ITINANGGI ni Jessy Mendiola na buntis siya! “Hindi ko nga alam na may balita na preggy ako. Kanina ko lang nalaman. Bakit kaya? Siguro kasi malaman ako ngayon. I don’t know,” giit ni Jessy sa interbyu sa kanya na lumabas sa push.com ng abscbnnews.com.
Sinabi pa ni Jessy na, ”Iba na rin pala ngayon kasi mas nauuna pang malaman ng iba na buntis ka kaysa sarili mo.”
Sa totoo lang nakita naming ang mga picture ni Jessy nang dumalo ito sa isang event at kitang-kita naman dito ang kaseksihan at ganda ng katawan. Kung buntis naman si Jessy, madali naman iyong makikita. Kaya wait na lang natin.
Samantala, bagamat naging sunod-sunod ang hindi magagandang isyung naglabasan ukol kay Jessy, nakatutuwang isa siya sa celebrity endorser ng Asia’s largest video-on-demand service ng HOOQ. Ibig sabihin, may tatlong commercial si Jessy na ginawa abroad kasama si Xian Lim, ito ‘yung ilang tagpo sa mga popular Hollywood movie na Pulp Fiction, Jerry Maguire, at Zorro.
Bukod dito, malapit na ring mapanood si Jessy sa isang teleserye sa ABS-CBN.
SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com
