Tuesday , April 23 2019
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Gov. Vi, Angel Locsin, at Richard Yap, balak igawa ng movie ni Baby Go

Gov. Vi, Angel Locsin, at Richard Yap, balak igawa ng movie ni Baby Go

111115 Baby Go Dennis NBI

00 Alam mo na NonieANG producer ng BG Productions International na si Ms. Baby Go ang na-ging special guest speaker sa 79th NBI anniversary painting & photo exhibit na ginanap sa NBI lobby, Taft Avenue, Manila noong November 9.

Bukod sa ribbon-cutting ceremony kasama ang NBI Director na si Atty. Virgilio L. Mendez, pinapurihan ni Ms. Baby ang naturang institusyon na kabilang sa mga nangangalaga sa kapakanan ng samba-yanang Filipino.

Sa aming panayam sa kanya matapos ang ceremony, si-nabi ng lady producer na ma-dalas siyang maimbita ng NBI sa mga ganitong okasyon. Bukod kasi sa isang gun enthusiasts, nagkokolekta rin ng paintings si Ms. Baby.

Inusisa namin kung posible kayang ang isa sa susunod ni-yang movie ay ukol sa life story ng isang NBI agent? “Posible iyan, pero dapat na pag-aralan muna. Kung may ibibigay sa aking script na ganyan, pag-aaralan muna namin,” saad ni Ms. Baby.

Present din sa naturang okasyon sina Ernie Garcia, Natalie Hart, Mico Aytona, at Rico Barrera.

Nabanggit din niya sa amin na ang next batch ng movies na ipapalabas nila ay ang Sekyu na tinatampukan nina Allen Dizon, Sunshine, Dizon, Melai Cantiveros, Kiko Matos at iba pa, mula sa direksiyon ni Joel Lamangan. ‘Tapos ay ang Child Haus ni Direk Louie Ignacio, ang Tupang Ligaw ni Matteo Guidicceli, at ang Iadya Mo Kami ni Allen Dizon. Natapos na rin nila ang pelikulang Laut ni Direk Louie at nakatakdang gawin ang Tres Ma-rias with Direk Joel ulit.

Nasabi rin ni Ms. Baby at ni Dennis Evangelista na nag-offer na sila ng movie kay Governor Vilma Santos. Bilang Vilmanian, isa kasi sa dream ng lady producer na makagawa sa kanyang film outfit si Gov. Vi.

“Vilmanian ako at nang na-meet ko siya, napakabait niya,” saad ni Ms. Baby.

“Na-meet namin siya sa Gawad Tanglaw, Best actress si Gov. Vilma at yung movie namin ay parang jury prize –Lauriana, and sabi niya, ‘Sige, basta gusto ko ang material at direktor.’

“Gusto rin ni Mam Baby na makagawa ng movie with Richard Yap, Angel Locsin, at Angelica Panganiban. At dream niya talaga ay makagawa ng movie with Gov. Vilma,” saad naman ni Dennis.

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

About Nonie Nicasio

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top