Friday , March 29 2024

Miles at Julia parehong mahusay sa “and I Love You So” (Sa confrontation scenes na may pisikalan, Pilot episode ngayong gabi sa Kapamilya Gold)

120415 miles ocampo julia barretto
PAULIT-ULIT naming napanonood ang teaser maging ang full-trailer ng pinakabagong teleserye ng “And I Love You So,” na inyo nang mapapanood simula ngayong Disyembre 7 sa inyong Kapamilya Gold pagkatapos ng All Of Me.

Dahil kaliwa’t kanan ang confrontation scenes hindi lang sa pagitan ng magkapatid sa ama na sina Joanna (Miles Ocampo) at Trixie (Julia Barretto) kundi sa dating magkaibigan at magkaribal sa puso ni Alfonso (TonTon Gutierrez) na sina Michelle (Dimples Romana) at Katrina (Angel Aquino).

Bukod sa sinasabing sina Miles at Julia na ang makabagong Judy Ann Santos at Claudine Barretto, puwede rin Lorna Tolentino at Rio Locsin ng bagong henerasyon. Tulad kasi ng matitinding awayan at sagutan ng mga karakter nina Joanna at Trixie na umaabot sa pisikalan, ganito rin ang nasaksihan namin noong 1979 sa Stepsisters movie nina LT at Rio na magkapatid rin sa ama na sa pagitan ng dalawa ay si Rio ang mahadera at talagang inaapi nang husto si Lorna na umabot sa lunuran sa swimming pool at tadyakan.

Dito sa And I Love You So, siguradong tatak sa TV viewers ang mataray na dialogue na binitawan ni Julia kay Miles na sinabihan niya ang kapatid nang “Boba Utak Biya at Walang Utak,” na sinagot naman ni Miles, nang “Alam mo Kanina Ka Pa” saka nag-dare sa malditang Julia na “Sige subukan mo!”

Ayaw rin paawat ang spoiled brat na si Trixie sa pang-iinsulto kay Joanna na sinabihan niya ang una nang “Show everybody your true self and everything,” sabad naman ng huli sa kanya, “Bakit ba ang hilig-hilig mong manghingi ng away sa akin.” At may batuhan pa rito ng voleyball sa pagitan ng dalawa.

Ganito rin ang tagpong masasaksihan sa pagitan nina Michelle at Katrina na matindi ang galit ng huli sa una dahil ang mahal ni Alfonso ay hindi siya. Palaban si Michelle sa mga ginawang pang-iinsulto sa kanya ni Katrina sa serye na nagpakawala ng maaanghang na salita gaya ng, “Huwag kang masyadong kakapit diyan sa marriage contract mo. It’s just a toilet paper.”

“Walang Judge na makapag-uutos kay Alfonso na Mahalin Ka.” palabang depensa naman ni Michelle sa kanyang sarili.

Kahit na si Joanna ay nakatikim rin nang pangmamaliit mula kay Katrina, na mala-diabolical ang character habang hawak ang buhok niya, sinabihan siya nito na, “Hindi kayo bagay ng Nanay niyo rito. Ako pa rin ang asawa ni Alfonso, Leave! O ‘di ba? Iba’t ibang matitinding eksena sa iisang teleserye tungkol sa tunay na pagmamahal, paghihiganti ng kaibigan laban sa kaibigan, iringan sa pagitan ng magkapatid at kaaway na magiging bahagi ng buhay ng mag-inang Katrina at Trixie.

Kasama rin sa magiging bahagi ng buhay nina Joanna at Trixie sina Iñigo Pascual at Kenzo Gutierrez. Tampok sa regalong serye sa inyo ng Dreamscape Entertainment sina Francis Magundayao, Dante Rivero, Benjie Paras, Jay Manalo, Nikki Valdez at Luke Jickain.

Ito ay mula sa direksyon ng bagitong director na si Onat Diaz.

FIRST DATE SA LABAS NG ALDUB, NASAKSIHAN NANG MARAMING FANS SA ENCHANTED KINGDOM

Ang inaasahang solong date ng AlDub noong Sabado sa daily Kalyeserye ng dalawa sa Eat Bulaga ay naging maingay at masaya dahil nakahalubilo nina Alden Richards at Yaya Dub ang mga taong nasa Encanted Kingdom noong mga oras na ‘yon na majority ay fans ng phenomenal love team.

Enjoy talaga ang lahat nang kanilang masilayan sa EK ang mga idol nila na sumakay sa ilang rides sa nasabing popular na Amusement Park sa parteng Laguna. Kaaliw si Yaya Dub habang pareho silang sumakay ng carousel ni Alden na sigaw nang sigaw siya habang pinapahinto ang ride dahil nahihilo at nasusuka na raw siya. Very natural comedienne ang dating ni Maine na kunwari ay naaasar sa mga biro sa kanya ng Pambansang Bae na kalabtim niya.

Sumakay rin ng bump car ang dalawa. Dahil baguhan lang si Maine sa nasabing ride ay hindi maiiwasang may mga mabangga siyang mga bata na sakay rin ng bump car. Nag-try din sa Ekstreme Tower Ride na napaiyak sa sobrang takot si Yaya Dub pero dahil nasa tabi niya si Papa Tisoy ay deadma ang beauty niya habang inaakyat sila paitaas sa tore.

Sa date nilang ‘yun lahat nang gusto ni Maine ay sinunod lahat ni Alden at kitang-kitang ang kasiyahan sa mukha ng dalaga habang kasama ang kanyang partner. Sa ending ng date, ipinakita sila, kasama ang tatlong lola sakay ng Anchors Away boat.

Pagsisihan niyo kapag hindi n’yo ma-watch gyud!

VONGGANG CHIKA! – Peter Ledesma

About Peter Ledesma

Check Also

Marissa Delgado Marian Rivera

 Marissa Delgado tagahanga ni Marian, gandang-ganda sa aktres

RATED Rni Rommel Gonzales SI Marissa Delgado, na gumaganap na si Nova, ang masungit na biyenan ni Marian …

Xian Lim

Xian sa love: painful and a magical feeling

MA at PAni Rommel Placente NOONG nakaraang Biyernes, March 22, si Xian Lim ang naging guest sa Fast …

Cristy Fermin Baron Geisler

Cristy Fermin napatunayan anak ni Baron sa isang aktres

PUSH NA’YANni Ambet Nabus TILA naging vindication naman para sa ating kaibigan at nanay-nanayang Cristy Fermin ang …

Baron Geisler Cristine Reyes Dearly Beloved

Baron binago estilo sa acting, Cristine magaling pa rin

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NANIBAGO kami sa ipinakitang acting ni Baron Geisler sa Dearly Beloved, ang latest movie …

Marianne Beatriz Bermundo Khristine Kate Almendras Ornopia Aspire Magazine Ayen Cas

Aspire Magazine tuloy na pag-arangkada; 2 beauty queen inihataw ang galing

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio NAKABIBILIB ang publisher ng Aspire Magazine na si Ayen Cas dahil sa bawat issue …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *