Saturday , April 20 2024

Eat Bulaga, ’di kinaya ng powers ni Vice

091615 vice aldub
ISINUKO na ni Vice Ganda ang bandera nang aminin niyang hindi nila kayang talunin ang Eat!Bulaga.

“Noong ginawa nga tayong noontime, parang sabi kong ganoon kila ano, sa mga boss natin.  ‘Okay ba sa inyo na gagawin kayong noontime? ‘Hindi po. Okay na kami sa morning show. Lahat kami, ‘di ba, lahat tayo nagkaisa na ayaw namin ng noontime, gusto namin morning show lang, ganyan-ganyan.

“Sabi ng boss namin, ‘Bakit?’ Kasi naman po ilalagay ninyo kami sa noontime, ‘di naman namin kayang talunin ang ‘Eat Bulaga’.

“’Di ba? Kahit pagsama-samahin namin ang powers namin dito at magtitiwarik ho ako rito, ‘di ho namin kayang talunin ang ‘Eat Bulaga’.

“Pero sabi ng boss namin, ‘Sino ba ang nagsabi sa inyo na tatalunin niyo ang ‘Eat Bulaga’?

“’Hindi naman namin kayo ilalagay sa noontime para talunin ang ‘Eat Bulaga’. Sasamahan niyo lang sila sa pagpapasaya ng tao.’”

‘Yan ang mahabang aria ni Vice noong Sabado.

“Kaya magmula ng araw na ‘yun na inilagay kami sa noontime, hanggang ngayon, wala kaming nararamdamang ano kasi wala naman kaming intensiyong makipagtalo at makipag-away. Sa simula pa lang po, talo po kami. Itinataas po namin ang bandera nila dahil sila ay aming mga idolo at mga modelo. Wala kaming….hindi namin matatalo ‘yan,” pag-amin pa ni Vice.

“Ang saya-saya ko kasi ang tweet ko nga kaninang umaga ano, ‘This is a day to be very grateful.’ Sobrang grateful ko ngayong araw na ito kasi anim na taon, hindi biro ‘yon, ha. Sa bilis ng pagpapalit ng panahon, sa bilis ng gusto ng mga tao, sa bilis ng tiwala ng mga tao, ibang klase ‘yung six years. At ang laki-laki ng nagbago sa paligid ko, ang laki ng nagbago sa mundong ginagalawan ko, ang laki-laki ng nagbago sa buhay ko. At ano man ang mangyari, wala akong nararamdamang sama ng loob, galit, lungkot, ngitngit, puro tuwa lang at pagpapasalamat kasi ang laking blessing talaga nitong ‘Showtime’ hindi lang sa akin, kundi sa inyong lahat, lalo na ‘yung nakatutok pa rin sa atin hanggang ngayon,” dagdag pa ng stand-up comedian.

Sa huli ay may pakiusap din si Vice sa fans ng It’s Showtime at Eat! Bulaga.

“‘Wag ho kayong mag-away-away sa social media. Ang dami ko nang kilala na nabawasan ang friends sa Facebook dahil nakikipag-away. Hindi n’yo ho kailangang makipag-away sa mga tao kung sinong number one na show dahil kami pong mga host ng ‘Showtime’ at ‘Eat! Bulaga’ ay hindi magkakaaway sa totoong buhay.”

UNCUT – Alex Brosas

About Alex Brosas

Check Also

Beaver Magtalas Rico Yan

Beaver Magtalas mala Rico Yan ang dating

MATABILni John Fontanilla KAMUKHA ng yumaong aktor na si  Rico Yan ang baguhang aktor na si Beaver Magtalas na …

Ivana Alawi

Ivana Alawi gumastos ng milyones para sa lalaki

MATABILni John Fontanilla NABIGLA ang publiko nang aminin ni Ivana Alawi sa kanyang pamilya at sa publiko …

Dennis Padilla Aster Amoyo

Dennis ibinilin sa mga anak: magtulungan

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ng komedyanteng si Dennis Padilla sa vlog ni Aster Amoyo na TicTALK with …

Janno Gibbs Manilyn Reynes Keempee de Leon

Manilyn pinaka-memorable na ka-loveteam si Janno

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ni Manilyn Reynes sa Updated with Nelson Canlas, tinanong siya kung …

Glaiza de Castro David Rainey

Glaiza naka-iskedyul pagbuo ng baby

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG busy si Glaiza de Castro, paano ang pagbuo nila ng pamilya ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *