Thursday , April 25 2024

Carrot Man, binabanatan!

HAYAN at nananahimik sa Mountain Province si Carrot Man or Jeyrick Sigmaton in real life pero pinakialaman na naman ng showbiz.

Tapos nang pumayag naman, hayan at kung ano-anong mga pangit na reviews ang kanilang ikinakalat. Kesyo parang bading daw, na hindi naman pala guwapo at photogenic lang, na sira-sira raw ang ngipin at kung ano-ano pang nakababad- trip talaga.

Ang sa akin lang, why don’t we leave him in peace? Hayaan munang magtrabaho ang GMA at ayusin ang dapat ayusin at saka siya ipakilala sa publiko. Nakaba-badtrip naman ‘yung i-compare siya kay WengWeng at lait-laitin na kesyo akala raw nila’y Zanjoe Marudo ang peg ‘yun naman pala’y si WengWeng.

Huwag ganoon mga taong mapanghusga. Hayaan muna nating ayusin nila ang dapat ayusin kay Carrot Man at saka natin siya husgahan.

Right now, he is wanting of sophistication but he’s promising. Malay mo kapag natutukan pala siya ng camera ay magkaroon ng magic ang kanyang personalidad.

We have come to meet a guy that’s veritably magical. Huwag natin siyang sirain at husgahan agad-agad. Magsitigil nga kayong mga pintasero’t pintasera e mga mukhang kuhol naman.

How gross! Hahahahahahahahahahahaha!

ALDEN RICHARDS NAAKSIDENTE

Maraming fans at katrabaho ang nag-alala sa Pambansang Bae Alden Richards nang mapag-alaman na nasangkot siya sa isang aksidente.

Nagkaroon siya ng ilang mga pasa at sugat pero mabilis din namang pinagaan ni Alden ang loob ng kanyang mga tagahanga matapos niyang mag-tweet na “Ok lang po ako!”

Diretso pa rin ang Pambansang Bae papunta sa Eat Bulaga matapos mabigyan ng first aid kaya makasisiguro ang fans na nasa maayos na siyang kalagayan.

AYRA MARIANO AT ELYSON DE DIOS PINAHANGA ANG MGA BETERANONG AKTOR

Sa isang panayam, inihayag ng Starstruck 6 First Princess Ayra Mariano na hindi siya makapaniwalang fan si Regine Velasquez-Alcasid ng kanilang tambalan ni Elyson de Dios.

Tuwang-tuwa siya dahil mismong ang Songbird daw ang nagsabing gusto sila nitong makatrabaho.

Para sa kanilang mga baguhan pa lang sa showbiz, isang karangalan na mapansin ng veteran actors kaya pursigido silang dalawa na pagbutihin ang kanilang performace sa nalalapit nilang serye na Poor Señorita.

FRENCHESKA FARR BIBIGYANG BUHAY ANG KANTA NG THE MILLIONAIRE’S WIFE

Ibinahagi ni Frencheska Farr sa kanyang Instagram account na siya ang kakanta ng theme song ng upcoming afternoon series na The Millionaire’s Wife.

Ang title ng kanta ay ‘Para Sa Pag-Ibig’ at ang composer nito ay si Ann Margaret Figueroa. Kaabang-abang ang The Millionaire’s Wife dahil sa tema ng istorya, mukhang very intriguing at controversial ito. Magsisimula na ito sa March 14 sa afternoon block ng Kapuso Network.

LITTLE NANAY CAST MAKIKISAYA SA ENCHANTED KINGDOM

Makikisaya ang cast ng Little Nanay na sina Kris Bernal, Chlaui Malayao, Mark Herras, Hiro Peralta, Juancho Triviño, Winwyn Marquez, Raya Siguion-Reyna at Jay Arcilla ngayong Linggo (March 6), 5pm sa Enchanted Kingdom.

Ang event na ito ay pinamagatang Little Nanay Gives Back Summer Fiesta Concert.

DAAN-DAANG IPIN NAKABAONG GINTO SA KAPUSO MO JESSICA SOHO

Isa na namang gabi ng pagtuklas ang matutunghayan sa Kapuso Mo, Jessica Soho ngayong Linggo (Marso 6) dahil tampok ang kaso ng batang may daan-daang ngipin, ang umano’y nakabaong ginto sa Iloilo, ang Carrot Man ng Nueva Vizcaya, at iba pang mga paksang naging trending kamakailan.

Ang average na bilang ng mga ngipin ng batang nagpu-puberty ay nasa 28. Pero ang mga ngipin ng siyam na taong gulang na si Johncris, nasa humigit kumulang 200. Aalamin ng KMJS ang dahilan kung bakit tinubuan siya nang daan-daang mga ngipin. Sa Iloilo, meron daw nakabaong mga ginto sa makasaysayang kapilya sa loob ng sementaryo ng San Joaquin. Sampung kalalakihan ang dinakip ng mga awtoridad matapos mapag-alamang naghukay sa Campo Santo sa paghahanap ng kayamanan. Alamin kung sino ang nag-utos sa kanila na mag treasure-hunting.

Sa pagsikat ni Carrot Man, kung ano-ano na ang mga lumabas na meme nito at ng mga pilit siyang ginagaya. Pero si Marivic, may napansing kakaiba sa isang meme ng binansagang Carrot Man daw ng Nueva Vizcaya. Ang lalaki nga ba sa Carrot Man meme ang anak ni Marivic na isang taon nang nawawala?

Ngayong papalapit na ang bakasyon, sisimulan na ng KMJS ang pagtuklas sa mga natatagong ganda ng iba’t ibang probinsya. Mamamasyal ang programa sa Bicol, na meron din daw matatagpuang Underground River at isang farm na makikita ang mahigit 300 usa.

Sa Tanay, Rizal naman, ang itinuturing nilang jacuzzi, nasa loob ng kuweba. Ipakikita rin ng KMJS kung paanong ang mga simpleng prutas mula sa iba’t ibang sulok ng Filipinas ay magiging espesyal pa.

Ang durian sa Davao ginawang panna cotta. Sa Pampanga naman, pinalamanan ng langka ang palitaw. Habang ang iba’t ibang prutas sa Iloilo, ginawang sushi at caramelized rice cake.

Panoorin lahat ito at iba pa ngayong Linggo sa Kapuso Mo, Jessica Soho, pagkatapos ng Ismol Family sa GMA.

Send in those sizzling stories that you know about our fave showbiz personalities at [email protected] and #09994269588, #09276557791 and #09223870129 and read them here.

And with that, ito po ang kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity. Adios. Mabalos. I always need you, Nong!

BANAT – Pete Ampoloqioo. Jr.

About Pete Ampoloquio Jr.

Check Also

Richard Gomez

Goma pwedeng maging presidente ng Pilipinas

HATAWANni Ed de Leon SABI nga huli man at magaling naihahabol din. Hindi namin halos …

Maine Mendoza new hair cut Short hair

Maine nadesmaya sa maiksing buhok

MA at PAni Rommel Placente MAIKSI na ang buhok ni Maine Mendoza. Pero nagdesisyon siya na …

Sofia Pablo 18th bday Allen Ansay

Allen big supporter ni Sofia

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BONGGA ang 18th birthday o debut ni Sofia Pablo. As a Sparkle …

Kim Chiu Short Hair

Short hair ni Kim bumagay

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BRAVE, daring, bold, sexy and alluring, ang ilan lamang sa mga …

Atty Oliver Moeller Michelle Dee Kim Chiu

Kim at Michelle ‘nagamit’ daw ng abogadong ka-look-alike ni Piolo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KUNG totoong nag-back-out or more appropriate to say na nag-beg off …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *