Saturday , April 20 2024

Shows ng Viva Entertainment sa TV 5 nagbabadya ng matataas na ratings

012216 tv5 2016
KAYA kinuha ng TV 5 si Boss Vic del Rosario bilang Chief Strategist for Entertainment ng network, kasi malaki ang tiwala at bilib ng Kapatid sa kakayahan ng Viva Films and Viva TV produ sa expertise sa pagbi-build up ng mga artista. Majority sa hinawakan nilang artista ay pawang naging big star sa industriya.

Kukulangin ang espasyo natin kung babanggitin pa natin isa-isa ang mga celebrity na pinasikat ni Boss Vic sa pangunguna ni Sharon Cuneta na malayo ang narating ng career bilang singer-actress at pagiging megastar.

Ngayon, tatlo sa malalaking project ng Viva Entertainment sa TV 5 ang sabay-sabay na ilulunsad sa papasok na Pebrero. Sa Pebrero 6 ay inyo nang mapapanood ang “Tasya Fantasya” na pagbibidahan ni Shy Carlos katambal si Mark Neumman at ang ipinagmamalaking Singing Talent Search ng Viva na “Born To Be A Star,” na hosted naman nina Ogie Alcasid, Mark Bautista at Yassi Pressman kasama ang apat na bigating judges na kinabibilangan nina Rico Blanco, Pops Fernandez, Andrew E., at Aiza Seguerra.

Para lahat ng fans and supporters ng Nag-iisang “Optimum Star” na si Claudine Barretto finally this February 15 ay masasaksihan na ninyo ang inyong idol sa kanyang biggest teleserye this year na TV remake ng “Bakit Manipis Ang Ulap” ni Direk Danny Zialcita na ipinalabas noong 1985.

Aside kina Cesar Montano at Diether Ocampo (parehong leading man ni Claudine) Ruffa Gutierrez, Meg Imperial at Bernard Palanca sa kanyang serye ay suportado rin sila rito ng ilang comebacking stars natin like Dindi Gallardo, Samantha Lopez, Janelle Jamir, at Roxanne Barcelo na gaganap na Chanda Romero sa Bakit Manipis Ang Ulap. Nasa cast rin sina Bret Jackson, Issa Pressman, Mariel de Leon, Sara Polverini and many more. This is directed by Joel Lamangan. Big budgeted ang nasabing project at unlimited raw talaga ang budget ng Viva Entertainment sey ni Direk Joel.

For sure hahamig ng mataas na ratings ang malalaking shows ni Boss Vic.

Isa pa sa dapat ninyong abangan ang upcoming action-fantasy serye ng Viva, na “Ang Panday” na si Richard Gutierrez ang pangunahing bida with Jasmine Curtis and Alonzo Muhlach.

Wow na wow gyud!

CLAUDIA BUENAVISTA BALIKSA PAGHAHASIK NG KASAMAAN SA “PANGAKO SA ‘YO”
Maitim na plano sa mag-inang Amor at Yna kasuklam-suklam

Ang tindi ng trip at resbak ni Claudia Buenavista (Angelica Panganiban) sa toprating nilang teleseryeng “Pangako Sa ‘Yo,” na mapapanood weeknights sa ABS-CBN Primetime Bida right after “FPJ’s Ang Probinsyano” ni Coco Martin.

Yes, mas tumindi ang kaimpaktahan ngayon ni Claudia sa PSY na gustong mabawi ang lahat kasama na ang mister na si Eduardo (Ian Veneracion) at lahat ng yaman pati na ang kay Amor Power (Jodi Sta. Maria). Patuloy ang nasabing babae (Claudia) sa paghahasik ng kasamaan at sa pagpapanggap na may sakit na ‘amnesia’ at lahat ay pinaniniwalaan ito puwera lang sa kinikilalang ina ni Yna (Kathryn Bernardo) na si Nanay Belen (Amy Austria) na dudang nagdadrama lang para makaiwas sa krimeng ginawa sa anak niyang si Caloy (Joem Bascon).

Ang kasuklam-suklam at maitim na binabalak ni Claudia laban sa mag-inang Amor at Yna na kokombinsihin niya ang anak na si Angelo (Daniel Padilla) na ilapit pa ang sarili kay Yna. Ginagawa niya ito para mamatay si David (Diego Loyzaga) na kapag nangyari ay tiyak na kasusuklaman daw ni Amor ang sariling anak (Yna).

Labis ang pagtataka ni Yna kung bakit biglang bumait sa kanya ni Claudia na noong una pa man ay hindi na siya gusto para kay Angelo. Kasabwat pala ni Claudia sa paghihiganti niyang ito si Mark (Dominic Roque) na dating tao nina Gov. Eduardo at Amor.

Magtagumpay kaya ang dalawa sa kanilang pinaplanong pagpapabagsak kay Amor Powers?

Bukod kay Coring (DJ Jhaiho) na nakaaalam ng sikreto ni Claudia may iba pa kayang makatutuklas sa kanyang pagkukunwari?

Abangan ang kasagutan at iba pang kaganapan sa pagpapatuloy ng Pangako Sa ‘Yo sa ilalim ng mahusay na direksyon nina Rory Quintos, Dado Lumibao, Richard Arellano, Olivia Lamasan etc.

JULIA AT MILES, NAGLULUKSA SA PAGKAMATAY NI TONTON SA “AND I LOVE YOU SO”

Punong-puno ng kalungkutan at pagluluksa ang pamilya Valdez sa pagpanaw ni Alfonso (Tonton Gutierrez) sa haponserye na “And I Love You So.”

Matapos ang pagkabaril sa kanya ni Dexter (Jay Manalo), isinugod si Alfonso sa ospital upang subukang isalba ang kanyang buhay. Ngunit sa kasamaang palad, hindi na rin niya nakayanan ang pinsala. Dahil dito, matinding pagluluksa ang hinaharap ng kanyang mga mahal sa buhay, lalo na ng asawa niyang si Michelle (Dimples Romana) at mga anak na sina Trixie (Julia Barretto) at Joanna (Miles Ocampo).

Ngayon ngang pumanaw na si Alfonso, gagamitin ni Katrina (Angel Aquino) ang pagkakataon upang bawiin ang yaman ng kanyang dating asawa at panatilihing sikreto ang katotohanan tungkol sa katauhan ni Trixie.

Ang pagkamatay ba ni Alfonso ang magiging hudyat sa tuluyang pagkakawatak-watak ng pamilyang kanyang binuo? Ano pa kaya ang gagawin ni Katrina upang paghigantihan si Michelle? Tutukan ang mga kapana-panabik na eksena sa “And I Love You So,” tuwing hapon sa ABS-CBN.

Para sa karagdagang impormasyon kaugnay sa programa, bisitahin lamang ang official social networking site ng Dreamscape Entertainment Television sa Facebook.com/DreamscapePH, Twit- ter.com/DreamscapePH, at Instagram.com/DreamscapePH.

VONGGANG CHIKA! – Peter Ledesma

About Peter Ledesma

Check Also

Beaver Magtalas Rico Yan

Beaver Magtalas mala Rico Yan ang dating

MATABILni John Fontanilla KAMUKHA ng yumaong aktor na si  Rico Yan ang baguhang aktor na si Beaver Magtalas na …

Ivana Alawi

Ivana Alawi gumastos ng milyones para sa lalaki

MATABILni John Fontanilla NABIGLA ang publiko nang aminin ni Ivana Alawi sa kanyang pamilya at sa publiko …

Dennis Padilla Aster Amoyo

Dennis ibinilin sa mga anak: magtulungan

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ng komedyanteng si Dennis Padilla sa vlog ni Aster Amoyo na TicTALK with …

Janno Gibbs Manilyn Reynes Keempee de Leon

Manilyn pinaka-memorable na ka-loveteam si Janno

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ni Manilyn Reynes sa Updated with Nelson Canlas, tinanong siya kung …

Glaiza de Castro David Rainey

Glaiza naka-iskedyul pagbuo ng baby

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG busy si Glaiza de Castro, paano ang pagbuo nila ng pamilya ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *