Friday , April 19 2024

Ella, inihahalintulad kay Maui Taylor

020916 maui taylor ella cruz
SA biglang tingin ay iisipin mong nagbabalik si Maui Taylor.  Ang babae kasi sa malapitan ay kasingtangkad din ng dating miyembro ng Viva Hot Babes, ang hitsura nitong photocopy ni Maui.

But no, she’s not Maui kundi ang Viva artist ding si Ella Cruz.

Aware ba si Ella na magka-fez sila ni Maui, or to begin with, kilala ba niya muna ang dating sexy star na sumikat noong late 90s?

“Na-meet ko na po siya, pero sabi naman po sa akin ni Boss Vic (del Rosario), kahawig ko naman si Sarah Geronimo,” sey ni Ella nang humarap sa presscon ngWattpad Presents Avah! Maldita  where she plays the title role.

Naging tanyag noon si Maui sa larangan ng pagpapa-sexy, ito rin kaya ang yapak na nais sundan ni Ella in the near future?

“Ah, parang hindi ko pa po kaya,” pag-amin ng dalaga.

As it is now, masaya na si Ella that she’s being well taken care of by her mother studio, ang Viva Artists Management whose TV arm ay naka-penetrate na sa TV5with its number of shows—isa nga roon ang telemovie na Wattpad Presents—na bubulaga ngayong unang linggo ng Pebrero.

Kabilang din sa lineup ng mga Saturday evening programs ng TV5 ay ang MTV Top 20 Pilipinas hosted VJ Aryanna.

HOT, AW! – Ronnie Carrasco III

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Glaiza de Castro David Rainey

Glaiza naka-iskedyul pagbuo ng baby

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG busy si Glaiza de Castro, paano ang pagbuo nila ng pamilya ng …

Atasha Muhlach Daniel Padilla

Daniel at Atasha iniuugnay ng fans

REALITY BITESni Dominic Rea KINIKILIG ako actually sa naglalabasang cropped photos nina Daniel at Atasha Muhlach.  …

Kathryn Bernardo Jericho Rosales Alden Richards

Kathryn pinag-aagawan daw nina Alden at Echo

REALITY BITESni Dominic Rea PAGKARAANG ianunsiyo ni Kathryn Bernardo na she’s already healed after her break-up with Daniel …

Blind Item, Mystery Girl, Actress

Female starlet ‘di makapagpakita kay DOM, ‘tinamaan’ sa foreigner na sinamahan

ni Ed de Leon AY naku, mukhang natauhan na rin ang isang DOM na pinaglololoko lang siya …

Ai Ai de las Alas Gerald Sibayan

Ai Ai sinuwerte kay Gerald, good provider na  pinakamatagal pang nakarelasyon

HATAWANni Ed de Leon ABA at tumagal na pala ng 10 taon ang pagsasama nina Ai …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *