Friday , April 19 2024

‘Death Squad’ sa iglesia tsismis lang (Iresponsable at padalos-dalos)

1029 FRONTSA HARAP ng mga lumalabas na alegasyon na ang Iglesia Ni Cristo (INC) ay may ikinukubling ‘private army’ at ‘death squad’ upang ipanakot sa kanilang mga miyembro, agad lumutang si Quezon City Department of Public Order and Safety (DPOS) chief Elmo San Diego noong Miyerkoles upang pabulaanan ang mga paratang at magbigay ng babala laban sa padalos-dalos na konklusyon hinggil dito nang walang matibay na patunay.

“Pag-ingatan sana ng publiko ang paniniwala at pagpapakalat ng mga ganitong impormasyon dahil malaki ang implikasyon nito sa public order and safety na apektado hindi lamang ang mga kasapi ng Iglesia kundi pati na rin ang publiko,” babala ni San Diego, na isang dating police general.

Ang mga ganitong akusasyon, ayon kay San Diego, ay maaaring makapagpahina ng tiwala ng publiko sa mga may kapangyarihan at maaari pang magbunga ng samot saring pala-palagay na hindi naman kailangan ng publiko lalo na sa panahon ngayon.

“Ano sa tingin ninyo ang mangyayari kapag may lumabas na pahayag na nagsasabing okay lang sa gobyerno at pinababayaan ang pagkakaroon ng ganitong mga armado sa inyong komunidad? Gagawa lamang ito ng takot at pagkabalisa, at ninipis ang pagtitiwala ng tao sa ating mga pulis at sa iba pang mga tagapagpatupad ng batas. ‘Wag sana nating paghariin ang takot,” ayon kay San Diego.

Hinimok din ng DPOS Chief ang dalawang kampo sa isyu ng INC na maging mas responsable sa kanilang mga binibitawang salita kasabay ng pahayag na “paaalalahanan ang sino man laban sa pagpapakalat ng usapin hinggil sa paglipana ng mga armadong grupo upang maghari ang takot at karahasan, lalong-lalo na kung ang mga pahayag ay walang basehan o patunay.”

Samantala, nanawagan si INC spokesperson Edwil Zabala sa mga kasapi ng Iglesia na manatiling mahinahon at patuloy na manalangin.

“Tinitiyak ng pangasiwaan ng Iglesia na haharapin natin ang mga usaping ito nang buong dangal at matatag na pagtitiwala sa pantay na pagturing ng sistema ng katarungan sa bansa,” pahayag ni Zabala.

Humingi rin ang tagapagsalita ng INC ng pang-unawa at sapat na panahon para tugunan ang mga isyu sa Iglesia sa gitna ng “walang basehan at padalos-dalos na pamamaratang na lumilihis sa layuning makamit ang katarungan para sa lahat.”

About Hataw News Team

Check Also

Bong Revilla, Jr

Revilla tuloy ang serbisyo-publiko sa kabila ng aksidente

“SALAMAT sa mga nag-aalala kung ano ang nangyari sa akin, pero nasa mabuti na akong …

Lobo Batangas

Sa Batangas 
PAGLAGANAP NG ILEGAL NA SUGAL SA LOBO IKINABAHALA NG BUSINESSMEN

LUBOS na nababahala ang grupo ng mga negosyanteng kinabibilangan ni Efren Ramirez sa isyu ng …

Bong Revilla Jr Maynilad sinkhole

Maynilad panagutin sa sinkhole — Revilla

“DAPAT managot ang Maynilad at kanilang mga kontraktor.”                Ito ang ipinahayag ni Sen. Ramon …

BUCAA Bulacan Daniel Fernando

Sa Liga ng Palarong Basketball ng BUCAA  
MAGLARO NANG MAY PUSO — GOV. DANIEL FERNANDO

“MAGLARO kayo nang may puso. Ipakita ninyo ang pagmamahal ninyo sa sports. Tandaan ninyo, ang …

shabu drug arrest

Sa Caloocan
PINTOR HULI SA P.1-M SHABU

IMBES pagpipinta ng bahay, pumasok sa ‘drug trade’ ang isang house painter pero ‘minalas’ na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *