Friday , April 19 2024

Arjo, musmos pa lang iprinisinta na ang sarili para mag-artista; Ria, pang-beauty queen ang beauty

011916 ria arjo atayde

00 SHOWBIZ ms mNAKATUTUWA ang kuwento ng ama nina Arjo at Ria Atayde, si Mr. Art Atayde ukol sa panganay na anak nila ni Sylvia Sanchez. Bata pa lang pala si Arjo, talagang gustong-gusto na nitong mag-artista.

“Madalas kasi sumasama si Arjo sa taping ni Sylvia. Minsang sumama iyan sa taping ng ‘Esperanza’, siguro mga 6 or 5 years old siya, kinausap niya talaga si Direk Rory (Quintos, isa sa mga director) at sinabing kunin siyang artista, ha ha ha. Iprinisinta talaga niya ang sarili niya,” pagbabalik-tanaw ng ama ni Arjo.

Wala raw talagang hilig sa pag-aaral si Arjo at ang pag-aartista na ang talagang gusto nitong gawin maliit pa lang ito. Kaya hindi kataka-takang mabilis natuto at magaling na actor agad si Arjo.

“Silang dalawa ni Ria, madalas nag-aartehan. Pero si Arjo talaga ang pursigido na mag-artista. Si Ria, sumunod sa amin na magtapos muna ng pag-aaral,” sambit naman ni Sylvia na very proud sa ikalawang anak na si Ria dahil walking encyclopedia nga raw kung ito’y tawagin ni Arjo dahil magaling at matalino naman talaga ang batang aktres na lumabas na sa Ningning.

Nagtapos ng Communications Arts si Ria at pagkaraan ay binigyang hilig na ang pangarap ding makaarte sa harap ng kamera.

“Sinunod ko muna sila at talagang sinabi ko sa sarili ko na ako ang unang magtatapos sa amin para sa mga magulang ko. And now, na-eenjoy ko ang pag-aartista. Ito talaga ang gusto kong gawin ngayon. Dito ako naka-focus,” wika naman ni Ria na puwedeng-puwedeng maging beauty queen dahil sa ganda ng mukha.

Sumailalim muna sa workshop si Ria at dumaan sa audition. Dapat ay isasama na siya agad sa Dream Dad subalit napakabata pa para itambal kay Zanjoe Marudo kaya hindi natuloy ang pagkasama sa kanya rito. Nag-workshop uli siya at nag-audition naman sa Ningning at nakuha siya para gampanan ang role ni Teacher Hope.

“Nag-audition nga rin po ako sa PBB. Gusto ko lang po maka-experience kasi bata pa lang ako gusto ko na talagang makasali sa PBB. Pero okey na rin na hindi ako nakuha kasi napunta naman ako sa Ningning,” tsika ni Ria na gustong maging news anchor ng kanyang mga magulang pero grabe naman ang pag-iling at pag-ayaw ng dalaga.

“Pag-arte talaga ang gusto ko. Hindi ko type ‘yung pag-news anchor. Siguro pwede pa ‘yung pagho-host, pero talagang, pag-aartista ang gusto ko,” giit pa ni Ria.

Samantala, talagang iba ang nagagawa ng may primetime teleserye dahil isang bata ang tinawag si Arjo ng Joaquin bilang iyon ang kanyang role sa Ang Probinsyano na pinagbibidahan ni Coco Martin. Masayang nagpakuha ng litrato ang bata kay Arjo at nag-dialogue pa ito ng ‘Ayos!’ patunay na sumusubaybay ang bagets sa kanilang teleserye.

Malayo na nga ang narating ni Ajo simula noong unang lumabas siya sa E-Boy. Noon pa ma’y hinangaan na namin siya sa magandang pagganap dito at ngayon, lalo pa namin siyang hinangaan dahil nakikipagsabayan siya ng pag-arte at ‘di nagpapatalo kina Albert Martinez at Coco.

Talagang pinatunayan ni Arjo na ito ang gusto niyang tahakin noon pa man at hindi niya binigo ang kanyang ina na magpakita rin ng kahusayan sa piniling career.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Glaiza de Castro David Rainey

Glaiza naka-iskedyul pagbuo ng baby

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG busy si Glaiza de Castro, paano ang pagbuo nila ng pamilya ng …

Atasha Muhlach Daniel Padilla

Daniel at Atasha iniuugnay ng fans

REALITY BITESni Dominic Rea KINIKILIG ako actually sa naglalabasang cropped photos nina Daniel at Atasha Muhlach.  …

Kathryn Bernardo Jericho Rosales Alden Richards

Kathryn pinag-aagawan daw nina Alden at Echo

REALITY BITESni Dominic Rea PAGKARAANG ianunsiyo ni Kathryn Bernardo na she’s already healed after her break-up with Daniel …

Blind Item, Mystery Girl, Actress

Female starlet ‘di makapagpakita kay DOM, ‘tinamaan’ sa foreigner na sinamahan

ni Ed de Leon AY naku, mukhang natauhan na rin ang isang DOM na pinaglololoko lang siya …

Ai Ai de las Alas Gerald Sibayan

Ai Ai sinuwerte kay Gerald, good provider na  pinakamatagal pang nakarelasyon

HATAWANni Ed de Leon ABA at tumagal na pala ng 10 taon ang pagsasama nina Ai …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *