Friday , April 26 2024

Alodia, kaisa sa pagpo-promote ng magandang relasyon ng Japan sa ‘Pinas

111115 Alodia Gosiengfiao

00 SHOWBIZ ms mSUPER excited na si Alodia Gosiengfiao, Cosplayer, dahil finally ay maipalalabas na ang international movie na kinabibilangan niya, angCrossroads.

Nakausap namin si Alodia sa pagsisimula ng Cool Japan Festival sa Trinoma bilang proyekto ng Hallohallo Inc., isang Japanese multi-national company. Nasabi ni Alodia na sa November 28 na ang premiere ngCrossroads.

“Finally, Crossroads movie will be coming out sa Tokyo this November. Ang premiere ay sa Nov. 28 kaya talagang super excited na ako,” kuwento ni Alodia.

Ginagampanan ni Alodia sa pelikulang Crossroads ang isang mahirap na Filipina na tinutulungan ng Japanese company. ”Parang it shows good relationship of Japan and Philippines.”

Makakasama niya rito sina Tao, isang Japanese actress at model at lumabas na sa pelikulang Wolverine, Batman vs Superman: Dawn of Justice; Dai Watanabe ng Rurouni Kenshin;  at si Keiji Kuroki, ng Exileband, isang kilalang banda sa Japan.

Naikuwento ni Alodia na ang kanyang ina na ang nagha-handle ng kanyang career. ”Si Mama na ang nagha-handle ng career ko. I have different management naman in Japan. Sila po ang nagha-handle sa akin ng mga ginagawa ko sa Japan like this movie nga pong Crossroads.

“Wala pa namang definite plan ang mama ko. Kasi ako po ‘yung talagang nagp-plan eh,” kuwento pa ni Alodia.

And speaking of Alodia and good relationship of Japan and Philippines, ito bale ang tema ng Cool Japan Festival, ang mapatatag pa ang pagkakaibigan ng Pilipinas at Japan. Kaya nga inilunsad ang isang grand festival na ito ng Hallohallo Inc. na isinagawa sa Trinoma, North Avenue, Quezon City.

Ang grand festival event ay maituturing na isang magnificent  Cool Japan Project sa bansa. Dahil hindi lamang nagbigay ng magagandang entertainment sa naturang event kundi inihayag din doon ang magagandang naitutulong ng Japan sa atin.

Sa event na iyon ay maraming Japanese companies mula sa iba’t ibang lugar sa bansa  ang nagpakita at nagpakilala ng pride ng Japan sa mga Pinoy. Bukod sa exclusive appearance ng kilalang AKB48, ng ating sariling Cosplay Queen na si Alodia naroon din ang Japanese idol na siAkishibu Project at ang engaging Japanese drum performance na talaga namang napakahusay na nag-perform sa stage.

Nagkaroon din ng exciting activities at booths tulad ng unique Drawing Aquarium at Camera of TeamLab, isang pagkakataon para mas makilala pa ang Japanese culture sa pamamagitan ng “Authentic Nigiri Experience”. Kasabay din nito ang paglulunsad ng most popular TV Drama series ng NHK, ang Amachan na napapanood na simula pa noong Oktubre.

Ang quarterly travel guide na prodyus ng travel publisher LaniLani  ay inilunsad din sa pakikipagtulungan ng Department of Tourism gayundin ang Street Children Back to School Program sa pakikipagtulungan naman ng Department of Labor and Employment.

Nagbukas ang Cool Japan shop noong October 2015 na mabibili ang mga unique at authentic Japanese items tulad ng mga pagkain, damit gayundin ng mga novelty item. Inaasahang lalawig pa ang Cool Japan Shop sa 120 branches sa taong 2017. Ito ay bilang panimula sa Cool Japan Project’s sa pagdating ng panahon kasama ang Cool Japan Mall.

Bukod sa larger version ng Cool Japan Shop, mararanasan n’yo rin ang futuristic amusement park, innovative museum, at cinemas, performance theaters, a digital amusement arcade, specialty shops na nagtitinda ng mga Japanese product, collection ng Japanese restaurants, at marami pang iba.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Ice Ganda Vic Sotto Ice Seguerra

Ice sobra-sobra ang pagmamahal kay Bossing Vic kaya nagbihis babae 

I-FLEXni Jun Nardo WALANG guests si Ice Seguerra sa concert niyang Videoke Hits na gagawin sa Music Museum sa …

Bunny maganda na ang buhay, anak na may kapansanan nakakuha ng trabaho

HATAWANni Ed de Leon INAMIN ng dating aktres na si Bunny Paras na hanggang ngayon ay hindi …

Richard Gomez

Goma pwedeng maging presidente ng Pilipinas

HATAWANni Ed de Leon SABI nga huli man at magaling naihahabol din. Hindi namin halos …

Maine Mendoza new hair cut Short hair

Maine nadesmaya sa maiksing buhok

MA at PAni Rommel Placente MAIKSI na ang buhok ni Maine Mendoza. Pero nagdesisyon siya na …

Sofia Pablo 18th bday Allen Ansay

Allen big supporter ni Sofia

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BONGGA ang 18th birthday o debut ni Sofia Pablo. As a Sparkle …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *