Friday , March 29 2024

Richard Gutierrez sure na sa Primetime King title sa TV 5 dahil sa mala-pelikulang “Ang Panday” (Kung sina Coco at Dingdong sa Dos at Siete)

ELEVEN years rin naging hawak noon ni Richard Gutierrez ang primetime king title sa GMA 7.

Ito ‘yung mga panahong lahat ng fantaseryeng gawin ni Richard ay pawang number one sa ratings game. Kaya may karapatan ang guwapong aktor sa bansag sa kanyang “Ultimate Primetime King” na kaniya lang talaga.

Lalo ngayong after two years ay nagbabalik-telebisyon ang guwapong actor via “Ang Panday” na maituturing na biggest project ngayong 2016 ng Viva Communications, Inc., at ng TV5.

Yes manggugulat talaga si Chard dahil sa bagong version ng “Ang Panday” ay tatlong karakter ni Flavio ang kanyang gagampanan at bawat henerasyon ay may leading lady ang sikat na aktor na kinabibilangan nina Sam Pinto, Jasmine Curtis at Bangs Garcia.

Ang kontrabida ni Richard sa bagong Panday ay ang premyadong aktor na si Christoper de Leon na gaganap ngang Lizardo na mas maraming powers na ipapakita sa serye.

Nasanay ang mga fanatic ng Ang Panday ni late Fernando Poe, Jr., na totoong kontravida sa pelikula ang nagpo-portray ng role ni Lizardo na matagal na ginampanan noon ng namayapang Max Alvarado.

Para naman kay Richard, isang malaking karangalan sa kanya na siya ang mapili ng TV 5 at nina Boss Vic at Direk Carlo J. Caparas para gumanap sa legendary character ni Flavio.

Kaya naman para mapaghandaan ang project kinailangan niyang mag-gym nang twice a day at sinamahan pa ng diet. Na-achieved naman niya ito kaya nang humarap siya sa grand presscon kamakailan kasama ng mga co-star sa Plaza Ibarra ay hunk na uli ang dating ng actor at lalo pa siyang gumuwapo ngayon.

Ginastusan talaga ang engrandeng presscon ni Chard na maraming invited na entertainment press at bloggers.

Ayon kay Direk Mac Alejandre, director ng Ang Panday sa TV 5 malaki ang paniniwala niya na magtatagumpay sila sa project nila dahil bukod sa ginastusan ito ng  TV 5 at Viva ay parehong professional ang kanyang mga artista specially Richard na level headed raw at ‘yung maturity as an actor at bilang person ay hahangaan raw talaga.

Nakasentro ang career ni Richard sa Ang Panday dahil gusto ng aktor, masiyahan ang lahat sa pagganap niya bilang Flavio na minahal ng milyon-milyong Filipino mula pa noong dekada 80 na unang pinagbidahan ni FPJ.

Pasok rin ang cast na sina Alonzo Muhlach (bilang Lando na batang sidekick ni Panday), Ara Mina, Epi Quizon, Regine Tolentino, Empoy, Ranz Kyle ng Chicser at character actor na si CJ Caparas.

Samantala mapapanood na ang pilot episode ng Ang Panday sa Pebrero 29 sa ganap na 9:00 ng gabi pero bago ang airing nito sa Kapatid network ay magkakaroon muna ng special screening ang nasabing mala-pelikulang fantaserye ngayong Pebrero 23, 8:00 ng gabi, sa SM Aura.

Sa bagong proyekto, nakasisiguro na si Richard sa panibagong Primetime King title, na this time ay ipagkakaloob sa kanya ng bagong network na TV 5.

Oo naman, walang duda gyud!

DONNA VILLA NAGPABUWENAS SA REPORTERS SA PRESSCON NG ANG PANDAY

Tuloy-tuloy na uli ang pagiging aktibo ng mag-asawang Direk Carlo J. Caparas at Donna Villa sa showbiz.

Pagkatapos nilang i-produce ang remake ng “Angela Markado” na pinagbidahan ni Andi Eigenmann ay nakatutok naman ngayon sina Tita Donna at Direk Carlo sa iba’t ibang proyekto kabilang na ang TV version ng “Ang Panday.”

Bukod na si Caparas ang nobelista ng nasabing classic fantaserye na ilang beses nang naisalin sa pelikula at telebisyon ay tumatayong creative consultant rin ang director-movie producer para sa malaking proyekto ng Viva Communications, Inc., at TV 5.

Kaya sa nakaraang presscon ng Ang Panday na dinaluhan ng buong cast na pinangunahan ni Richard Gutierrez, buhos ang suporta ng showbiz couple sa aktor na anak ng amiga ni Tita Donna, na si Tita Annabelle Rama.

Nagpa-raffle si Tita Donna ng libo-libong cash sa mga reporter at editors. Dahil nagpabuwenas siya sa press sa Year of the Fire Monkey, good vibes ang pagse-share niya ng blessings para sa nalalapit na pagpapalabas ng Ang Panday.

Personal choice pala talaga ni Madam Donna si Richard bilang bagong Panday.

Sey niya, “When I heard that Boss Vic, ay interesado na gawing series ang Ang Panday. I mentioned kaagad kay Carlo na si Richard ang gusto kong gumanap ng papel. Akmang-akma sa kanya ang role.”

Tama ang kanyang choice gyud!

PANGAKO SA ‘YO FINALE EPISODE NO.1 SA ABS-CBN PRIMETIME BIDA SA RATING NA 44.5%

Hindi binitiwan ng mga manonood hanggang sa huli ang “Pangako Sa ‘Yo” kung kaya’t ang makapigil hiningang pagwawakas nito noong Biyernes (Feb 12) ang naging most viewed program sa bansa, ayon sa Kantar Media.

Pumalo sa national TV rating na 44.5% ang nasabing makapigil-hiningang mga eksenang napanood sa finale kabilang na ang isang maaksiyon at hindi inaasahang takbo ng mga pangyayari nang mabihag ni Claudia (Angelica Panganiban) ang mag-inang Yna (Kathryn Bernardo) at Amor Powers (Jodi Sta. Maria) pero nailigtas ni Angelo (Daniel Padilla).

Naging makabagbag damdamin ang paghahayag ni Angelo ng kanyang wagas na pag-ibig kay Yna habang naghihingalo sa ambulansiya matapos mabaril ng kasabwat ni Claudia na si Mark (Dominic Roque) pati na ‘yung pag-amin ni Claudia sa korte sa lahat ng kanyang mga kasalanan.

Sa huli, humingi ng kapatawaran si Claudia sa lahat ng kanyang mga nasaktan kabilang na kina Amor at Eduardo (Ian Veneracion).

Ang Dolce Amore ang pumalit sa timeslot ng Pangako Sa ‘Yo na pinagbibidahan nina Enrique Gil at Liza Soberano. Nagsimula nang mapanood Lunes ng gabi.

VONGGANG CHIKA! – Peter Ledesma

About Peter Ledesma

Check Also

Marissa Delgado Marian Rivera

 Marissa Delgado tagahanga ni Marian, gandang-ganda sa aktres

RATED Rni Rommel Gonzales SI Marissa Delgado, na gumaganap na si Nova, ang masungit na biyenan ni Marian …

Xian Lim

Xian sa love: painful and a magical feeling

MA at PAni Rommel Placente NOONG nakaraang Biyernes, March 22, si Xian Lim ang naging guest sa Fast …

Cristy Fermin Baron Geisler

Cristy Fermin napatunayan anak ni Baron sa isang aktres

PUSH NA’YANni Ambet Nabus TILA naging vindication naman para sa ating kaibigan at nanay-nanayang Cristy Fermin ang …

Baron Geisler Cristine Reyes Dearly Beloved

Baron binago estilo sa acting, Cristine magaling pa rin

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NANIBAGO kami sa ipinakitang acting ni Baron Geisler sa Dearly Beloved, ang latest movie …

Marianne Beatriz Bermundo Khristine Kate Almendras Ornopia Aspire Magazine Ayen Cas

Aspire Magazine tuloy na pag-arangkada; 2 beauty queen inihataw ang galing

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio NAKABIBILIB ang publisher ng Aspire Magazine na si Ayen Cas dahil sa bawat issue …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *