Friday , December 13 2019
Breaking News
You are here: Home / Opinion / Keep up the good work NBI & BOC enforcement group

Keep up the good work NBI & BOC enforcement group

00 parehas jimmyMy deepest sympathy sa pamilya ni MICP district collector Elmir dela Cruz  dahil sa pagpanaw ng kanyang butihing Ina. Condolence sir.

Belated happy birthday sa kaibigan kong si NBI Deputy Director for Investigation Atty. Ed Villarta.

Happy birthday amigo.

***

Hindi na talaga matatawaran ang ginagawa ng NBI ngayon pagdating sa public service at accomplishment,kakaiba talaga sila.

Nakita ninyo ang sunod sunod na anti-criminality campaign nila gaya nung kidnap for ransom group na nahuli ng NBI-NCR sa pamumuno ni Atty. Max Salvador.’Yung huling drugs at baril sa pamumuno ng NBI Anti-ilegal drugs chief Atty. Joel Tuvera.

Yun mga pekeng passport na nahuli ng NBI-interpol sa pamumuno ni Atty. Daniel Daganzo.

Siyempre lahat ‘yan ay dahil sa magandang pamumuno ni NBI Director Atty. Virgilio mendez na nagbibigay ng magandang ehemplo sa kanyang mga tauhan.

Ang nakakalungkot lang kapag may hindi napagbigyan at nasagasaan na mambabatas ay kung ano-ano ang pangiipit na ginagawa para maipasa ang kanilang budget.

What a shame di ba?

Natatakot ba kayo sa NBI dahil sila ang nag iimbestiga sa PDAF scam?

Mabuhay ang NBI sa pamumuno ni Director Mendez, Asst. director Atty. Luigi de Lemos, Deputy directors Atty. Ed Villarta,  Atty. Edmund Arugay, Atty. Antonio Pagatpat, CPA Raffy Ragos, CPA Joy Doloiras, CPA Roland Argabioso at sa lahat ng bumubuo sa inyong ahensiya.

 God bless us all.

***

Sino itong alias YORME DEN-INIS na sikat na ismagler na may malaking bahay at daming ari-arian sa Cebu at Las Pinas?

 Alam na alam ko ang mga consignee nila. Kung magaling sila magpalusot sa customs. Magaling din ako sa profiling,aral yata ako sa NBI at AFP sa dami ng aking kaibigan sa intelligence sa ISAFP at NICA at CIDG.

Sa BOC Port of Manila assestment division ay may isang babae maputi na ang buhok dyan na tatahi-tahimik pero may brokerage pala at matakaw pa.

Di na nya na alam kung saan dadalhin ang mga pera nya. Tanungin natin kay Orly na walang sinasabi kundi pasensya ka na lakay. Grabe ang mga ito sa katakawan pero kilala ko sila kasi matagal na ako sa BOC. 1978 andito na ako.

***

Ito ang isang dapat hulihin ng NBI, nasa Paranaque ang bodega nito na puro IPR violation. Shi shao ‘yun na nagmamay- ari kunwari ng dragon gate enterprises at hardware. Front lang niya ito, pati pekeng vetsin at sigarilyo ay ini-smuggle nya galing china.

 Minsan hinuli raw ito ng pulis dahil sa kaso daw na smuggling ng sigarilyo pero pinakawalan din ng pulis dahil naglagay daw ng malaking pitsa. Nakakatakot ‘yan ismagel na vetsin baka nahahaluan na ng iligal na droga?

 Yan ang nakakatakot!

***

Isa pa na dapat imonitor ng NBI ay ‘yung asawa ni che quing quing ang pangalan pero ang daming ginagamit na alias Arlyn tan, Jenny tan.

Ang titindi ng bodega nito ay sa Paranaque, marami sa steel house.Hulihin ang mga ito!

***

Si Sheryl ukay-ukay queen ay kasosyo ni Imran sa Paranaque.

Dapat din bantayan ang mga trabaho ni Aileen balmes.

 Puro daw tagilid,totoo ba ito?

***

Congratulations pala sa BOC-Enforcement Group sa sunod-sunod na huli nila kamakailan ng mga cellular Phones,tablets, Television, mga regulated Drugs at madami pang iba na talagang di biro ang kanilang mga nasakote.

Magaling lahat sila sa pangunguna ni Comm. Bert Lina at Enforcement Group Deputy Commissioner Ariel Nepomuceno. Kasama na rin ang mga ESS Commanders at mga agents. Talagang masisipag at mga alerto kaya ‘di nakakalusot ang smuggler at talagang tinutuluyan nila.

Kaya naman dapat tigilan na ng mga smuggler ang nagpaparating ng mga illegal goods dahil may kalalagyan kayo kay DepComm. Nepo.

Mabuhay ang BOC Enforcement Group! Keep up the good work guys!

About Jimmy Salgado

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top