Wednesday , May 21 2025

Magulong kampanya ni Bongbong

EDITORIAL logoLIMA na ang pormal na nakapag-anunsiyo na tatakbo sa pagka-bise presidente para sa 2016 elections, habang ang isa ay malapit na rin magdeklara.

Lima rin sa kanila ay pawang may koneksiyon sa Bicol.

Pero kung tutuusin, higit na may adbentaha o nakalalalamang rito ay si  Sen. Bongbong Marcos kung ihahambing sa lima. May siguradong boto si Marcos mula sa tinatawag na solid north, bukod pa sa marami pa rin ang mga Marcos loyalists na laging nakasuporta sa lahat ng anak ng yumaong dating pangulong Ferdinand Marcos.

At kung iisa-isahin ang mga kalaban ni Marcos, maliban kay Sen. Francis “Chiz” Escudero, masasabing walang panalo o panama sa kanya sina Sen. Antonio Trillanes, Sen. Alan Cayetano, Sen. Gringo Honasan at Rep. Leni Robredo.

Walang solidong boto na maipagmamalaki ang bawat makakalaban ni Marcos dahil tiyak na maghahati-hati sa boto ng mga Bicolano sina Escudero, Trillanes, Honasan, Cayetano at Robredo.

Ang malaking problemang kinakaharap ni Marcos ay tiyak ang magulong takbo ng kanyang kampanya. Kung matatandaan, noong 2010 senatorial elections nag-away ang asawa ni Marcos na si Liza Araneta Marcos at si Gov. Imee Marcos.

Napilitang umalis sa gitna ng kampanya si Imee dahil sa nasabing gulo nila ng kanyang hipag. Totoo bang gusto ng asawa ni Bongbong na si Liza na siya lagi ang masusunod sa kampanya?

About Hataw News Team

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

QC Mayor Joy B, at VM Sotto, tuloy ang serbisyo sa QCitizen

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAKATATABA sa puso nina Quezon City Mayor Joy Berlmonte (re-elect) at …

Firing Line Robert Roque

Kultura ng vote-buying

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. NGAYONG tapos na ang eleksiyon, pag-usapan naman natin ang …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Jeepney i-modernize nang makatao at may puso

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI matatawaran ang halaga ng jeepney sa ating kasaysayan. Simbolo ito …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Benhur Abalos: Lumalakas sa survey, may malinaw na plataporma

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA PINAKAHULING Social Weather Stations survey, si dating Department of the …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mapayapa at maaayos na NLE25, puntirya ni QCPD OIC Col. Silvio

SA LUNES NA, Mayo 12, 2025, daragsa sa mga polling precinct amg milyon-milyong botante upang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *