Thursday , April 25 2024

Mayweather talo kay Pacquiao — Mosley

050415 pacman floyd
MATAGAL nang nangyari ang tinaguriang Fight of the Century sa pagitan nina Manny Pacquiao at Floyd Mayweather Jr.

Parang hangin lang na nagdaan ang nasabing bakbakan noong Mayo  na walang iniwang impact sa mga boxing aficionados.  Tanging mga negatibong kritisismo ang naringi sa  mga nakapanood sa  nasabing laban.

Pero hanggang ngayon ay minumulto pa rin si Sugar Shane Mosley ng pagiging “flop” ng nasabing laban.   Hindi pa rin siya makapaniwala na nanalo doon si Mayweather gayong puro takbo ito sa pag-atras para maiwasan ang mga ibinabatong pamatay ni Pacquiao.

Ayon sa huling interbyu kay Mosley nitong nagdaan na linggo, dapat lang na binigyan ng malaking “kredito” ng mga hurado ang pagiging agresibo ni Pacquiao at hindi siya dapat natalo via unanimous decision kay Floyd.

Humirit si Mosley sa kinauukulan na dapat lang na magkaroon ng matinding pagsusuri sa nagging resulta ng laban at makikita doon na ginawa nito ang lahat ng paraan para makuha ang final verdict sa Las Vegas.

“I believe Manny Pacquiao may have won the fight if you look at the statistics for the fight, although nobody talks about it,” pahayag ni Mosley sa  World Boxing News nung nakaraang linggo.

“Manny was in the red corner and the red corner won the fight as the red corner threw more punches. I also felt Manny threw more punches, but people just don’t talk about the red corner winning the fight – which was Manny Pacquiao. So there is still a question mark about that.”

About hataw tabloid

Check Also

Daluz vs Dableo Chess

FM Daluz naghari sa Kamatyas Open chess tilt

Final Standings: (Open Division, 8 Rounds Swiss System) 7.5 points—FM Christian Mark Daluz 7.0 points—IM …

Game On The Podcast

Sports chikahan hatid ng Game On! Podcast

GOOD news para sa sports enthusiasts dahil pwede nang mag-tune in sa pinakaunang sports podcast …

NYBL Butz Arimado TOPS PSC

NYBL Inter-Cities lalarga sa Mayo 4

ISASAGAWA ng National Youth Basketball League (NYBL) ang 2nd Inter-Cities and Municipalities basketball championship  sa …

Philippine athletics TOPS PSC

Philippine athletics meet tatakbo na

Manila — Inilalagay ng Philippine Athletics Track and Field Association ang kanilang pinakamahuhusay na atleta …

BUCAA Bulacan Daniel Fernando

Sa Liga ng Palarong Basketball ng BUCAA  
MAGLARO NANG MAY PUSO — GOV. DANIEL FERNANDO

“MAGLARO kayo nang may puso. Ipakita ninyo ang pagmamahal ninyo sa sports. Tandaan ninyo, ang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *