Friday , April 19 2024

Pinky Ramos, personalized at may sangkap na love ang cakes

100215 Pinky Ramos Fernandos Bakeshop

00 Alam mo na Nonie“Customer satisfaction ang mahalaga sa cake business,” ito ang ipinahayag ng well loved owner ng Fernando’s Bakeshop na si Ms. Pinky Fernando Ramos.

Dagdag niya sa kaibahan ng kanyang masasarap at special na cakes, “Personalized at may sangkap na pagmamahal ang cakes ko. Kasi, gusto mo ang ginagawa mo e, na parang laging first time ka pa lang nagbe-bake ng cake.”

Star-studded ang 46th birthday celebration niya sa Luxent Hotel, ano ang birthday wish niya? “Good health para sa akin at saka sa family at sa mga kaibigan ko. Wish ko rin na sana isang araw, magkaroon ako ng branch sa Manila.”

Dati ay pangarap lang niyang makita ang mga cake niya sa TV, kaya ngayong kilalang-kilala na ang Fernando’s Bakeshop, sobra ang saya niya.  ”Oo grabe, dati nanonood lang ako sa GMA Supershow ni Kuya Germs. Naisip ko na sana isang araw ay malagay din sa TV ang mga cake ko.

“Unang-unang cake na ginawa ko sa pelikula, ‘yung My Best-friend’s Girfriend, kina Marian at Richard. Sa TV, ‘yung kay Jed Madela na nag-birthday sa ASAP, cupcake iyon. Sumunod ay kay Gary Valenciano, ‘yun ang unang-unang cake.”

Sila lang ba ang bakeshop na ang letters ng name ng may birthday ay ginawang cake? “Oo, naisip ko kasi iyon dahil sabi sa ASAP, dapat ay laging hina-highlight ang name ng may birthday. ‘Yung sa cupcake, ini-sip ko na ‘yung mga mukha nila. Naisip ko rin ‘yung cupcake na may name, may mukha at nakatayo. Ginagaya na nila ang cupcake, kaya naisip ko ang cupcake na may paa na parang tao na talaga.”

Ano ang sikreto kung bakit gusto ng mga artista ang kanyang cakes? “Mahalaga kasi sa akin na matuwa ang mga tao. Hindi lang basta mabigyan ko sila ng cake, may kasamang pagmamahal iyon. Kahit hindi nga nila ako pasalamatan e, basta matuwa lang sila sa birthday nila.”

Ano ang pakiramdam kapag enjoy nang husto sa cake niya, lalo na ang mga taga-showbiz?  ”Natutuwa ako kasi naiisip ko, hindi lang naman ako ang may bakeshop. Nandiyan ang malalaking bakeshop, pero bakit ako ang tinatawagan nila? Unang iniisip ko’y mapasaya ang may birthday at hindi iyong malaki ang kikitain ko.”

Sakaling isadula ang buhay niya, sino ang gusto niyang gumanap? “Si Maja (Salvador), para sexy! Parang malayo sa katotohanan!” Pabirong saad ni Ms. Pinky. “Kasi nabapakabit niya at hindi siya nagbabago. Kahit ako’y pagod na pagod, kakalabitin lang ako ni Maja ay naaalis na agad ang pagod ko,” nakangiting saad pa niya.

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

About Nonie Nicasio

Check Also

Glaiza de Castro David Rainey

Glaiza naka-iskedyul pagbuo ng baby

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG busy si Glaiza de Castro, paano ang pagbuo nila ng pamilya ng …

Atasha Muhlach Daniel Padilla

Daniel at Atasha iniuugnay ng fans

REALITY BITESni Dominic Rea KINIKILIG ako actually sa naglalabasang cropped photos nina Daniel at Atasha Muhlach.  …

Kathryn Bernardo Jericho Rosales Alden Richards

Kathryn pinag-aagawan daw nina Alden at Echo

REALITY BITESni Dominic Rea PAGKARAANG ianunsiyo ni Kathryn Bernardo na she’s already healed after her break-up with Daniel …

Blind Item, Mystery Girl, Actress

Female starlet ‘di makapagpakita kay DOM, ‘tinamaan’ sa foreigner na sinamahan

ni Ed de Leon AY naku, mukhang natauhan na rin ang isang DOM na pinaglololoko lang siya …

Ai Ai de las Alas Gerald Sibayan

Ai Ai sinuwerte kay Gerald, good provider na  pinakamatagal pang nakarelasyon

HATAWANni Ed de Leon ABA at tumagal na pala ng 10 taon ang pagsasama nina Ai …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *