Saturday , April 20 2024

John, excited na sa paglabas ng baby nila ni Isabel

110915 john prats isabel oli

00 fact sheet reggeeBAGAMAT tumaba, masayang-masaya si John Prats sa ginanap na Banana Sundae presscon dahil ilang buwan na lang ay masisilayan na raw nila ng asawang si Isabel Oli ang panganay nila.

Hindi pa alam nina John at Isabel kung anong gender ng panganay nila dahil apat na buwan palang itong nasa sinapupunan.

“Ang saya ng feeling, grabe, darating pala ako sa buhay ko na nandito na ako, kasi for the longest time, ang dami kong pinagdaanan, parang struggle ko siya, kasi lagi akong nadya-judge na iba na naman girlfriend ko, darating pala talaga sa point ng buhay ko na magse-settle ako. Ang sarap ng feeling ng ganoon na wala na akong ibang iniisip kundi ang pamilya ko na.”

May sariling bahay na raw sina John at Isabel, ”malapit lang din sa parents, pero magkahiwalay ng bahay, so we have our little home na at malaki ang nabago kasi rati noong ako lang ang mag-isa sa bahay, maski anong gawin ko okay lang, iwan ko lang ‘yung shorts ko riyan, ok lang, ngayon may (sumisita), ‘oy’ (sabi ni Isabel).

“Kasi siya (Isabel), very organized, like sa banyo, ‘yung towel dapat maayos hindi ‘yung dapat nakasampay lang, dapat pantay-pantay ang pagkakatiklop. So isa ‘yun sa mga adjustment ko kasi hindi ko na solo, may kasama na ako.”

Isa pang nag-adjust si John ay ang panonood niya ng TV o DVD na siya lang ang nakaririnig ng sounds.

Ayaw daw kasi ng asawa niya ng maingay kaya gumagamit ang aktor ng headphones/earphones para walang ingay.

Ang mga pinaglihian ni Isabel ay, ”yakima udon (noodles), rice toppings, Japanese food na may beef, ‘iyon ang comfort food niya,” kuwento ni John.

At kaya raw gusto ng mag-asawang malaman ang gender ng anak nila ay, ”para sa mga magre-regalo para alam na rin namin kung ano ang sasabihin para hindi masayang din.”

Samantala, pino-problema raw ng mag-asawa ang magiging pangalan ng anak nila, ”kasi gusto ko, siya (anak) lang ‘yung may name na ganoon, hindi common at isa lang talaga, like ako, John, ang daming John sa mundo, so nag-iisip kami ng kakaiba, like Beyonce, iisa lang, ‘di ba? So kapag babae, Beyonce na siguro,”natawang sabi ng Banana Sundae lead actor.

Kung sina John at Isabel ang masusunod ay babae o lalaki ang anak ay walang kaso, pero ang tatay ng aktor ang gusto ay lalaki para raw may magdala ng pangalang Prats kasi kahit daw lalaki ang panganay ng kapatid niyang si Camilleay iba naman ang apelyido nito.

Going back to Banana Sundae, natanong muli namin si John kung wala bang agam-agam siyang naramdaman bilang orihinal cast ng Banana Split ay may mga bagong dumarating na baka matabunan sila.

“Well, hindi, eh. Kasi sa amin sa ‘Banana Split’, everything is welcome basta nakitaan namin ng (potential) like si JC (de Vera), ang bilis nga ng panahon, mag-one year na pala siya sa amin. Mga eight months na siya sa ‘BS’ and he started as guest and then naging regular na siya.

“Nakita ko kasi o kami na akala ng iba na gago-gago kami o niloloko lang namin ang ‘Banana Split’, pero seryoso kami, when we do skits, seryoso naming ginagawa, seryoso kami sa timing kasi iyon ang importante.

“Eh, nakita namin kay JC ‘yung passion niya roon, mahal niya ang trabaho, hindi siya mahirap pakisamahan, napakabait niya, lagi kaming bonding after taping and okay lahat.

“Tapos ngayon si Jessy (Mendiola), first time niyang to go out after this (presscon), iyon kasi ang ginagawa namin (bonding) after tapings para hindi mailang, kaya kung napansin ninyo na binu-bully namin si Jessy kasi we want her to feel comfortable, ayaw naming parang (wala lang), mas awkward kasi kapag hindi mo pinapansin. Gusto naming ipa-feel sa kanya na, ‘o gaguhin (bully) mo rin kami’ okay kami,”pagkukuwento ni John.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Check Also

Gary Valenciano Star Magic ABS-CBN

Gary V handang umarteng muli sa harap ng kamera, bahagi na ng Star Magic family 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio PANIBAGONG career milestone ang naitala ng pambansang Mr. Pure Energy …

Beaver Magtalas Rico Yan

Beaver Magtalas mala Rico Yan ang dating

MATABILni John Fontanilla KAMUKHA ng yumaong aktor na si  Rico Yan ang baguhang aktor na si Beaver Magtalas na …

Ivana Alawi

Ivana Alawi gumastos ng milyones para sa lalaki

MATABILni John Fontanilla NABIGLA ang publiko nang aminin ni Ivana Alawi sa kanyang pamilya at sa publiko …

Dennis Padilla Aster Amoyo

Dennis ibinilin sa mga anak: magtulungan

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ng komedyanteng si Dennis Padilla sa vlog ni Aster Amoyo na TicTALK with …

Janno Gibbs Manilyn Reynes Keempee de Leon

Manilyn pinaka-memorable na ka-loveteam si Janno

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ni Manilyn Reynes sa Updated with Nelson Canlas, tinanong siya kung …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *