Thursday , March 28 2024

APEC delegates protektado vs tanim-bala (Tiniyak ng Palasyo)

TINIYAK ng Palasyo na hindi mabibiktima ng tanim-bala scam sa NAIA ang 10,000 delegado na dadalo sa Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit na gaganapin sa Filipinas sa Nobyembre 17-20.

Sinabi ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, may ipinatutupad na sistema ang Department of Transportation and Communications (DoTC) para matuldukan na ang tanim-bala sa NAIA.

Binigyang diin niya na hindi papapayagan ng Palasyo na mabiktima nang maling akusasyon at pangingikil sa airport and APEC delegates dahil kapagnagkataon ay malaking kahihiyan ito sa international community.

Ngunit nilinaw ni Valte, hindi lang dahil sa APEC delegates kaya inaayos ang sistema sa NAIA kundi upang wala nang maging biktima pa ng illegal na aktibidad.

“The concern is not because they are APEC delegates but for every person who passes through that airport. So those procedures should be tweaked, fixed, improved so a single person will not have to be subjected to extortion or to an unfair accusation,” sabi ni Valte.

Rose Novenario

UN sa staff: Mag-ingat sa tanim-bala sa PH

NAGPALABAS na rin ng abiso ang United Nations (UN) para sa kanilang mga staff na nagtutungo sa Filipinas kaugnay ng tanim-bala scheme sa NAIA.

Ayon sa babala ng UN Department of Safety and Security, kailangang maging extra cautious ang kanilang mga tauhan lalo na kung sila ay nasa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Gayonman, nilinaw ng UN na hindi nila agad pinaniniwalaan ang mga isyu ukol sa naturang iskandalo ngunit bahagi na ng kanilang mga patakaran sa mga tauhan ang pagtitiyak sa lahat ng aspeto ng kaligtasan.

Una rito, ilang lokal at banyagang biyahero na ang nahulihan ng bala sa kanilang bagahe ngunit itinuring lang ng ilang mga awtoridad bilang isolated cases ang mga ito, bagay na inalmahan ng ilang grupo at naging sanhi pa ng pagsasampa ng reklamo sa Office of the Ombudsman.

OFWs pinag-iingat ng DoLE vs Tanim-Bala

PINAALALAHANAN ni Labor and Employment Secretary Rosalinda Baldoz ang overseas Filipino worker (OFWs) na maging maingat sa mga bagahe sa gitna ng tanim-bala scam sa airport.

Ayon sa kalihim, ang tanging solusyon para hindi mabiktima ng tanim-bala syndicate ay maging mapagbantay ang mga bibiyahe sa kanilang mga bagahe.

Kinakailangan aniyang bantayang maige ang kanilang mga dala-dalahan at huwag pipikit habang sinusuri, makabubuti rin aniyang i-report  ang ano mang kahina-hinalang gawain o kilos ng mga airport personnel.

Idinagdag ng kalihim, makatutulong  ang pagsasagawa ng imbentaryo sa laman ng bagahe,  at ito ay ipakita sa mga awtoridad kung kailangan bago nila tingnan o suriin ang mga dalang bagahe

Dahil kabilang sa nabibiktima ay mga OFW, inatasan ni Baldoz ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na maging mapagbantay at tulungan ang mga OFW na pauwi  at paalis ng bansa.

Leonard Basilio

About Hataw News Team

Check Also

Las Piñas Mass Wedding Kasalang Bayan

Sa ika-27 anibersaryo ng Las Piñas
102 COUPLES SABAY-SABAY NA IKINASAL

SA PAGDIRIWANG ng Buwan ng Kababaihan at ika-27 anibersaryo ng pagkakatatag bilang lungsod ang Las …

Buhain Richard Bachmann

Buhain, umayuda sa HB Bills para sa PH Sports

Pinangunahan ni Batangas 1st District Congressman Eric Buhain ang pagtalakay at pagsuri sa mga isinusulong …

Acuzar mapang-asar KALBARYO NG MARALITA ITINANGHAL SA NHA, DHSUG, PANAGHOY IWINASIWAS NG GRUPONG URBAN POOR

Acuzar mapang-asar  
KALBARYO NG MARALITA ITINANGHAL SA NHA, DHSUG, PANAGHOY IWINASIWAS NG GRUPONG URBAN POOR

MAHIGIT 300 informal settler families (ISFs) at civil society organizations (CSOs) ang nagtanghal ng Kalbaryo …

PNVF Volleyball

Philippine National Volleyball Federation (PNVF) Under-18 Championship 2024

MAGSISIMULA ang Philippine National Volleyball Federation (PNVF) Under-18 Championship 2024 ngayong linggo simula sa Biyernes …

Chasing Tuna in the Ocean

MTRCB ipinagbawal pagpapalabas ng Chasing Tuna in the Ocean 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio INIHAYAG ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang desisyong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *