Tuesday , December 11 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Beauty and the Bestie, tumindi dahil sa pagsasama nina Vice & Coco

Beauty and the Bestie, tumindi dahil sa pagsasama nina Vice & Coco

121515 coco martin vice ganda
PAREHONG sinasabing nakababatak ng ratings ng kani-kanilang mga TV show sina Coco Martin at Vice Ganda. Sila iyong mga top star talaga ng telebisyon sa ngayon. Pareho rin naman silang may magandang track record sa kanilang mga pelikula. Kaya marami ang naniniwala na ang pagsasama nilang dalawa sa Beauty and the Bestie ay magiging matindi talaga sa takilya. Hindi rin naman maikakaila na iyong serye nina James Reid at Nadine Lustre, maganda rin ang ratings sa prime time, kaya ang pagkakasali nila sa pelikulang iyan ay isang plus factor. Malaking plus factor din na ang kanilang director ay ang tinatawag ngayong guru ng mga comedy film director na si Wenn Deramas. Kung iisipin mo, nasa pelikulang iyan ang lahat ng elemento ng isang box office hit.

READ MORE:  John Estrada, Eddie Garcia ng kanyang panahon
READ MORE:  Marian Rivera continues to sizzle!

Huwag na tayong magbolahan. Huwag na ninyo akong paniwalain na panonoorin ninyo ang pelikulang iyan for its artistic value. Ginawa ang pelikulang iyan na ang nasa isip ng mga gumawa ay ang kumita sa takilya, at palagay namin mangyayari naman iyon.

READ MORE:  Arjo Atayde, hangang-hanga sa pagiging totoo ni Maricel Soriano!

( Ed de Leon )

COMMENTS

About Ed de Leon

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved