Wednesday , December 12 2018
Breaking News
You are here: Home / News / 4,000 nasunugan sa Mandaluyong humihingi ng tulong

4,000 nasunugan sa Mandaluyong humihingi ng tulong

HUMIHINGI ng tulong ang mahigit 4,000 residente o mahigit 1,000 pamilya na nasunugan sa Brgy. Addition Hills sa Mandaluyong City.

Ayon kay Supt. Samuel Tadeo, hepe ng National Capital Region Fire Department District 4, nagsimula ang sunog sa bahay ng isang nagngangalang Jopay sa Molave street dakong 2 p.m. kamakalawa. Apat ang naitalang sugatan sa nasabing insidente.

Nananatili ang mga biktima sa evacuation centers habang patuloy ang assessment ng City Social Welfare Development Office (CSWDO) ng Mandaluyong sa mga nasunugan para mabigyan ng tulong.

Inaasahang mabibigyan ng financial support at construction materials ang mga nasunugan para muling makapagpatayo ng bahay.

 Aabot sa P6.5 milyon ang pinsala sa mga ari-arian.

COMMENTS
READ MORE:  Tactical alliance ng Maute at BIFF, buking ng AFP

About Hataw News Team

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved