Thursday , April 18 2024

Barangay Tanod sa Mandaluyong City hindi pinasasahod?

00 pulis joeyGOOD morning po. Sir Joey, magtatanong lang po ako sa inyo? Bakit po ang Baranggay Malamig hindi nagpapasahod ng kanyang mga tanod? Kasi po noong nakaraang taon, may anim na buwan hindi ibinigay sa kanila. Tapos po ngayong taon na ito ay pitong buwan na naman sila hindi nasahod. Gutom na gutom na po ang tanod ng Baranggay Malamig. Lagi po silang naka-duty, hindi  nga po sila nawawala sa baranggay. Ang nawawala po sa kanila ang sahod nila. Bakit po ganoon ang Baranggay Malamig ng Mandaluyong City?

 –  Concerned citizen lang po

Ang barangay tanod ay kasama sa budget ng barangay. Kasabay silang sumasahod ng mga kagawad, tserman, treasurer at secretary. Sino po ba ang tserman nyo dyan? Chairman, paki-explain pls…

Biktima ng Pacific Plans ng Yuchengco

Mr. Venancio, sana help investigate. Marami kami biktima ng Yuchengco of RCBC and Pacific Plans. Nilamon nila pera ng planholders galing sa tulo ng pawis na akala pagdating sa pagtanda may panggastos at gamot. Yon iba pang-tuition ng anak. Paano na kami? Magkano kaya binigay sa Judge ng Makati Branch… at ganito ang hatol? Kumuha kami noon ng Pacific Plans, na-magic naging Lifetime at naging Apec Plan under Noel C. O., half brother raw nila Yuchengco. Ngayon, nganga kami! Kawawa mga law abiding citizen, wala katarungan. Ito ba ang daang matuwid? Bakit walang balita sa TV news or diario? ls help us naman. – 09324238…

REAKSYON at REKLAMO… Sumulat sa POLICE Files!: JGV Publishing House, Inc.,  Leyland Bldg., Delgado St., cor 20th St., Port Area Manila Phil. Telefax 521-7015

Cell: 0919-3297810 / E-mail add: [email protected]

About Joey Venancio

Check Also

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Sinong gustong dumaan sa EDSA Carousel?

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa mga nagdududa sa ‘kasagradohan’ ng EDSA Carousel …

Sipat Mat Vicencio

Mayor Abby Binay pasok sa ‘Magic 12’ ng Pulse Asia, hahaha…

SIPATni Mat Vicencio SINO ba naman ang maniniwala sa ginawang survey ng Pulse Asia kamakailan …

Dragon Lady Amor Virata

Ikot-ikot na para sa 2025 local elections

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata IBA’T IBANG pakulo o propaganda na ang sinisimulan ng …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

QCPD nakapagtala ng 82.61% Crime Solution Efficiency sa nagdaang Semana Santa

AKSYON AGADni Almar Danguilan SADYANG hindi maiwasan na saluduhan ang Philippine National Police (PNP) sa …

YANIG ni Bong Ramos

Riders at tricycle drivers, ‘suki’ ng traffic enforcers

YANIGni Bong Ramos KAHABAG-HABAG ang kalagayan ng riders at tricycle drivers dahil sila ay suking …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *