Wednesday , April 24 2024

Wala na bang pag-asang mapatino ang Bilibid sa Muntinlupa?

102314 bilibidKAHIT yata sino ang ilagay na Director sa National Bilibid Prison (NBP) ay hindi na mapuputol ang ‘pananalaytay’ ng mga sindikatong nagpapatakbo ng droga, human trafficking as in prostitution, ilegal na  bentahan ng alak at iba pang raket para lamang may mailaman sa kanilang mga bulsa.

At napaka-normal nang ganyang mga pangyayari lalo na kung maraming opisyal na rin ang nakikinabang.

Kumbaga, NAGKAKAALAMAN na!

Kung hindi tayo nagkakamali, napakaraming trabaho gaya ng pagpapaunlad ng kanilang skills & talents ng mga preso para maging kapaki-pakinabang silang mamamayan kahit nakakulong sila pero mukhang maraming galamay ang mga sindikato riyan para marahuyong makilahok sa kanila ‘yung mga gustong tumino.

Marami po kasing preso ang ‘breadwinner’ ng kanilang pamilya kaya kahit nakakulong na, sila pa rin ang inaasahan. Kaya hanggang sa loob, marami ang nag-iisip kung paano sila kikita.

At diyan po nag-uumpisa ang galamay ng sindikat0…

Sinasadya silang tuksuhin.

Kaya kahit sino pa siguro ang ilagay diyan sa NBP hangga’t hindi naaaresto kung ano talaga ang problema ‘e hindi magkakaroon ng katinuan ‘yan.

Nagbabago lang ang kanilang anyo personally pero napakabagal patinuin ng kanilang ‘nakahiratiang’ sistema.

Tsk tsk tsk…

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0927.590.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *