Friday , March 29 2024

Mga anak ni Amy, nakakalimutang artista pala siya

102815 amy perez adi carlos

00 fact sheet reggeeKUNG hindi pa ini-launch si Amy Perez bilang endorser ng Strike Multi Insect Killer Spray na may iba’t ibang variants tulad ng strike coil mosquito repellent, strike mat, strike liquid mosquito electric repellent, at strike patch ay hindi pa malalaman na malapit ng maayos ang papeles sa adoption ng panganay niyang anak na si Adi sa rating bokalista ng Southboarder na si Brix Ferraris.

Sa ginanap na presscon ng Strike Multi Insect Killer ay natanong ang TV/radio host kung in-adopt ng asawa niyang si Carlo Castillo ang anak niya.

“Actually, nasa process na kasi kami ngayon ng adoption, tapos na ‘yun, may pumunta na sa bahay na taga-DSWD, in-observed na kami, in-interview na si Adi, in-interview na rin si Carlo, actually, mabigat ‘yun for Carlo kasi siya talaga ‘yung tinitingnan at inoobserbahan ang estado nila ni Adi. This year hopefully matapos na (lumabas na ang resulta).”

Ayon pa kay Amy bago sila ikasal ni Carlo ay kinausap muna nila si Adi.

“Lahat naman ‘yun pinag-usapan namin, si Carlo kasi may pagka-OC, may pagka-organize, kailangan lahat ng bagay pinag-uusapan, kumbaga ibino-voice out.

102915 amy perez ogie diaz atc strike
“So noong una, sinabi talaga ni Adi kung ano ‘yung fears niya, iyon nga una niyang (Adi) tanong kung ano na ang mangyayari sa kanya.

“We also explained the fact na ‘Adi the reason why kailangan kang i-adopt ni daddy para lahat kayo in terms of whatever mangyari sa amin ng daddy, lahat kayo pantay-pantay whatever napag-ipunan namin ng daddy mo, lahat kayo pantay doon, walang kasi ganito ka (stepson) o kasi ganyan. So lahat ‘yun, inayos o plinantsa ni Carlo,” paliwanag ng TV host.

Sa umpisa raw ay medyo hirap si Adi pakisamahan ang kanyang daddy Carlo,”siguro mga tatlong taon din naming hinandle ni Adi kasi hindi siya sanay to have a dad.

“Mula noong nagka-isip siya, hindi siya sanay na may tatay, so noong dumating si Carlo sa buhay niya, explained namin, so noong una siyempre dini-displina siya.

“’Yung sa tsinelas kung saan dapat ilalagay, ‘yung pag-aasikaso sa katawan, ‘yung 5 odor zone sinasabi ng daddy niya itinuro lahat ni Carlo ‘yun.

“Noong una sabi ni Adi, ‘it’s so bad-trip pala to have a dad kasi ang daming do’s and dont’s’ pero noong nare-realize niya (Adi) slowly na Carlo is always there for Adi sa lahat ng activities niya kung anuman ang mga kailangan niya, sabi niya (Adi), ‘wow, it’s also cool to have a dad din pala.’

“So nakikita niya kung paano siya dinisiplina kasi nagkakilala sila (Carlo at Adi) 6 years old pa lang, so nakikita ni Adi sa kapatid niyang 6 years old ngayon kung paano siya dinisplina noong same age niya. Kaya hindi na napi-feel ni Adi na ‘kaya siguro siya (Carlo) ganoon kasi it’s me!”kuwento pa ni Tyang Amy.

Napaka-protective na kuya raw ni Adi sa dalawang nakababata nitong kapatid,”kapag wala siyang pasok, most of the time, kasama niya ‘yung mga kapatid niya, binata na si Adi, iba na ‘yung gusto niya, iba na ‘yung mundo niya, but I always try na kapag Sunday, mayroon kaming oras na kaming dalawa lang at may date rin kami na kasama ang daddy niya at mga kapatid niya at mayroon din silang date ni Carlo na sila lang dalawa.”

At dahil kasama ni Amy ang mister nitong si Carlo at dalawa nilang anak sa print ad ng Strike Multi Insect Killer ay tinanong kung package deal sila o hiwalay ang talent fee nilang apat.

“Nakatutuwa na kinuha kami kasi this is also the first time na (kinuha) kami and legal (mag-asawa) na kami na magkasama kami sa iisang proyekto kaya happy ako,” pahayag ng UKG host.

Nabanggit din ni Amy na during the photo shoot ay isa sa anak nila ni Carlo na mukhang gustong mag-showbiz, ”kasi alam niya ‘yung gagawin niya, alam niya ‘yung anggulo niya, excited siya kaya sabi namin ni Carlo, mukhang nangangamoy showbiz.”

At dahil parehong busy sa kanilang mga trabaho ang mag-asawang Carlo at Amy kaya natanong sila kung paano nila hinahati ang oras para sa mga anak.

“Actually, ang nakatutuwa sa boys namin ay hindi namin napag-uusapan, even si Adi (panganay) who’s now 18 years old, minsan kapag nasa labas kami at may babati sa akin ng, ‘hi tyang Amy or hi Amy’, sasabihin ni Adi, ‘mom you know her?’ sasabihin ko, ‘no, it’s part of mama’s job’ tapos sasabihin ni Adi, ‘ay oo nga pala, artist ka.’

“They keep forgetting that kasi kapag nasa bahay kami, ang alam lang nila, nanay ako na nagtatrabaho, so makikita nila ako sa TV, like last time, binidyo ko sila (mga anak) kasi umere ‘yung news ni Carlo (TV5 reporter), sa nakita nila (mga anak) sa TV, ‘si dada, si dada, si Carlo Castillo’ so naaliw sila. Hindi pa namin formally nasasabi sa mga bata na (TV personality kami) unlike si Adi na nakaiintindi na.

“Kasi kami ni Carlo, mayroon kaming role na kapag Saturday/Sunday, isa sa amin ang nasa bahay, kung may raket ako ng weekend, siya nasa bahay, ‘yun ang day-off.

“Just to make sure na hindi naiiwan lang ang mga bata sa kasama namin sa bahay, mayroong isa sa amin na laging nandoon.

“Ang hirap ngayon kasi pang-hapon siya (Carlo), dati panggabi siya, kapag ganitong during the day nagwo-work ako, nasa bahay siya kasama ang mga bata,” nakangiting kuwento ng TV/radio host.

Naikuwento rin ng TV host na may sariling oras din silang dalawa lang ni Carlo,”tuwing Friday, kaming dalawa lang, either manood ng sine or discover ng new restaurant, importante iyon para sa aming dalawa.”

Paano naman nila nahahati ang gastos sa bills at iba pang pangangailangan? Hindi naiwasang hindi tanungin dahil obvisouly, mas malaki ang kita ni Amy sa asawa.

“Never naging isyu ‘yun (mas malaki ang kita) sa amin, honestly. Sa aming dalawa malinaw na pinag-usapan namin ni Carlo from the start na kung anong mayroon ako, akin ‘yun at kung anong mayroon siya, dapat akin din ‘yun, ha, ha, ha, joke.

“One thing what’s really nice with Carlo, hindi siya nai-insecure sa mga ganyan, basta ang sa kanya, pinu-fulfill niya at ginagampanan niya ‘yung duties niya as a father and never naging issue sa kanya whether mas malaki ang suweldo ko o sa kanya.

“Hindi namin pinag-aawayan ‘yun, basta lagi lang niya akong gina-guide sa pagba-budget kasi mas magaling siyang mag-budget kaysa akin, pero ‘yung ATM niya, siyempre nasa akin.Tapos baon lang siya, allowance,” natawang kuwento ng TV/radio host.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Check Also

Marissa Delgado Marian Rivera

 Marissa Delgado tagahanga ni Marian, gandang-ganda sa aktres

RATED Rni Rommel Gonzales SI Marissa Delgado, na gumaganap na si Nova, ang masungit na biyenan ni Marian …

Xian Lim

Xian sa love: painful and a magical feeling

MA at PAni Rommel Placente NOONG nakaraang Biyernes, March 22, si Xian Lim ang naging guest sa Fast …

Cristy Fermin Baron Geisler

Cristy Fermin napatunayan anak ni Baron sa isang aktres

PUSH NA’YANni Ambet Nabus TILA naging vindication naman para sa ating kaibigan at nanay-nanayang Cristy Fermin ang …

Baron Geisler Cristine Reyes Dearly Beloved

Baron binago estilo sa acting, Cristine magaling pa rin

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NANIBAGO kami sa ipinakitang acting ni Baron Geisler sa Dearly Beloved, ang latest movie …

Marianne Beatriz Bermundo Khristine Kate Almendras Ornopia Aspire Magazine Ayen Cas

Aspire Magazine tuloy na pag-arangkada; 2 beauty queen inihataw ang galing

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio NAKABIBILIB ang publisher ng Aspire Magazine na si Ayen Cas dahil sa bawat issue …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *