Saturday , April 20 2024

Pareho kasing leavelheaded, Richard at Dawn loveteam parehong suportado ng kanilang respective partners

102315 richard dawn lucy anton
Bukod sa tinatangkilik pa rin hanggang ngayon ang tambalang Richard Gomez at Dawn Zulueta na ang huling pelikula ng dalawa sa Star Cinema kasama si Bea Alonzo ay “The Love Affair,” na tumabo ng P350 milyon sa takilya, isa sa rason, kung bakit komportable pa rin magkatrabaho sina Richard kasi pareho silang suportado ng kanilang respective partners in life na sina Congw Lucy Torres-Gomez at Davao Rep. Anton Lagdameo at siyempre ‘yung fans ng CharDawn loveteam na talagang hindi nagsasawang tangkilikin sila sa kanilang projects. Ang mga bagay na ito ay naitanong pareho kina Dawn at Richard sa nakaraang grand presscon ng kanilang bagong project na teleserye sa Star Creatives na “You’re My Home,” na nakatakda nang ipalabas sa November 9. Maayos na nasagot ni Dawn, ang tanong na ibinato sa kanya kung pinagseselosan ba ni Anton ‘yung loveteam nila ni Richard? Sey ng maganda at mahusay na actress, pagdating raw sa kanyang showbiz career ay very supportive sa kanya ang hubby na si Anton at ang tingin raw sa tambalan nila ni Goma ay produkto. Matagal na raw fan ng loveteam nila ni Dawn si Lucy kaya walang problema sa kanyang misis na politician ang pagsasama nila ni Dawn sa ano mang proyekto, pahayag ni Richard na tatakbong Mayor ng Ormoc City. Samantala sa teleserye ng CharDawn ay bibigyang-diin ng ABS-CBN ang kahalagahan ng pamilya sa mga manonood sa paglalahad ng kwento ng isang anak na gagawin ang lahat mabuo lang ang kanyang pamilya sa pinakabagong powerhouse primetime drama na “You’re My Home.” Kilalanin ang pamilya Fontanilla sa mata ng pinakamatandang anak na si Grace Fontanilla (Jessy Mendiola). Matapos ang maraming taon ng pamumuhay nang simple lang, magiging marangya ang kanilang mga buhay simula nang hawakan ni Gabriel (Richard Gomez) ang kasong frustrated homicide laban kay Christian Vergara (JC De Vera), anak ng isang makapangyarihang senador (Tonton Gutierrez). Ang noo’y 12 taong gulang na si Grace ay maghahanap ng atensyon mula sa ama at inang si Marian (Dawn Zulueta) at maiisipang magrerebelde. Isang gabi, umalis siya nang walang paalam at lumabas kasama ang kanyang mga kaibigan. Hinabol siya ni Rahm at ng kanilang kasambahay kaya naman naiwan si Vince mag-isa sa bahay. Makalipas lang ang ilang minuto ay gugulat sa pamilya ang balitang babago sa kanilang mga buhay—- nawawala si Vince.

Lilipas ang 12 taon at patuloy ang pangungulila nila kay Vince. Dala ng kanyang pagkawala kung kaya’t naghiwalay na sina Marian at Gabriel. Si Marian ay abala na sa kanyang clothing line business habang si Gabriel naman ay kinakasama na si Roni (Lara Quigaman), ang pulis na naghawak ng kaso ng kanyang anak. Sa murang edad, si Rahm (Sam Concepcion) naman ay may anak at asawa na, habang si Grace naman ay patuloy na sinisisi ang sarili sa pagkakawala ng bunsong kapatid. Muling pagkukrusin ng tadhana ang landas ni Grace at ng ngayo’y binata nang si Vince (Paul Salas). Sa kaniyang pagbabalik, manumbalik din kaya ang dati’y matibay na ugnayan ng pamilya Fontanilla? Bigyan kaya nina Marian at Gabriel ng ikalawang pagkakataon ang kanilang pagmamahalan? Matanggap kaya ni Rahm si Vince sa kabila ng selos na nararamdaman sa kapatid? Paano kung mahulog ang loob ni Grace kay Christian, ang lalaking nahatulang guilty sa pagkidnap kay Vince? Mas matimbang ba ang pag-ibig niya sa pamilya kompara sa binata? Ano ang katotohanan sa pagkawala ni Vince?

Kasama rin sa cast sina Assunta De Rossi, Jobelle Salvador, Mika Dela Cruz, Minnie Aguilar, Peewee O’Hara, Belle Mariano, Bugoy Carino, at Raikko Mateo. Ang “You’re My Home” ay sa direksyon ni Jerry Lopez-Sineneng sa ilalim ng pamamahala ni business unit head Malou Santos. Ang creative team nito ay pinamumunuan naman ng creative manager at “MMK” headwriter na si Arah Jell Badayos. This is much awaited soap gyud!

DINUMOG NG LIBO-LIBONG OTWOLISTAS, SPREAD THE LOVE TOUR NG JADINE SA MARKET MARKET LUMEBEL SA ASAP ALL STAR CAST

101315 JaDine

Grabe, sa dami ng OTWOLISTAS na sumugod kahapon sa Activity Center ng Market! Market! para saksihan ang Spread The Love Tour nina James Reid at Nadine Lustre mga pangunahing bida ng “On The Wings of Love.” Pagdating namin ng ve-nue bandang 1:30 ng hapon dahil siksikan na sa dami ng tao, ay halos wala na kaming maraanan papunta sa isang Pizza house na meeting place namin ng mga kapwa invited na entertainment press. At nang bumaba naman kami sa Activity Center ng Market Market para saksihan at i-cover ang special event ng JaDine kasama ng mga co-star, ng kanilang top-rating at gabi-gabing trending sa social media teleserye ay another tiyaga dahil mas tumindi ang dami ng crowd magmula ground floor hanggang tuktok ng mall sa The Fort. Sabi nga ng isa sa host ng Spread The Love Tour na si DJ Chacha ang reynang DJ ng MOR 1O1.9 sobrang bilib siya sa nakitang audience ng JaDine na nakita raw niya noon sa ASAP All Star Cast. O di ba, lumelebel na ang loveteam nina James at Nadine sa kasikatan ng ASAP na over two decades na telebisyon. Well hindi na kataka-taka ito dahil buong mundo na ang fan based ng JaDine na matindi kung magpakilig sa OTWOLISTAS. Going back sa event, bago tawagin ang lead stars ng OTWOL para malibang ang crowd ay nagpakontes muna sina DJ Chacha at DJ Papi kung saan namigay sila ng mga papremyo sa fans. At dahil endorser ng Burger Steak ng Jolibee sina James at Nadine ay dumating si Jolibee(masscot) at mga bagong character mascot. At nang lumabas na sa stage sina James at Nadine dumagundong na ang buong activity center at halos mabingi kami sa lakas ng palakpakan at hiyawan. Lahat ay kinilig sa dalawa at hindi nila binigo ang kanilang mga tagahanga at napasaya nila ng husto ang lahat na naglaan talaga ng time to watch them. Siyempre masaya rin ang lahat nang makita nila ang iba pang mga Kapamilya star na part ng On The Wings of Love at kabilang na dyan ang tinaguriang Pambansang Bully na si Albie Casino, na hindi pa lumabas ay tinitilian na dahil sa kanyang Abs; ang gumaganap na nanay niya sa serye na si Cherry Pie Picache, ang loveteam nina Bianca Manalo at Nico Antonio na click rin sa fans, Jason Francisco, Tenement boys na mga kaibigan nina Clark at Jigs na nagkaroon pa ng production number at parlor games kasama ang mga supporting cast. At hindi mabubuo ang Spread The Love Tour, kung wala ang mga sponsor kaya pinapasala- matan silang lahat ng Dreamscape Entertainment. Super enjoy kami sa event na ito gyud!

VONGGANG CHIKA! – Peter Ledesma

About Peter Ledesma

Check Also

Gary Valenciano Star Magic ABS-CBN

Gary V handang umarteng muli sa harap ng kamera, bahagi na ng Star Magic family 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio PANIBAGONG career milestone ang naitala ng pambansang Mr. Pure Energy …

Beaver Magtalas Rico Yan

Beaver Magtalas mala Rico Yan ang dating

MATABILni John Fontanilla KAMUKHA ng yumaong aktor na si  Rico Yan ang baguhang aktor na si Beaver Magtalas na …

Ivana Alawi

Ivana Alawi gumastos ng milyones para sa lalaki

MATABILni John Fontanilla NABIGLA ang publiko nang aminin ni Ivana Alawi sa kanyang pamilya at sa publiko …

Dennis Padilla Aster Amoyo

Dennis ibinilin sa mga anak: magtulungan

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ng komedyanteng si Dennis Padilla sa vlog ni Aster Amoyo na TicTALK with …

Janno Gibbs Manilyn Reynes Keempee de Leon

Manilyn pinaka-memorable na ka-loveteam si Janno

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ni Manilyn Reynes sa Updated with Nelson Canlas, tinanong siya kung …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *