Wednesday , June 26 2019
Breaking News
You are here: Home / Hataw Lifestyle / Filipinas pangalawa sa ‘gender inequality’ sa mundo

Filipinas pangalawa sa ‘gender inequality’ sa mundo

102015 Women gender inequality
NANINIWALA ang karamihan sa developing countries sa Asya na mahihirapan ang susunod na henerasyon ng kababaihan na labanan ang ‘gender inequality’ ayon sa survey credit card company na Mastercard.

Itinanong sa survey ng Mastercard ang 8,700 indibiduwal kung lalala ang gender equality o mananati-ling pareho o gaganda sa darating na panahon.

Naging negatibo rito ang mahihirap na bansa tulad ng Vietnam, Indonesia at Myanmar ukol sa pagpapalawig ng equality sa mga babae, habang sa mayayamang bansa tulad ng Australia at Singapore ay umaasang ma-giging progresibo ito.

Gumamit ang ‘next ge-neration well-being’ index, na ibinatay sa survey ng 17 developed at emerging market countries, ang antas na 0 (zero) para sa negatibo, 50 para sa neutral at 100 para sa maximum na positibo.

Nagtala ng pinakamataas sa index scores ang developing countries na Malaysia (54.4), Filipinas (36.5) at Thailand (27.1), at ang pinakamababa ang Myanmar (11.6), Indonesia (9.5) at Vietnam (1.9).

Sa kabilang dako, umiskor naman ang pitong developed countries ng 62.6, kabilang ang Taiwan (84.3), Australia (71.0) at Singapore (64.8) na pinaka-optimistiko patungkol sa pagpapalawig ng gender equality.

Makikita rito, sa maya-yamang bansa ay “layunin ng kababaihan na palawigin ang mga bagay na ipinaglaban ng kanilang mga ina,” wika ni Pauline Tweedie, deputy country representative ng Thailand for Asia Foundation, isang non-governmental development organization.

“Hindi nakagugulat na isipin nilang ito ay lalaganap pa dahil may nakita silang magagandang pagbabago sa nakalipas. Ito rin ang dahilan kung bakit napakataas ng naitala ng Malaysia,” ani Tweedie.

ni Tracy Cabrera

About Tracy Cabrera

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top