Saturday , April 20 2024

Actress kinaliwa na pinakialaman pa ng boyfriend ang sariling pera (Very disappointing naman)

050615 blind item woman

PARANG kapalaran na yata ng morenang singer-actress, ang maging broken hearted for life.

Nakailang boyfriends na kasi si mahusay na aktres na pawang mga taga-showbiz. ‘Yung latest Papa niya na inaakala nang marami na magiging hubby na niya in the future dahil always sweet nga ang drama nila in public, hayun naghiwalay na rin sila for some reasons.

At hindi raw talaga ma-take ng tinutukoy na-ting luhaang celebrity from showbiz clan ang mga panlolokong ginawa sa kanya ng lalaking minahal niya nang higit pa sa kanyang buhay.

Yes bukod sa pinakialaman umano ni aktor ang sariling pera ni aktres ay kinaliwa pa siya at ipinagpalit hindi sa isang girl kundi sa isang ma-yamang gay businessman na may konek rin sa showbiz.

At sabi, ang gay benefactor ni said actor ang siyang tumutulong ngayon sa kanya para maipatayo ang gusto niyang negosyo.

Hanep dahil hindi lang isa kundi tatlong negosyo raw ang ibinigay ng natu-rang beki kay aktor, na dakila raw ang pagkakalaki.

Kitang-kita naman ito sa kanyang sexy photos gyud!

LIGAYA (SUE) NAGPAKUMBABA AT NAGBIGAY PA NANG LOVE OFFERING KAY GELO (DANIEL)
Sa lalong umiinit na mga tagpo sa Pangako Sa ‘Yo

112315 Daniel Padilla Sue Ramirez PSY

Habang patuloy sa kanyang pag-asenso bilang magaling na chef si Yna Macaspac (Kathryn Bernardo) na ang pangarap ay makapagpatayo ng sarili niyang resto, ang paggawa naman ng tinapay sa pag-aaring ba-kery ni Tatay Greggy (Tirso Cruz 111) ang pinagka-kaabalahan ni Angelo (Daniel Padilla) na nga-yon ay kilala na bilang Gelo sa kanilang lugar sa isang squatter area kasama ang kapatid na si Lia (Andrea Brillantes).

Malaki na rin ang ipinagbago ng character ni Lia at iniwan na ang pagiging sweet sa bagong mundo nila ng Kuyang si Gelo sa top-rating teleseryeng “Pangako Sa ‘Yo” na mapapanood sa ABS-CBN Primetime Bida pagkatapos ng FPJ’s Ang Probinsyano.

Sa kanyang pagi-ging panadero na laging gala sa kalsada ay isa sa nakahahalubilo ngayon ni Gelo na kaasaran niya ang dalagitang si Ligaya (Sue Ramirez) na tindera sa palengke. Pero sa latest episode ng PSY, dahil tila nagsawa na sa aso’t pusang away nila ni Gelo ay nagpakumbaba na at binigyan pa ng love offering upang magbati na sila.

‘Yun na kaya ang umpisa nang pagiging ma-lapit ng dalawa sa isa’t isa? Kapag nangyari ito, paano na si Yna? Lalo na ngayon sa kanyang bagong mundong ginagalawan ay mukhang masaya na ang binata sa simpleng buhay kasama ang mga itinuturing na nilang Kapamilya ni Lia na si Tatay Greggy at ang mag-asawang Monay (Mickey Ferriols) at Kabayan (Bayani Agbayani) na away bati rin ang drama dahil laging nagseselos si Monay sa babae kuno ng mister.

Nasaan na pala si Amor Powers? Kailan siya uli masisilayan ng TV viewers lalo na ngayong makalalaya na si Eduardo Buenavista (Ian Veneracion) na pinagkalooban ng presidential pardon dahil sa magandang record sa bilangguan.

Abangan ang lahat nang iyan sa lalo pang tumitindi at umiinit na mga tagpo sa Pangako Sa ‘Yo sa ilalim ng direksiyon ng mga famous and blockbuster battery of directors ng Kapamilya network kabilang na sina Inang Olive Lamasan, Rory B. Quintos, Dado C. Lumibao, Cathy Garcia-Molina also Direk Richard I. Arellano, Will Fredo and Mae Cruz-Alviar and this from Star Creatives.

Cast ng no.1 AlDub KalyeSerye kabilang na rin sa Walk of Fame Philippines

112315 AlDub KalyeSerye Eat Bulaga

Humahataw sa kanilang daily high ratings, ang AlDub KalyeSerye nina Alden Richards at Maine Mendoza a.k.a Yaya Dub sa Eat Bulaga at iba’t ibang klaseng awards na ang tinanggap ng ALDUB loveteam kasama na ang kaliwa’t kanang mga product endorsement ng Pambansang Bae at ni Yaya Dub.

Sa pagdiriwang ng anibersaryo ng Walk of Fame Philippines na itinayo ni Master Showman German

Moreno ay mamarkahan na rin sa susunod na buwan ang casts ng nasabing serye na kina-bibilangan rin ng JOWAPAO na sina Wally Bayola bilang Lola Nidora na globally famous na, ganoon na rin ang mga gumaganap na kapatid ni Nidora na sina Tidora (Paolo Ballesteros) at Jose Manalo sa character na Lola Tinidora.

Siyempre parte rin ng malaking kalyeserye ang mga bodyguards ng tatlong magkakapatid na sina

Rogelio Rogelio Rogelio, Bernardo Bernardo Bernardo at Quando Quando Quando na mga popular na rin sa ating mga kababayan.

At hindi pwedeng taasan ng kilay ang paglalagay kina Alden at Yaya Dub dahil in span of a short time ay naging “phenomenon” agad ang kanilang pangtanghaling teleserye na dinadagsa ng mga advertiser.

Kaya pwede na talagang i-level, ang AlDub loveteam sa mga sikat na celebrity na nailagay na ang pangalan sa Walk of Fame Philippines.

Oo naman they both deserve this gyud!

 

VONGGANG CHIKA! – Peter Ledesma

About Peter Ledesma

Check Also

Gary Valenciano Star Magic ABS-CBN

Gary V handang umarteng muli sa harap ng kamera, bahagi na ng Star Magic family 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio PANIBAGONG career milestone ang naitala ng pambansang Mr. Pure Energy …

Beaver Magtalas Rico Yan

Beaver Magtalas mala Rico Yan ang dating

MATABILni John Fontanilla KAMUKHA ng yumaong aktor na si  Rico Yan ang baguhang aktor na si Beaver Magtalas na …

Ivana Alawi

Ivana Alawi gumastos ng milyones para sa lalaki

MATABILni John Fontanilla NABIGLA ang publiko nang aminin ni Ivana Alawi sa kanyang pamilya at sa publiko …

Dennis Padilla Aster Amoyo

Dennis ibinilin sa mga anak: magtulungan

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ng komedyanteng si Dennis Padilla sa vlog ni Aster Amoyo na TicTALK with …

Janno Gibbs Manilyn Reynes Keempee de Leon

Manilyn pinaka-memorable na ka-loveteam si Janno

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ni Manilyn Reynes sa Updated with Nelson Canlas, tinanong siya kung …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *