Friday , March 29 2024

Yummy hunk actor na si James nag-propose na ng kasal sa wifey na si Leah sa OTWOL

112015 jadine
NAKARARAMDAM nang slight na pagseselos si Leah (Nadine Lustre) kay Angela (Ysabel Ortega), ang katrabaho sa isang project ng kanyang hubby na si Clark (James Reid) sa most trending at no.1 show nila sa iWant TV na On The Wings of Love.

Sa kabila niyan, tuloy-tuloy pa rin ang paghahatid ng JaDine loveteam ng kilig, saya at s’yempre magandang istorya sa kanilang mga manonood na walang sawang tumututok sa kanilang soap na umeere gabi-gabi sa ABS-CBN Primetime Bida pagkatapos ng “Pangako Sa ‘Yo.”

Paano iba nga si Clark, at hindi siya katulad ng ibang guy na salawahan pagdating sa pag-ibig. At dahil diyan, hayun super sweet na naman sila ng kanyang wifey na si Leah. Mas nagiging confident na ngayon na talagang true love siya ng kanyang hubby.

Kaya nag-bonding ang mag-asawa sa kanilang beach outing. Sa episode na napanood kagabi sa OTWOL, handa na si James Reid (Clark) na pangatawanan ang pagiging hubby kay Nadine Lustre (Leah) at inalok na niya ang kanyang wifey na magpakasal habang nagbabakasyon kasama ang kanilang mga pamilya.

Sa pagtupad nina Clark at Leah ng kanilang dream beach vacation, sinorpresa ni Clark si Leah ng isang wedding proposal para makapagsimula silang muli at magkaroon silang dalawa ng special happy memory na naman sa Filipinas.

Pero handa na rin kaya si Leah na totohanin ang kanyang pagiging Mrs. Clark Medina?

Tunghayan ang mas lalo pang nagiging exciting na love story nina Clark at Leah sa “On the Wings of Love.”

Abangan din ang hottest loveteam sa “Kapamilya Krismas 3” ngayong Nov. 22, Sunday 4pm sa Open Parking ng Trinoma Mindanao kasama ang ilang co-stars sa serye, ang cast ng Ang Probinsyano sa pangunguna ni Coco Martin, Maja Salvador Bela Padilla, Onyok & Richard Yap; at Julia Montes, Sam Milby, Edgar Allan Guzman, Anjo Damiles para sa Doble Kara.

Makakasama rin ang mga sikat at mahuhusay na Kapamilya artist like Erik Santos, KZ Tandingan, Morissette, Klarisse de Guzman, Clock 9 and many more.

Very masaya ito gyud!

James conservative pala, Nadine sinita ng actor sa kanyang sexy dress sa matagumpay na premiere night ng Wang Fam

Sobrang successful ang idinaos na premiere night ng Wang Fam, ng Viva Films last Tuesday sa SM Megamall Cinema na dinaluhan ng buong cast sa pangunguna nina Pokwang at Benjie Paras, Yassi Pressman at kalabtim na si Andre Paras, Alonzo Muhlach, Candy Pangilinan ganoon na rin ang kaibigan ng YanDre loveteam na sina James Reid at Nadine Lustre na kanilang nakasama noon sa Diary ng Panget at itong si Yassi na naging part naman ng Talk Back In You’re Dead na produced rin ng Viva. Sa ‘di sinasadyang pagkakataon ay naantala raw ang pagsisimula ng nasabing red carpet premiere ng pinakamalaking horror-comedy film ngayong taon ng undisputed box office director na si Wenn V. Deramas dahil late na nakarating ng venue si Nadine sa matinding traffic, na dulot ng isinasawang APEC sa ating bansa.

May nakapansin na medyo cold raw si James kay Nadine noong gabing ‘yon dahil maaga pa sa sinehan ang actor at isa pa sa nakadagdag ng pagkawala daw ng mood ay ‘yung suot ni Nadine na sexy fit dress, ng dalaga.

Parang hindi raw ‘ata feel ng binata na daring ang outfit ng kanyang nasabing kalabtim. Ang maganda ay naayos naman daw ang tantrums ni James, siguro nilambing siya ni Nadine kaya nawala agad ang tampo niya.

Samantala masayang-masayang ang lahat ng mga artista ng Wang Fam at Team Viva dahil pinipilahan ang kanilang pelikula. May mga sinehan raw na dahil sa lakas ng pelikula at walang bakante sa orchestra at balcony section ay nakontento na lang na maupo sa sahig.

Kaya nagkatotoo nga ‘yung vibes ni Direk Wenn, na tatangkilikin ng moviegoers ang Wang Fam dahil talagang patatawanin ka nito mula umpisa hanggang ending. Dahil sa matagal nang hindi sumasabak sa pagpapatawa ay may mga bago raw atake na ipinakita sa comedy si Pokie rito at marami raw talaga ang naaliw sa mga eksena nila ni Benjie na gumaganap na mister niya na kapwa niya Aswang.

Kung kilig ang hatid nina Yassi at Andre na nagka-inlaban kahit hindi na mortal na tao ang una at aswang naman ang huli ay hindi ito naging sagabal para hindi sila magkatuluyan sa isa’t isa.

Ayaw rin paawat ni Candy Pangilinan sa kanyang mga funny scene nila ng Wang Fam family kasama sina Joey Paras at Dyosa Pockho at sumabay talaga siya sa husay sa komedya ni Pokie. Siyempre agaw-eksena rin ang bibong si Alonzo Muhlach, na pagdating sa pag-arte mapadrama man o comedy kahit bata pa ay mahusay na. May karapatan talaga si Alonzo na sumunod sa yapak ng kanyang daddy na si Niño bilang bagong child wonder.

Palabas ang Wang Fam sa over 1OO Theaters nationwide.

A big big congrats gyud!

Mga bagong mundo nina Yna at Angelo pagtagpuin na kaya sa Pangako Sa ‘Yo? (Tirso, Mickey, Bayani at Sue mga bagong karakter sa love drama serye)

112015 kathniel

Ipinasilip na ang bagong mundo ni Yna (Kathryn Bernardo) sa top-rating teleserye na “Pangako Sa ‘Yo” tampok ang pagbabalik niya sa bansa matapos ang dalawang taon pag-aaral sa isang culinary school sa Estados Unidos.

Sa episode na napanood simula noong Lunes ay mas makikilala pa ang bagong Yna at ang kanyang bagong buhay sa Filipinas, na kabaligtaran naman ng sinapit ni Angelo (Daniel Padilla). Kasabay ng pangako sa sariling kalimutan na si Yna, desidido rin si Angelo na bumangon sa buhay para na maitaguyod nang mag-isa ang kapatid na si Lia (Andrea Brillantes).

Simple man ang trabaho ngayon sa isang panaderya, puno ng pag-asa si Angelo na muling guminhawa ang kanilang buhay katuwang sina Tatay Greggy (Tirso Cruz III), Monay (Mickey Ferriols), at Kabayan (Bayani Agabayani) na nagsisilbing bago niyang pamilya.

Kaabang-abang din kung saan uuwi ang aso’t pusang awayan nina Angelo at ng kapitbahay niyang si Ligaya (Sue Ramirez) na naging malapit sa isa’t isa sa kabila ng kanilang madalas na pagtatalo.

Muli kayang magkrus ang landas nina Yna at Angelo pagkatapos ng dalawang taon? Tuluyan na kayang nakalimutan ni Angelo si Yna para buksan ang kanyang puso sa iba? At mauwi naman kaya sa totohanan ang awayan nina Angelo at Ligaya?

Bilang patuloy na pasasalamat sa suporta ng fans ng serye ay handog ulit nito ang isang Thanksgiving Day tampok sina Kathryn, Daniel, at ang buong cast ng “Pangako Sa ‘Yo” na gaganapin sa Fairview Terraces Mall sa Nobyembre 29 (Linggo), 5pm.

Huwag palampasin ang mas kapanapanabik na mga tagpo sa classic love story ng mga Filipino, “Pangako Sa ‘Yo,” gabi-gabi pagkatapos ng “FPJ’s Ang Probinsyano” sa ABS-CBN Primetime Bida. Para sa exclusive updates, mag-log on sa Twitter.com/StarCreativesTV at Instagram.com/StarCreativesTV.

Samantala, maaari na rin panoorin ang full episodes o past episodes ng “Pangako Sa ‘Yo” gamit ang ABS-CBNmobile. Pumunta lamang sa www.abscbnmobile.com para sa karagdagang impormasyon.

VONGGANG CHIKA! – Peter Ledesma

About Peter Ledesma

Check Also

Marissa Delgado Marian Rivera

 Marissa Delgado tagahanga ni Marian, gandang-ganda sa aktres

RATED Rni Rommel Gonzales SI Marissa Delgado, na gumaganap na si Nova, ang masungit na biyenan ni Marian …

Xian Lim

Xian sa love: painful and a magical feeling

MA at PAni Rommel Placente NOONG nakaraang Biyernes, March 22, si Xian Lim ang naging guest sa Fast …

Cristy Fermin Baron Geisler

Cristy Fermin napatunayan anak ni Baron sa isang aktres

PUSH NA’YANni Ambet Nabus TILA naging vindication naman para sa ating kaibigan at nanay-nanayang Cristy Fermin ang …

Baron Geisler Cristine Reyes Dearly Beloved

Baron binago estilo sa acting, Cristine magaling pa rin

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NANIBAGO kami sa ipinakitang acting ni Baron Geisler sa Dearly Beloved, ang latest movie …

Marianne Beatriz Bermundo Khristine Kate Almendras Ornopia Aspire Magazine Ayen Cas

Aspire Magazine tuloy na pag-arangkada; 2 beauty queen inihataw ang galing

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio NAKABIBILIB ang publisher ng Aspire Magazine na si Ayen Cas dahil sa bawat issue …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *