Friday , April 19 2024

The PreNup, tumabo ng P8-M sa opening day!

101615  sam milby jennylyn mercado

00 SHOWBIZ ms mCONGRATULATIONS sa Regal Entertainment at kina Jennylyn Mercardo at Sam Milby dahil humamig ang kanilang romantic-comedy na The PreNup ng P8-M sa opening day noong Miyerkoles.

Kung magtutuloy-tuloy ang magandang takbo nito sa takilya nangangahulugang nagustuhan ng publiko ang performances ng mga bida at supporting stars gayundin ang pagkakadirehe ng award-winning director na si Jun Lana.

Interesting kasi ang istorya ng The PreNup na tiyak kong marami ang naka-relate at nakakuha ng aral dahil inilalarawan nito ang epekto ng isang pre-nuptial agreement bago ikasal.

Sa social media, Twitter, Facebook, at Instagram, nagbubunyi ang mga nakapanood ng movie sa kilig pa more na dala nina Jen at Sam. Trending din sa Twitter ang first day showing nito dahil aprub na aprub sa netizens ang Pinoy na Pinoy na tema ng The Pre-Nup.

Bentang-benta na naman sa moviegoers ang galing nina Jen at Sam sa mga kilig scene nila sa movie. ‘Yung nakatutuwa nilang mga eksena sa New York City ay hinangaan ng manonood. Patunay lang na gumastos  ng todo ang Regal Entertainment sa romantic-comedy film na nilahukan pa ng fun, laughter and romance mula simula hanggang sa wakas.

Marami ring lalaki ang tiyak na nahalina sa ganda ni Jennylyn sa screen habang ang mga babae ay guwapong-guwapo sa katauhan ni Sam. Bagay na bagay ang character nilang dalawa na isang kikay na babae at seryosong lalaki.

Maging ang mga supporting star sa The Pre-Nup ay pinapalakpakan ang performances at pagbibitiw ng mga dayalog. Si Melai Cantiveros na lumabas na “sister” ni Jen, giba ang sinehan sa kanyang pagpapatawa! Damang-daman naman ang pagiging aristokrata ni Jaclyn Jose bilang ina ni Sam.

Ang lumabas na “magulang” ni Jennylyn na sina Gardo Versoza at Dominic Ochoa ay maraming moments din na ikinatuwa ng manonood.

Samantala, Graded B ng Cinema Evaluation Board ang The Pre-Nup at angMTRCB rating nito ay Parental Guidance.

Makisaya, maki-iyak, at ma-in love sa ultimate kilig movie of the year na The Pre-Nup!

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Beaver Magtalas Rico Yan

Beaver Magtalas mala Rico Yan ang dating

MATABILni John Fontanilla KAMUKHA ng yumaong aktor na si  Rico Yan ang baguhang aktor na si Beaver Magtalas na …

Ivana Alawi

Ivana Alawi gumastos ng milyones para sa lalaki

MATABILni John Fontanilla NABIGLA ang publiko nang aminin ni Ivana Alawi sa kanyang pamilya at sa publiko …

Dennis Padilla Aster Amoyo

Dennis ibinilin sa mga anak: magtulungan

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ng komedyanteng si Dennis Padilla sa vlog ni Aster Amoyo na TicTALK with …

Janno Gibbs Manilyn Reynes Keempee de Leon

Manilyn pinaka-memorable na ka-loveteam si Janno

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ni Manilyn Reynes sa Updated with Nelson Canlas, tinanong siya kung …

Glaiza de Castro David Rainey

Glaiza naka-iskedyul pagbuo ng baby

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG busy si Glaiza de Castro, paano ang pagbuo nila ng pamilya ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *