Friday , April 19 2024

Mga babaeng biktima ni Paolo Bediones sa sex video scandal dapat magpasalamat kay Lara Morena

NGAYONG nagkabalikan na sina Paolo Bediones at ex na si Lara Morena na balitang nagli-live in na, siguro naman ay titigil na siya sa ginagawang pambibiktima sa mga seksing babae na ginagawa na nga niyang parausan ‘e ibini-video pa niya.

‘Yung kanilang milagrong ginagawa ay kanyang inire-record sa video, na unfair siyempre sa girl na nabobola ng news anchor.

Ayon sa pretty agent ng isang hi-end condo sa The Fort na nakausap namin few months ago, kaibigan siyang ng boss naming businessman, inaya umano ni Paolo na sumama sa kanyang condo sa Pasig area.

Kung hindi naging wise ay baka siya na ‘yung naging next victim ng nasabing maelyang TV personality?

Well ngayong nasa piling na uli ni Paolo si Lara at may kachorvahan na siya, baka hindi na rin maghanap si Paolo lalo’t hindi na siya tigang, ‘di ba?

Kaya kayong mga girlalu na nakasalo ni Paolo

sa sex video, dapat kayong magpasalamat kay Lara Morena.

Sana he will change for the better na gyud!

42.7% bagong all-time high rating ng PSY
PANGAKO NG HUSTISYA AT WAGAS NA PAGMAMAHAL SA PAGTATAPOS NG “PANGAKO SA ‘YO,”

Finale episode mapapanood ngayong gabi

Wala nang kawala si Claudia (Angelica Panganiban) sa kanyang mga kasalanan dahil unti-unti nang nailalantad ang katotohanan sa kanyang pagpapanggap sa huling tatlong araw ng top-rating teleseryeng “Pangako Sa ‘Yo.”

Bistado na nga ang pangmamani-pula ni Claudia matapos madiskubre ni Amor (Jodi Sta. Maria) na siya nga ang pumatay kay David (Diego Loyzaga), at determinado si Amor na singilin siya para mabigyan ng hustisya ang anak.

Kasabay nito ang pagkakabunyag na hindi nga tunay na magkapatid sina Yna (Kathryn Bernardo) at Angelo (Daniel Padilla), dahil ang tunay na ama ng huli ay si Simon (Alex Medina), at hindi si Eduardo (Ian Veneracion) – isang katotohanang itinago ni Claudia mula sa kanyang pa-milya.

Matapos ang lahat, may pag-asa pa ba para sa kapatawaran si Claudia mula sa mga taong inapi at nasaktan niya?

May makapipigil pa nga ba kina Yna at Angelo na ialay sa isa’t isa ang kanilang wagas na pagmamahal?

Buong bayan ang nakatutok sa napipintong pagtatapos ng “Pa-ngako Sa ‘Yo” kaya naman gabi-gabing tutukan ang programa para sa mga makapi-gil-hiningang eksena.

Muli nitong nakamit ang all-time high rating na 42.7% noong Martes ng gabi (Feb 9), o 25 puntos na kalamangan laban sa “That’s My Amboy” ng GMA na nakakuha lang ng 17%, ayon sa datos ng Kantar Media.

PAGBAWI NI DIANA SA ANAK NA SI PRINCESS CRUZ PINALAGAN NI PRESIDENTE LEONA SA “PRINCESS IN THE PALACE”

Oo, biologically, siya talaga ang tunay na ina ni Princess Cruz (Ryzza Mae Dizon).

Kahit ngayon lang nagpakita si Diana (Andrea del Rosario) sa kanyang anak at matagal na panahong hindi siya nakasama ni Princess, pinagbigyan pa rin siya ni Presidente Leona Jacinto (Eula Valdez) na makasama ang adoptive daughter ng Pangulo ng bansa sa “Princess in The Palace.”

Pero mukhang nagiging over naman yata si Diana na dahil sa kagustohang mabuo muli ang kanyang pamilya, at sinasabing si Princess na nga lang ang kulang sa buhay niya, gusto niyang bawiin ang anak kay Leona.

Dito ay hindi na maiwasan ng presidente na mag-react sabay sabing hindi libro sa library si Princess (itinuring na tunay na anak) na puwedeng hiramin ng sino man. Dahil dito kahit labag man sa kalooban dahil alam niyang malulungkot si Princess sa kanyang magi-ging desisyon ay pinagbawalan na niyang lumabas ng bahay dahil ayaw niyang magkahiwalay sila ng kanyang anak-anakan.

Pero hindi inaasahan ni Pres. Leona na ‘yung pagsama niya kay Princess sa palengke para makapag-bonding na rin silang mag-nanay ay isa na namang pagsubok sa kanya dahil ‘di sinasadyang naligaw siya at nagkahiwalay sila ng anak. Pero nakita ni Diana si Princess kaya’t pinagsisinungaling niya ang bata.

Nangangamoy legal battle ang susunod na mga tagpo sa inyong paboritong morning soap opera dahil labanan ito ng dalawang ina at kung sino sa kanila ang mas may karapatan kay Princess Cruz.

Mapapanood ang “Princess in The Palace” ng Tape Inc., at APT Entertainment, Lunes hanggang Biyernes sa GMA 7 bago mag-Eat Bulaga, mula sa mahusay na direksyon ni Mike Tuviera.

VONGGANG CHIKA – Peter Ledesma

About Peter Ledesma

Check Also

Beaver Magtalas Rico Yan

Beaver Magtalas mala Rico Yan ang dating

MATABILni John Fontanilla KAMUKHA ng yumaong aktor na si  Rico Yan ang baguhang aktor na si Beaver Magtalas na …

Ivana Alawi

Ivana Alawi gumastos ng milyones para sa lalaki

MATABILni John Fontanilla NABIGLA ang publiko nang aminin ni Ivana Alawi sa kanyang pamilya at sa publiko …

Dennis Padilla Aster Amoyo

Dennis ibinilin sa mga anak: magtulungan

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ng komedyanteng si Dennis Padilla sa vlog ni Aster Amoyo na TicTALK with …

Janno Gibbs Manilyn Reynes Keempee de Leon

Manilyn pinaka-memorable na ka-loveteam si Janno

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ni Manilyn Reynes sa Updated with Nelson Canlas, tinanong siya kung …

Glaiza de Castro David Rainey

Glaiza naka-iskedyul pagbuo ng baby

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG busy si Glaiza de Castro, paano ang pagbuo nila ng pamilya ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *