Tuesday , December 18 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Ate Gay, Gladys, Boobsie at Papa Jack pupunuin ang Big Dome sa kanilang Valentine Comedy concert ngayong Pebrero 13 (Matapos tauhin ang concert sa MOA!)

Ate Gay, Gladys, Boobsie at Papa Jack pupunuin ang Big Dome sa kanilang Valentine Comedy concert ngayong Pebrero 13 (Matapos tauhin ang concert sa MOA!)

020116 ate gay Chuchay Boobsie Papa Jack
STRESSED ka ba? Well, paghandaan ang nalalapit na Valentine comedy concert na “Panahon ng May Tama: Comekilig” ng CCA Entertainment Productions Corp ni Joed Serrano.

Pinagsama ni Serrano, kilalang sikat na concert produ sa entablado ng Smart Araneta Coliseum sa Pebrero 13 ang tatlo sa pinakapopular at pinakamagagaling na komedyante na napapanood sa telebisyon at comedy bars na sina Gladys ‘Chuchay’ Guevarra, Ate Gay at Boobsie Wonderland plus Metro Manila’s hottest FM radio personality na si Papa Jack na dumadagundong mula gabi hanggang madaling araw ang boses sa number one radio show nito sa Love Radio.

Sa dami ng kanilang fans and supporters ay siguradong mapupuno ng apat ang Big Dome sa nalalapit na show na magbibigay o maghahatid sa inyo ng “the best in comedy entertainment.” Lahat rito ay bibigyan ng kanya-kanyang moment ng director ng show na si Andrew ‘Mamu’ de Real na sa ilang dekada ng pagpapatakbo ng sariling Library Comedy Bar ay expert na pagdating sa pagpapasaya ng audience.

Si Mamu rin ang isa sa likod ng matagumpay na Sunday Pinasaya na nangunguna sa Mega Manila Ratings.

Samantala sa grand presscon ng “Panahon ng May Tama,” na pinamahalaan nina Ms. Wing Inductivo at kapatid na Roldan Castro na ginanap sa Max Resto sa P. Tuazon, masayang humarap sa entertainment press sina Gladys, Boobsie, Papa Jack at Ate Guy kasama ni Direk Mamu de Real at Joed.

READ MORE:  Maricel-Sharon movie, hiling ng fans

Doon inilinaw at kinopirma ni Joed na kumita siya sa concert na produce niya noon kay Ate Gay sa Mall of Asia Arena at taliwas ito sa balitang flop at ipinamigay nila ang tickets. Proud na sinabi ni Ate Gay na after ng MOA show niya ay nag-offer pa sa kanya si Joed ng isa pang concert sa malaking venue pero tumanggi na siya dahil mahirap raw mag-promote kapag walang TV show.

Sinisiguro ng isa sa impersonator ni Nora Aunor na masasayahan ang lahat sa concert nila na hindi lang kanta ni Ate Guy, ang kakantahin niya na binibigyan niya ng ‘twist’ kundi kakanta rin siya ng song ng foreign Divas na pawang worldwide hit ang mga kanta.

Sina Gladys at Chuchay bukod sa comedy skits na gagawin ay makikita ninyo ang pagiging biritera at minamani lang ng dalawa ang kanta ng Aegis.

Si Papa Jack naman, may surprise number na tiyak na maiibigan ng kanyang diehard listeners sa radyo. Kaya sa February 13, sabay-sabay na makitawa at makisaya sa “Panahon ng May Tama” at very affordable ang pinakamababang presyo ng ticket na P200 lang. Puwede ng bumili ng tickets sa www.ticketnet.com.ph. o sa (02) 911-5555.

READ MORE:  Bossing Vic, mala-Willie na rin sa pagsi-share ng blessings sa mga studio audience

Walang dull moment sa concert na ito gyud!

CLARK PROBLEMADO SA ON THE WINGS OF LOVE; HOT POST VALENTINE CONCERT WITH NADINE SA BIG DOME SOLD OUT NA ANG TICKETS

SA planong pagbabalik sa Sanfo ng wifey na si Leah (Nadine Lustre), nalungkot at pinalagan ito ni Clark (James Reid) dahil ayaw na niyang muling magkalayo sila ni Leah. Kaso mukhang desidido na ang kanyang misis sa toprating romantic serye nilang “On The Wings of Love” na balikan ang San Francisco California dahil may magandang oportunidad na naghihintay sa kanya roon at malaking tulong iyon sa future nila ng hubby si Clark. Kaya si Clark pinoproblema ito lalo’t nalalapit na ang kasal nila ni Leah.

Maging ang negosyo nila ng kanyang Lola Patchang (Nanette Inventor) at Tita Jack (Cherry Pie Picache) na woodcraft ay naapektohan at sinabayan pa na tinakbuhan sila ng bagong supplier at hindi na nila mai-locate.

Ang masaklap, nagbayad na ng P100K para sa ipinangako sa kanyang supply na materyales. Naku, mabawi pa kaya ni Clark at paano na ang church wedding nila ni Leah na isa-isa nang ipine-prepare ng kanyang wifey katuwang ang mga kapitbahay sa tenement.

Ano ba talaga ang magiging ending ng love story ng dalawa? Magiging happy ending ba o maaagaw ni Simon si Leah kay Clark.

READ MORE:  Kiko, gumamit din ng ipinagbabawal na gamot

Abangan ang lahat ng ‘yan sa nalalapit na pagtatapos ng On The Wings of Love, weeknights sa ABS-CBN Primetime Bida right after Pangako Sa ‘Yo.

By the way, excited na ang fans sa post Valentine concert nina James at Nadine sa Araneta Colesium na sold-out na ang lahat ng tickets sa kanilang ‘JADINE LOVE ONE HOT’ Concert na magaganap ngayong February 20. Produce ito ng Viva Live at Dreamscape Entertainment.

Ano pa ang hahanapin mo gyud!

MGA BIGATING ARTISTA AT SINGER PUWEDE NANG MAKA-DUET NG DABARKADS SA ‘JUST DUET’ SA EAT BULAGA

Kahapon, sinimulan na sa Eat Bulaga ang dagdag segment na ‘Just Duet’ na mapapanood ninyo araw-araw sa No.1 noontime show sa Mega Manila.

Kakaiba ang nasabing portion dahil puwedeng maka-duweto ng ating Dabarkads ang paborito nilang artista at singer.

Sina Lani Misalucha at Renz Verano ang magkasamang kakanta sa pamamagitan ng ‘split screen’ nang nag-tie bilang daily winner na contestants na sina Aniyah Cadelina ng Quezon City at Dennis Santos mula naman sa Bustos, Bulacan na nakipagduweto ng awiting ‘You and I’ kay Verano samantala ang signature song naman ni Misalucha na “Bukas Na Lang Kita Mamahalin” ang sabay nilang inawit ni Aniyah.

Nagkamit ng P20K cash ang dalawa matapos manalo sa Just Duet.

VONGGANG CHIKA! – Peter Ledesma

COMMENTS

About Peter Ledesma

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved