La Torre at sa panulat ni Arah Jell Badayos. Ang MMK ay pinamumunuan ng business unit head nito na si Malou Santos.

Huwag palampasin ang longest-running drama anthology sa Asya,  MMK tuwing Sabado ng gabi sa ABS-CBN.

BAGONG SINGLE NI JAMIE, ANGKOP NA ANGKOP SA HALALAN 2016

WALA naman daw sa hinagap ng Inspirational Diva na si Jamie Rivera ang pumasok sa politika o tumakbo sa kahit na anong posisyon.

Pero nagbigay ng opinyon ang puso at utak niya sa mga lirikong nilapatan ng musika sa bago niyang napapanahong single na Pag-Isipan Mo (Ang Boto Mo) na official theme song na rin ng Star Music para sa Halalan 2016.

“Non-partisan ang  kantang ginawa ko. Na nagmula na rin naman sa pagtatanong-tanong ko sa mga nakakahalubilo ko bata man o matanda sa gusto o pipiliin nilang presidente at iba pa. Lahat ng qualifications wala sa iisa lang na kandidato. Kaya sabi ko, masasabi ko lang ang iboboto ko siguro ‘pag nakita ko na sa kanya ‘yung mga katangiang hanap din ng marami sa atin.

“Kaya ang nasa lyrics ng kanta ko parang dasal. Sabi nga kasi ni St. Augustine, singing is praying twice. At ang music is universal language. Kaya paalala rin ito sa ating mga kababayan na kilalaning mabuti ang mga iboboto nila dahil para sa kinabukasan ng mga anak at apo na natin ito. Para wala ng pagsisisi.”

Puwede ng ma-stream sa Spotify at i-download sa online music stores ang nasabing kanta gaya sa iTunes, amazon.com, starmusic.ph  abs-cbn store at onemusic.ph.

Tinanong ko si Jamie hypothetically kung tatakbo nga siya eh, anong posisyon ang gusto niya at ang una niyang ia-address na problema?

“Kung hindi Councilor sa barangay muna siguro. Kasi mag-aaral muna ako. Education. Traffic. Graft and corruption. Marami nga. Kaya in my own little way now, masaya ako na I can do this na parang nagsisilbi na rin sa ating mga kababayan.”

HARDTALK – Pilar Mateo

About Pilar Mateo

Check Also

Ice Ganda Vic Sotto Ice Seguerra

Ice sobra-sobra ang pagmamahal kay Bossing Vic kaya nagbihis babae 

I-FLEXni Jun Nardo WALANG guests si Ice Seguerra sa concert niyang Videoke Hits na gagawin sa Music Museum sa …

Bunny maganda na ang buhay, anak na may kapansanan nakakuha ng trabaho

HATAWANni Ed de Leon INAMIN ng dating aktres na si Bunny Paras na hanggang ngayon ay hindi …

Richard Gomez

Goma pwedeng maging presidente ng Pilipinas

HATAWANni Ed de Leon SABI nga huli man at magaling naihahabol din. Hindi namin halos …

Maine Mendoza new hair cut Short hair

Maine nadesmaya sa maiksing buhok

MA at PAni Rommel Placente MAIKSI na ang buhok ni Maine Mendoza. Pero nagdesisyon siya na …

Sofia Pablo 18th bday Allen Ansay

Allen big supporter ni Sofia

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BONGGA ang 18th birthday o debut ni Sofia Pablo. As a Sparkle …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *