Thursday , April 25 2024

Kiray, feeling ‘nalugi’ sa pakikipaghalikan kina Derek at Kean

012516 kiray kean derek ramsay
“PROBABLY perfect timing,” rason naman ni Derek Ramsaysa muli nilang pagsasama ni Solenn Heussaff, his GF for four years na itinuring niyang first love.

Sa Love is Blind nga ay pinagsama sila ng Regal Filmsafter nine years silang naghiwalay as real-life bf-gf, although very comedic ang situations ng mga eksena nila.

Nagiging si Solenn ang anyo ni Kiray Celis everytime na under effect ng love potion si Derek. Isang napaka-sexy at magandang babae ang tingin ni Derek kay Kiray kaya’t kuwelang-kuwela raw ang mga eksena nila.

“Kaya siguro mas magaan gawin. Never kaming nailang, never kaming na-distract, never na nagkaroon ng tensiyon, although I must admit na nenerbiyos ako noong una kong maka-eksena si Solenn,” kuwento ni Derek sa naging first encounter nila ng ex-gf sa set ng Love is Blind.

“Masaya. Ibang klase ang movie. Sabi ko nga, aba magaling palang magpatawa si Derek. Napaka-natural ng mga reaksiyon niya sa kakikayan namin ni Kiray,” sey naman ni Solenn.

Initial movie offering ng Regal Films ang Love is Blind na kasama rin si Kean Ciprianobilang isa pa sa mga leading men ni Kiray, na super duper feeling lugi ang kuwento sa mga kissing scenes niya sa dalawang guwapo at hunk na lalaki hahahaha!

Opening na ito ngayong Feb. 10 sa mga sinehan.

AMBETIOUSLY – Ambet Nabus

About Ambet Nabus

Check Also

Ice Ganda Vic Sotto Ice Seguerra

Ice sobra-sobra ang pagmamahal kay Bossing Vic kaya nagbihis babae 

I-FLEXni Jun Nardo WALANG guests si Ice Seguerra sa concert niyang Videoke Hits na gagawin sa Music Museum sa …

Bunny maganda na ang buhay, anak na may kapansanan nakakuha ng trabaho

HATAWANni Ed de Leon INAMIN ng dating aktres na si Bunny Paras na hanggang ngayon ay hindi …

Richard Gomez

Goma pwedeng maging presidente ng Pilipinas

HATAWANni Ed de Leon SABI nga huli man at magaling naihahabol din. Hindi namin halos …

Maine Mendoza new hair cut Short hair

Maine nadesmaya sa maiksing buhok

MA at PAni Rommel Placente MAIKSI na ang buhok ni Maine Mendoza. Pero nagdesisyon siya na …

Sofia Pablo 18th bday Allen Ansay

Allen big supporter ni Sofia

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BONGGA ang 18th birthday o debut ni Sofia Pablo. As a Sparkle …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *