Tuesday , April 23 2024

Panaginip mo, Interpret ko: Nagha-hanger ng damit

00 PanaginipGud pm po,

Anu po ba ibig sabihin ng panaginip ko, mga damit sa sampayan, at ihahanger ko na mga damit sa sampayan. Pa-reply po, please. Thanks. (09279986603)

To 09279986603,

Ang kasuotan o damit ay nagpapakita rin ng iyong kalagayan at estado sa buhay. Maaari rin na nagbabadya ito ng pagdating ng pagsubok o suliranin subalit ito’y magsisilbing daan lamang upang lalo kang maging matatag. Kaya dapat kang laging magtiwala sa iyong kakayahan at sa kapangyarihan ng Diyos. Nagsasabi rin ang ganitong panaginip na ito ay may kaugnayan sa feminine outlook o feminine perspective sa ilang sitwasyon. Nagpapakita rin ito ng iyong femininity. Kung lalaki ka at nanaginip na nakasuot ka ng damit, nagsa-suggest ito ng katanungan ukol sa iyong seksuwalidad. O kaya naman, ikaw ay nakadarama ng pagiging sexually insecure.

Kapag nanaginip ng sampayan o clothesline, ito ay nagsa-suggest na inilalantad mo ang mga nakatagong aspeto ng iyong sarili, lalo na kung underwear ang iyong isinasampay o nasa sampayan. Maaaring may kaugnayan din ito sa iyong mga hang-ups sa buhay. Partikular kung ikaw ay nagsasampay ng mga puting damit sa bakuran, ito ay nagsasaad ng iyong hangarin para sa pureness at ang ma-cleanse o maging malinis. Maaaring paraan mo rin ito ng pagpapahayag ng iyong innocence sa ilang sitwasyon. Maaari rin namang ito ay isang paalala upang huwag ilabas o not to ‘air out your dirty laundry.’

Señor H.

About hataw tabloid

Check Also

init Lamig Hi Temp Cold Water

Malamig na tubig hindi ipinapayong inumin sa gitna ng matinding init

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong, HANGGANG ngayon po …

Krystall Herbal Oil

Makating butlig sa anit, natuyot at gumaling  sa Krystall Herbal Oil

Dear Sis Fely Guy Ong          Magandang araw po sa inyong lahat.          Ako po …

Puregold GRFSB

Puregold may pasilip sa isang “panalo collab” katambal ang pinakamalaking music artists

MALAKAS ang bulong-bulungan na magkakaroon ng kolaborasyon ang Puregold sa pinakamalalaking  pangalan sa lokal na industriya ng musika. Totoo …

Krystall Herbal oil FGO Fely Guy Ong

Sugat sa paa sanhi ng labis na init sa tricycle pinatuyong Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …

SM scholar 1

Pursuing education despite the odds
These SM scholar alumi are now steps closer to their dreams

Queenie Alfonso (left) and Prince Mangahas (right) join the SM Scholars’ general assembly at SM …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *