Friday , April 19 2024

Erap nabubukulan sa illegal terminals!?

Lawton TerminalHABANG himas-himas ng isang opisyal sa city hall ng Maynila ang kanyang nabubundat nang bulsa ‘este tiyan, na hindi na kayang paimpisin sa kagi-gym, ‘e mukhang hindi namamalayan ni Mayor Erap na palaki nang palaki na rin ang ‘pambubukol’ sa kanya mula sa ‘pakinabang’ sa illegal terminals d’yan sa paligid-ligid ng city hall hanggang Lawton.

Ayon sa ating unimpeachable source at insider, si City Hall official ay tumatanggap ng P.1-M as in tumataginting na isandaang libong piso linggo-linggo mula sa operator ng illegal terminal ng mga UV Express at kolorum na van.

Kaya naman pala, maligayang-maligaya si city hall official kapag may ‘parating’ at ‘padala’ ang operator ng illegal terminals d’yan sa paligid-ligid lang.

Kaya naman pala parang bahay-kubo ang ‘tanggapan’ ni illegal terminals operator.

Kung sa kantang bahay-kubo ang linya ay… “at sa paligid-ligid ay puno ng linga…”

Sa ‘tanggapan’  (ng tara) ng nasabing operator ang linya ay… “at sa paligid-ligid ay puno ng illegal terminals…”

Shrek shrek shrek (as in hik hik hik)…

Kaya huwag kang magtaka Yorme kung bakit tila nagdadalawang-isip ang nasabing city hall official kung ano ang tatakbuhan niya sa Mayo 2016.

Kasi nga naman, kapag umiba siya ng teritoryo, tiyak antimano tablado siya kay illegal terminals operator.

E isa ‘yan sa mga ‘juicy’ position na kanyang pinakaaasam-asam.

Mantakin ninyong, mga vendor, UV Express drivers at kolorum van operators ang magpupuno ng kanyang kabang yaman?!

Ay Maynila!       

Kaya nga sa illegal terminal pa lang ‘sumasalok’ na nang mahilab-hilab na kabuhayan si city hall official.

O ‘di ba?!

Mayor Erap, ipasudsod mo ‘yan bago pa tuluyang maging ‘pigsa’ ‘yang pambubukol na ginagawa sa iyo ng sarili mong opisyal.

Siya lang ang maligaya at ikaw ay hindi?!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *