Friday , April 19 2024

James Dy, ‘pinakyaw’ at ikinompromiso ang Fil-Chinese Community kay VP Jejomar Binay

IBANG klase pala talaga ang nagpapakilalang pilantropo na si James Dy.

Mantakin ninyong ‘pinakyaw’ at ikinompromiso ang buong Filipino-Chinese community para kay presidential candidate VP Jejomar Binay.

Siya ba ang namumuno sa buong Fil-Chinese sa bansa!?

Kaya nga kamakailan ay nagpasalamat sa kanya si VP Binay dahil sinabi niyang ang Philippine Chinese Charitable Association Inc., Chinese General and Medical Center, at ang Filipino-Chinese General Chamber of Commerce Inc., ay sinabi niyang suportado ang manok ng UNA.

Hindi lang ‘yang mga organisasyon na ‘yan kundi maging ang kanya umanong ‘entire clan’ at ang 1.5 million-strong Chinese-Filipino community.

Wattapak!?

Ewan lang natin kung magpapauto naman diyan ang Binay camp.

Paano naman nakatiyak si VP Binay na kayang i-deliver ni James Dy ‘yan?!

Nakausap ba niya ang 1.5 million-strong Chinese community na ‘yan?! At kung nakausap man niya, lahat ba ‘yan ay sang-ayon na suportahan si VP Binay.

Aba ‘e, ingat-ingat ang kampo Binay dahil malinaw pa sa tuktok-ng-panot, na pambobola ‘yang sinasabi ni James Dy.

Kung pera ang ibibigay ni James Dy kay Binay ay baka maniwala pa ako?!

‘Di hamak naman na mas maraming kaalaman sa politika, kaysa atin si VP Binay, kaya alam na alam niya, na ang mga Filipino Chinese na gaya ni James Dy na mayroong pinangangalagaang malaking interes dito sa ating bansa ay tumataya sa halos lahat ng mga kandidato.

Ang halaga at laki ng suporta nila ay depende sa ‘showing’ ng bawat kandidato lalo sa presidential.

Mautak at magulang si James Dy, kumbaga sa dyolens, kulto-finish kung dumiskarte.

‘Yun ngang ospital niya ay gamit na gamit niya sa impluwensiya sa halos lahat ng ahnesiya ng gobyerno natin ‘di ba!?

Kung totoo man na susuportahan niya si VP Binay, bakit ngayon lang?!

Dahil naramdaman ni James Dy na malakas ang kanyang kandidatura at maiindulto si Sen. Grace Poe?! 

Bulok na bulok na ‘yang sistema ni James Dy. Marami na siyang nagamit na presidente sa style na ‘yan. ‘Wag na sanang mabiktima pa niya sina VP Binay, Sen. Grace Poe, Mar Roxas, Sen. Miriam Santiago at Mayor Digong Duterte.

Tsk tsk tsk…

Hindi lahat ng Chinese o Chinoy ‘e natutuwa kay James Dy. Marami  rin ang halos namulubi nang maging pasyente diyan sa ospital niya!?

Kaya please lang, tantanan na ni Mr. Dy ang paggamit sa Chinese community para sa pansariling interest n’ya.

‘Yun lang po!

Secretary Sonny Coloma hinusgahan si Sen. BBM

Mabilis na hinusgahan ni Secretary Herminio “Sonny” Coloma, Jr., si Senator Bongbong Marcos.

Hindi raw karapat-dapat ang senador sa boto ng sambayanan dahil ayaw niyang humingi ng paumanhin sa ‘kasalanan’ ng kanyang tatay na si dating Pangulong Ferdinand Marcos.

Hindi na natin maintindihan kung paano ba silang mag-isip ganoon din ang ilang indibidwal at organisasyon.

Hindi natin makita ang tamang rason kung bakit pinipilit nilang humingi ng paumanhin si Bongbong sa ngalan ng kanyang tatay.

Ang sinasabing diktadura ng militanteng organisasyon ay hindi nahusgahan. Ibig sabihin, hindi nagkaroon ng pagkakataon ang magkabilang panig, ang mga biktima at ang perpetrator na magkaroon ng paglilitis sa isang hukuman para maigawad ang katarungan at maipataw ang kaparusahan.

Hindi katulad ng dikatador ng Chile na si Augusto Pinochet na nilitis at pinarusahan sa isang international court kaya nakamtan ng mga taga-Chile ang katarungan laban sa diktador na si Pinochet.

Sila man ang lumagay sa sapatos ng batang Marcos, magpapaumanhin ba sila sa ngalan ng ama nang walang paghuhusga na dumaan sa tamang proseso?!

Hindi ba’t sinasabi ng batas na ang isang tao ay nanatiling inosente sa kasalanang ibinibintang hangga’t hindi nililitis at hinahatulan?!

Uulitin lang po natin, mayroong 30 taon ang mga ‘bida’ sa EDSA People Power para gawin ‘yan, pero ginawa ba nila?!

At kung hindi nagawa iyan sa loob ng nasa-bing panahong, sino ngayon ang may karapatang dumampot ng bato para ipukol sa sinasabi nilang makasalanan?!

Secretary kolokoy ‘este’ Coloma, puwede bang humarap ka sa salamin at ulitin ang inyong mga sinasabi?!

Just give it a try.

Balik palusutan na naman sa airport!?

PROPERLY informed daw kaya si SOJ Emmanuel Caparas and the three commissioners of BI na ‘very’ as in very rampant ngayon ang pagpapaalis ng mga overstaying foreign nationals partikular diyan sa NAIA Terminal 1, 2, 3, sa Iloilo maging sa DMIA?

Hindi lang daw overstaying ang kinakana ngayon diyan kundi pati na ang mga blacklisted at maging ‘yung mga may HDO!?

Pakengshet!

Hindi yata maganda ang development na ito dahil alam naman ng lahat na ‘yan lang ang hinihintay ng kampo nina Miso ‘este’ Mison para mabutasan ang mga nakapuwesto ngayon diyan sa malalaking airports!

I don’t think papayag na sina SOJ Caparas at Comm. Geron na makaladkad ang pangalan nila lalo na’t sandali lang silang mauupo sa kanilang mga puwesto ngayon.

E bakit parang walang masyadong nababalitaang accomplishment sa airports tungkol sa mga nakalulusot na illegal aliens o undocumented OFWs?

Maging ang mga Bisor at Intel na naka-assign diyan tila wala yatang naririnig sa kanila?

Don’t tell me na mas effective pa ang mga kulisap na tagabantay noon ni Mison kaysa mga bagong nakatalaga diyan ngayon?!

Anong say ninyo rito, IO Sarao, IO Pedrealba and IO Versoza?

Tiba-tiba na ba ngayon diyan?

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Sinong gustong dumaan sa EDSA Carousel?

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa mga nagdududa sa ‘kasagradohan’ ng EDSA Carousel …

Sipat Mat Vicencio

Mayor Abby Binay pasok sa ‘Magic 12’ ng Pulse Asia, hahaha…

SIPATni Mat Vicencio SINO ba naman ang maniniwala sa ginawang survey ng Pulse Asia kamakailan …

Dragon Lady Amor Virata

Ikot-ikot na para sa 2025 local elections

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata IBA’T IBANG pakulo o propaganda na ang sinisimulan ng …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

QCPD nakapagtala ng 82.61% Crime Solution Efficiency sa nagdaang Semana Santa

AKSYON AGADni Almar Danguilan SADYANG hindi maiwasan na saluduhan ang Philippine National Police (PNP) sa …

YANIG ni Bong Ramos

Riders at tricycle drivers, ‘suki’ ng traffic enforcers

YANIGni Bong Ramos KAHABAG-HABAG ang kalagayan ng riders at tricycle drivers dahil sila ay suking …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *